CHAPTER 2: TUYONG DAHON

71 0 0
                                    

CHAPTER 2

Awang-awa man ngunit wala siyang magawa kundi turukan ng pampatulog si Cyrus. Hinawakan niya to’ sa dalawang kamay para awatin pero malakas talaga ang lalaki at natabig siya nito. “Bitiwan mo’ko, di mo ba nakikita yang taong yan, kukunin niya ako pati na rin ikaw. Ahhhhhh.... Ahhhhh” Hiyaw nito sa kanya sabay baling sa isang sulok. “Ikaw layuan mo na’ko, parang awa mo na! Hirap na hirap nako.” Pagmamaka-awa nito sa kung sino. Pero wala siyang nakita kahit ano maliban sa puting dingding.

Kitang-kita ng dalawang mata ng nurse, kung paano nagpabiling-biling sa kaliwa’t kanan ang mukha ng pasyente, na aakalain mong sinasampal. Maya’t maya pa ay namumula na ang dalawang pisngi nito at di nagtagal umagos din ang sariwang dugo na waring kinalmot ng mabangis na hayop.. “Ahhhh!” Sigaw nito kapagdaka. “What’s wrong with you Mr. Abalos. What happened? Tell me” Histerical na tanong ng nurse.

Isang kaganapan ang labis na nagpatayo ng mga balahibo ni Jezza. Yung Makita mismo ng dalawang mata niya ang paglutang sa iri ng kanyang pasyente. Umiikot sa iri sa ikalabing tatlong ulit ang probreng katawan nito. Di nagtagal nakita niyang nabalutan ng itim na usok ang katawan ng pasyente. At pa-unti-unting may nabuong imahi sa likod nito.

Ang ikalawang braso ng itim na imahi ay nakayakap sa katawan nito at ang isa pa ay nakatakip sa bibig ng pasyente na wala nang malay sa mga sandaling iyon. Ang imahi ng tao ay kalaunang napalitan ng Diablo. Kitang-kita niya kung paano nagmukhang paa ng kabayo ang paa nito, pansin rin niya ang katawan nitong puno ng malalago at itim na itim na buhok. Ang nangingintab sa pula na katawan, ang buntot na pakiwal-kiwal at ang matulis na sungay nitong pa kurba ng parang sa kambing.

Lumingon ang Diablo kay Jezza kung kaya halos mapugto ang kanyang hininga sa takot.

Pabagsak na binitiwan ng Diablo ang katawan  ni Cysrus kaya lupaypay na bumagsak din ito sa gusot na nga kama. Ang Diablo ay biglang lumutang palapit sa kanya. Nakipagtagisan ng titig kay Jezza na takot na takot. Umikot-kot ang eyeballs nito ng nakalapit na sa kanya. Paitaas ang pagkaka-ikot hanggang sa parang nawala at napalitan ng butas na parang sa hukay at napakalalim. Nakita niya dun ang isang kaluluwa na hindi niya matanto kung babae o lalake. Umiiyak ito at nanghihingi ng saklolo habang nasusunog sa lumalagablab na apoy ang kalahating katawan nito.

Para ding hinihigop ang kaluluwa niya sa mga mata nito. Sa di malamang kadahilanan biglang nawalan ng lakas ang katawan niya at lupaypay na bumagsak siya sa sahig, Ngunit sa sulok ng kanyang mga mata bago mawalan ng malay ay nakita pa niya ang pagbukas-sara ng pinto at ang biglang pagpasok ni Dr. Mitchell Ybanez at dalawa pa nitong kasama.

Magulong silid at dalawang katawan na nakabulagta ang agad nabungaran ng grupo nina Dr. Ybanez sa room 45. Naguguluhan man ngunit wala na siyang magagawa pa kundi gawin ang nararapat sa mga ito. Sa trabaho niya bawal ang patanga-tanga. Unahin ang buhay at huwag ang tanong. Naturingan pa naman siyang isa sa pinaka-magaling na doctora sa bayan ng Aurora. Kaya naman binigyan niya ng paunang lunas ang mga nawalan ng malay ng walang pag-aalinlangan.

********************************************************************************

One Hour Earlier...

Parking Lot of Central Mindanao University:

‘Si Aries lang pala,’ anas ni Barbie. Habang inilalagay sa Channel na bag ang cellphone niya. “Nagulat ako dun ahh!” Bulalas niya, akala niya ang bangkay na naman sa kanyang panaginip. Nangilabot siya sa isiping iyon. “Hoy! Ano ba kanina pako nagsasalita ahh!, you’re not listening baby.” Untag ni Aries sa kanyang kamalayan.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon