CHAPTER 28: MGA ALUPIHAN

70 0 0
                                    

CHAPTER 28

Aurora Memorial Cemetery (June 05, 2015) 9:56 PM

Napagod na ang kamay ni Leon sa kakapokpok at kakasipa sa ataol na kinalalagyan niya. Bago siya nilisan ng taong tumabon sa kanya, na ang hinala niya ay ang kanyang asawa. Nag-iwan pa ito ng kaunting dasal na hindi niya maintindihan kung anong lenggwahe.

Maya-maya pa'y nakarinig na siya ng mga sagitsit at mga tunog ng pagkarami-raming mga paa na umaapak sa lupa. Rinig din niya ang paglalapot ng mga laway sa bibig ng mga ito. Hindi niya batid kung tao o hayop ang nasa ibabaw niya. Ang tangi lang niyang alam ay hindi iyon odinaryo.

May nangyayaring kakaiba sa ibabaw ng pinaglilibingan niya. Para iyong nagbabantay sa kanya. Mukhang nagtipon-tipon iyon sa itoktok ng lupa na tumabon sa kanya. Hindi niya batid kung kailan naging sensitibo ang pandinig niya pero nagmulat nalang siya na naririnig na niya ang mga bagay-bagay na hindi dapat marinig ng ordinaryong pandinig ng tao.

Kahit konting paghinga niya ay parang bumingi na sa kanya. Ayaw na niyang ibaling sa kanan niya ang paningin niya dahil makikita na naman niya ang nakakasulasok na nakangangang bangkay ni Cris.

Pumikit nalang siya at pinilit ang sariling makatulog. Pero kahit sa panaginip ay dinadalaw pa rin siya ng kanyang asawa. Naglalakad siya sa isang masukal na kagubatan. Puno iyon ng puting ulap na hamog. May mga naririnig siyang mga impit na pag-iyak. Mga sigaw na humihingi ng saklolo pero wala siyang makitang mga tao.

Diretso siyang naglakad kahit walang patutunguhan. Malamig ang lugar na iyon na nagdadala ng nginig sa balat niya. Napansin niyang nanunuyo ang mga damo, mga dahon ng kahoy at mga pananim na makikita sa paligid. Para iyong natuyot dahil sa matinding init ng panahon. Wala iyong kabuhay-buhay kaya naghatid iyon ng matinding kahungkagan sa kanya.

Parang may kulang pero hindi niya mawari kung ano. Bakit parang wala siyang maramdaman? Bakit parang namanhid ang buo niyang pagkatao? Hindi niya maintindihan kung bakit siya nagkaganuon sa lugar na iyon. Hinipo niya ang dibdib niya. Wala siyang maramdamang pagtibok ng puso niya. Pero batid niyang buhay pa siya.

Idinaiti niya ang isang daliri sa ilong niya. Walang hangin na lumalabas duon. Paano iyon nangyari? Pero alam niyang buhay pa siya. Batid niya iyon. Hindi naman siguro siya makakaabot ng mahigit isang kilometro kung patay na siya. Lumingon siya sa likod niya.

Pero laking pagtataka niya ng mapansin na nagbalik siya sa nilakaran niya kanina. Ang lugar kung saan niya naimulat ang kanyang mga mata. Ganuon pa rin iyon kanina ng umalis siya o umalis nga ba siya? Sigurado siyang naglakbay siya ng mahigit isang kilometro kanina. Pero napag-isip-isip din niya na hindi man lang siya pinagpawisan.

Hindi siya nakaramdam ng pagkahapo. Ano ba itong kababalaghan ang bumabalot sa kanya? Kung patay na siya? Paano nangyari iyon? Bigla na namang nanumbalik ang mga ungol sa pandinig niya na humihingi ng saklolo. Sa pagkakatong iyon ay lumitaw na ang mga taong wala sa sarilli na naglalakad ng walang direksyon.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon