CHAPTER 27: SOMBRERO

31 0 0
                                    

CHAPTER 27

Aurora Memorial Cemetery

May pagmamadali siyang naglakad patungo sa nag-iisang bus na nakaparada sa pinakasulok ng parking area ng sementeryo. Danganan Liner 1666, yun ang basa niya sa nakamarka sa likod ng bus.

Kasabay niya si Genaro habang ang ina nito ay kasunod nila karga-karga ang mag-aapat na taong gulang na batang lalaki. May pagmamadali ang bawat hakbang nila. Dama pa rin niya ang matinding pagkabog ng dibdib ng makita ang nakakadiring bagay sa loob ng hood ng kotse na sinasakyan nila kanina.

Sumampa siya sa Danganan bus kasunod ang nobyo niya at ang ina nito. Halos nangalahati na iyon sa pasahero. Huminga siya ng malalim ng maka-upo na siya sa upuan. Nagsumiksik siya kay Genaro. Hinila niya talaga ito upang hindi ito umupo sa ibang upuan.

Pagod ang katawan at isip niya kaya bahagya siyang humilig sa balikat ng pinakamamahal niya. Hindi naman ito umangal o nagreklamo kaya ninamnam nalang niya ang bawat sandali. Makabawas man lang iyon sa mga isiping bumabagabag sa kanya.

Hindi nagtagal naramdaman niyang may umakyat sa bus. Maya-maya pa'y naglalakad na ito sa gawi nila waring may hinahanap dahil pinapasadahan ng mapanuring tingin ang bawat pasahero. 

Bahagya itong tumigil sa gawi niya. Tiningnan lang nito si Genaro saka tumango sa kanya. Nakaka-unawa na tumango lang din siya rito. Naglakad pa ito sa unahang bahagi ng sasakyan. Tumigil ito sandali duon na waring pinag-aaralan ang kilos ng mga pasahero sa unahan.

Binulungan niya ang katabi niya kung sino ang hinahanap nito. Nagkibit lang ng balikat ang katabi niya. Maya-maya pa'y narinig niya na nagsalita ang isa sa pasahero sa unahan  "Kanino kaya napunta ang libro pare?" Tanong ng baritonong tinig pero wala siyang narinig na may sumagot.

Nilampasan lang sila ng lalaki na nakilala niya nuong isang araw na si Aries. Syempre pa kilala niya lahat ang mga taong may kaugnayan sa mahal niya. Hindi na siya nag-abala pang sundan ito ng tingin. Ipinako nalang niya ang mata sa labas ng bintana ng bus.

May namataan siyang disenting lalaki na inaalalayang maglakad ang isang namamayat na isa pang lalaki. Isinampay ng payat na lalaki ang braso sa umalaylay dito. Nakahawak naman ang disenting lalaki sa braso na nakasampay sa balikat nito at sa beywang ng nangangayayat na lalaki.

Sinundan niya ito ng tingin ng papasok na ito sa loob. Nagbigay daan ang pa-alis na sana na si Aries. Nagreklamo ang karamihan sa mga pasahero dahil sa masangsang na amoy ng namamayat na lalaki ng makapasok na ito sa loob ng bus. Nagulat si Aries ng makalapit na rito ang namamayat na pasahero.

"Leon, anong nangyari sa'yo?" Dahil sa sinabi ni Aries  ay nagsilingunan din ang mga pasahero sa direksyon sa likuran. Umungol lang ang lalaki, waring hirap na hirap na makapagsalita. Biglang nagsalita si pamilyar na disenting lalaki sa harap ng marami.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon