CHAPTER 21: MGA KATAWAN SA MORGE

20 0 0
                                    

CHAPTER 21

Mary Sheba Funeral House (June 5, 2015) 10:49 PM

Tumutulo ang luha ni Carl habang papalapit sa bangkay na tapos ng linisan ng embalsamador. Nakahiga ito sa lamisa na gawa sa stainless steel. Mabigat ang mga hakbang na unti-unti siyang lumapit rito. Hindi niya akalain na madadamay ito sa sunog.

Hindi niya alam na nasa loob ito ng mansyon ng mangyari ang sunog. Ang buong akala niya ay lumabas ito at nakipag-inuman sa mga kabarkada nito kagabi. Yun kasi ang kadalasang ginagawa nito kapag nagkikita ito at ng mga kabarkada nito. Na naging kabarkada niya nuon sa mga panahong nagpapanggap pa siyang tunay na lalaki para lang malapitan ito.

Nagpaalam ito sa kanya kagabi, na huwag itong gambalain o hanapin dahil may gagawin at tatapusin itong importanting bagay. Kaya naman ng sumiklab ang apoy ay kampante lang siya sa isang tabi at nakipagkulitan pa kay Shiela. Ang kapatid ng karibal niya. Yun palay kasama ng natupok sa naglalagablab na apoy ang pinakamamahal niyang nobyo.

Ang buong akala niya ay nasa Abenoja's Clubhouse ito. Pero mali siya ng akala dahil bangkay nalang pala niyang masisiliyan ito. Mataas ang pangarap niya rito. Pero naabo lang lahat iyon sa isang iglap. May ala-alang pilit gumitaw sa kanyang isuipan. Nagbalik iyon sa nakaraan.

--------------------------------------------------------------

Aurora Enchanted Waterfalls (May 2008)

Masayang nag-iinuman ng Tequila ang mga bago niyang kabarkada. Umiinom sila ng paborito nilang brand ng Tequila ang Magenta. Lilang pula ang kulay niyon. Isinalin ni Patrick ang huling patak sa baso niya. Pinatuluan muna niya ng Citrus ang dila niya bago binudburan ng asin ang gilid ng baso at walang sabi-sabi na tinungga iyon.

Napa-ubo siya ng maramdaman ang init ng alak sa lalamunan niya. Hinagod siya sa likod ng  katabi niyang si Jhon Michael. Ang lalaki na lihim niyang tinatangi. Hinayon niya ito ng tingin sabay sabing, "Salamat Tol."

Ngumisi ito sa kanya kung kaya nakita na naman niya ang pantay-pantay nitong mga ngipin. Nahulog na naman ang puso niya duon pero hindi siya nagpahalata dahil baka mabuking siyang nagpapanggap lang siya para malapitan lang ito.

Bumagsak na si Modesto sa lamisa dahil sa kalasingan. Pulang-pula na rin ang mukha ni Patrick na binuksan ang pangalawang bote ng Magenta. Isinalin nito ang alak sa baso nito at akmang tutunggain na iyon ng pigilan ito sa kamay ni Jhon Michael at ibinalik ang baso sa lamisa.

"Tol itigil mo na yan. Malayo pa ang bahay niyang kumag na yan." Sabay turo kay Modesto na dumikit na ang pisngi sa malapad na lamisa. "Ihatid mo na yan. Wala akong panahon na ihatid pa kayong dalawa kapag bumagsak ka na rin." Ngumiwi ito at bumaling sa direksyon ng kinikilala nitong pinuno ng NAT (Nos Animadverto Totus) na ang ibig sabihin kay Nakita Namin Lahat.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon