CHAPTER 29: SANTILMO

31 0 0
                                    

CHAPTER 29

Nakagapos siya sa sahig kasama ang dalawa pang lalaki. Sa kanan niya ay ang matalik niyang kaibigan na si Ronil at sa kaliwa naman niya ay ang bago niyang kakilala na si Arielle Nhel. Natigil ang pagbubulungan nila ng biglang bumukas ang pinto ng bodega.

Pumasok buhat duon ang babaeng bigla nalang tumalon sa kanila kagabi. Puno ang katawan nito ng mga galos at pasa. May mga bandage din ang ilang parte ng katawan nito. "So, kayo palang dalawa ang nakakuha sa gintong bungo ni Kuzirkha? Magaling, hindi na pala ako magsasayang ng oras at pera para hanapin pa iyon."

Tumawa ito ng nakakaluko sa harap nila. "Ibalik mo sa amin ang mga gamit namin. Hindi mo iyon pag-aari." Nanggagalaiting sigaw ni Ronil dito. "Bakit pa ehh! Papatayin ko rin naman kayo. Manahimik ka baka bunganga mo ang gagawin kong target range." Natahimik sila sa sinabi ng malditang babae.

"By the way, magpapakasaya na kayo ngayon dahil aalis ako at sa pagbalik ko sabog na yang mga bungo niyo. Masyado na kayong maraming alam." Hindi man lang siya pinakitaan ng pagkasindak sa mga pinagdadakdak ng babaing may kaputian. "Jhunrey, bigyan mo nga ang mga yan ng tig-isang biskwet upang buhay pa yan mamaya at hindi mamatay sa gutom. Dahil gusto kung ako ang tatapos sa mga lapastangang nangingi-alam sa mga plano ko." Nagkatinginan silang tatlo.

Two days earlier (June 07, 2015) 08:12 AM

Parang gumuho ang mundo niya ng makitang unti-unting naglalakad si Jezza palabas ng kubo. Hindi niya akalain na ganuon pala kasakit na makita ang minamahal mo na naglalakad palayo para iwan ka. Naramdaman nalang niya ang mumunting patak sa braso niya. Hindi nya akalain na umiiyak na pala siya.

Kalalaki niyang tao tapos umiiyak siya? Pinahid niya ang mga luhang malayang umagos sa pisngi niya. Hindi siya dapat umiyak. Hindi sa pagkakataong ito. Walang silbi ang mga luha niya kung patutuluin lang niya ito. Dapat niyang mahabol ang mahal niya. Nagmamadali siyang pumasok ng kwarto at nagbihis ng biglang umandap-andap ang cellphone na inihagis ni Jezza kanina.

Isa lang ang ibig sabihin niyon, may tumatawag. Sinagot niya ang  tumatawag sa cellphone ng pinakamamahal niya. Pinalitan niya ang sim niyon ng minsang huminto ang bus na sinasakyan nila nuon kaya alam niyang si Ronil lang iyon. Ang matalik niyang kaibigan na may matabil ang bibig dahil sa pagsisiwalat nito sa mga naganap sa labas.

"Hellow..." Hindi na niya ito pinatapos pa ng sasabihin. Binulyawan na niya ito, "Tang ina ka pare, bakit mo naman sinabi kay Jezza ang lahat. Ako dapat ang magsasabi niyon sa kanya." Sinagot naman siya nito ng nagpapaliwanag na tono. "Pasensiya na tol, buking na kasi tayo bago paman niya 'ko tinawagan." Napabuntonghinga nalang siya sa sitwasyon. "Alam mo bang iniwan na niya ko Ronil."

Natahimik bigla ang kabilang linya. Waring nagulat ito sa ipinagtapat niya. "Naku, sorry tol. Hindi ko akalain na mauuwi sa iwanan ang lahat. Pasensiya ka na rin hindi ko alam kung paano magbigay ng payo sayo pero isa lang ang masasabi ko. "Maghanap ka na lang ng iba." Biglang tumaas ang boses niya.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon