CHAPTER 11: VIDEO CAMERA

33 0 0
                                    

CHAPTER 11

Sa Kasalukuyan: 4th Floor of Espra’s Cassa (12: 03 PM) JUNE 5, 2015

Naramdaman ni Jhon Michael na may nagmamasid sa kanya sa may pintuan. Kung kaya itinigil niya ang pagsuntok sa punching bag at sinipat ng tingin kung sino ang mapangahas na iyon. Nakita niya ang isang babae sa may hamba ng pinto. Nakatayo lang ito ng tuwid na waring sinusuri siya ng tingin. Hindi niya ito kilala, pero parang pamilyar ang uri ng pagkakatitig nito sa kanya.

Nakakailang na para bang napakasama na niyang tao sa uri ng pagkakatingin nito sa kanya. “Ahmmm hellow, me kelangan ka? Maling silid yata ang napasukan mo. Hindi ito guest room. Personal gym ko ito.” Pero parang walang narinig ang babae bagkus lumapit ito sa kanya. Nakatiim ang bagang nito at nag-babaga ang mga mata na parang galit ito sa kanya.

“Woahhh miss, mukhang alam ko ng iniisip mo hah! Okey game ako diyan.” Sabi niya na hinubad ang gloves sa dalawang kamay. Tumutulo ang pawis sa hubad baro niyang katawan. Bininat niya ang garter ng jersy short niya at pinitik iyon sa paraang inaakit niya ang kaharap.  Pero nagpatuloy lang ito sa paglalakad na animoy hindi apektado sa taglay niyang karisma.

“Kahit kailan hindi ka pa rin magbabago. Mataas pa rin talaga ang tingin mo sa sarili mo. Akala mo maaakit mo lahat dahil sa taglay mong alindog. Isa kang walang kwentang nilalang. Wala kang puso. Wala kang konsiderasyon. Wala kang paki-alam sa nararamdaman ng iba. Masyado kang sakim.” Nagpanting ang dalawang tenga niya sa haba ng sinabi nito. Medyo natamaan siya sa walang habas nitong pagsasalita.

“Teka lang miss huh! Kung makapagsalita ka kasi ay parang kilalang-kilala mo na ako! Ngayon palang ata mo ako nakita ehh!” Depensa niya sa sarili dahil nasaktan ang ego niya doon. “Isa kang inutil JM, kung hindi dahil sa kayamanan ni Carl. Wala ka ngayon sa pedestal na kinasadlakan mo.”

Tumigas ang anyo niya, nagdilim. Parang uusok ang ilong niya sa matinding galit. “Wag mong isama si Carl dito. Sino ka ba sa akala mo huh! Hindi kita personal na kilala para pagsalitaan mo ako ng ganyan. Lumayas ka sa harapan ko ngayon din bago pa kita kaladkarin palabas.” Sabi niya dito sa paraang nag-uutos at nagbabanta.

Nakatayo na ito sa harapan niya at itinulak siya ng malakas kaya para siyang sako na tumilapon sa pader. Lumagotok ang boto niya sa likod, para iyong nadurog sa matinding pagtama sa matigas na semento. Hirap siyang tumayo ng lapitan na naman siya nito. Sinuntok siya nito sa panga, sinipa sa tagiliran, hinataw ang dibdib at binatukan ang leeg niya sa likod. Para itong nasisiyahan sa ginagawa nito sa katawan niya.

“Suko nako! Itigil mo na ito. Masakit na sa katawan.” Sabi niyang sumuka na ng dugo sa carpeted na sahig kaya napayuko siya. Pag-angat niya ng mukha ay bigla siya nitong hinambalos ng dumbbell na tumama sa mukha niya. Sapol ang ilong niya at agad dumugo iyon. May mga balat sa ilong niya ang natuklap, tuluyan niya iyong pinilas at umaray siya sa sakit. Hirap siyang magsalita dahil sa malalapot na dugo sa kanyang bibig.

“Wala akong kasalan sa’yo kung sino ka man. Tahimik ang buhay ko dito.” Tumawa ang kaharap niya na umabot na sa tenga nito ang pagbuka ng bibig. Nahindik siya sa nasaksihan. “Sinungaling ka! May malaki kang kasalanan. Kaya pagbabayaran mo iyon ng buhay mo.” Bigla nitong hinila ang paa niya sa ka binalibag siya sa dingding na salamin ng banyo.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon