CHAPTER 4: BRONSENG SALAMIN

57 0 0
                                    

CHAPTER 4

Napatingin si Barbie sa nakakandong sa kanyang bata. Humihikbi pa rin ito at panay ang sulyap sa walang malay na ina na nakahimlay sa backseat ng sasakyan. Nakakapit ang mga kamay nito sa manggas ng kanyang damit. Mabilis pa rin ang takbo ng kanyang nobyo. Dalawampung minuto na silang naglalakbay at parang panghabang buhay na iyon sa kanya. Malayo-layo rin ang distansiya ng hospital sa bahay ng mga Abalos. Ituktok na kasi iyon sa bayan ng Aurora. Iyon na ang pinakaliblib na lugar sa bayan nila.

Napasulyap siya sa labas ng bintana ng kotse na ngayon ay mamasa-masa na sa hamog dulot ng pag-ambon. Nagbalik-tanaw siya sa nangyari kanina bago pa sila nakarating sa bahay ni Melanie. Kapapasok pa lang nila sa Antique Shop ay nakasalubong na niya ng tingin ang matanda na matiim kung tumitig. Ang mata ay natatabingan ng malaking salamin. Nawewerdohan siya sa presensiya nito. Nahihiwagaan siya sa mga mata nito na waring nagpapahiwatig ng pangamba.

Nahihiwagan man ay nagpatuloy nalang siya sa pagpasok. Nahimigan niya agad ang kakaibang aura ng lugar. Napansin niya kaninang hinihimas-himas ng matanda ang itim na pusa na nakakandong sa kandungan nito. Pero paglapit niya ay bigla itong tumalon at nagtago sa isang sulok. Tumango ang matanda at tumayo na rin upang salubungin sila.

Nakahalukipkip na sumandal sa haligi malapit sa bukana ng antique shop ang kanyang asawa. Sinunsundan siya ng tingin nito. “Magandang hapon ining, ako nga pala si Corazon. Ang may-ari ng shop na’to. May maipaglilikod ba ako sa iyo?” Bungad sa kanya ng matandang babae. “Ahm magandang hapon din po lola, naghahanap po kasi kami ng maari naming gawing palamuti sa bagong pintura naming bahay.” Sagot niya na may paggalang.

Pagkatapos ng maikling kwentuhan iginaya siya ng matanda sa mga nakadispling mga lumang gamit. Paminsan-minsan ay tumitingin  ito sa kanya at nako-concious na siya. Lumibot ang kanyang paningin sa buong paligid at batid niyang alagang-alaga ang mga gamit dito. May ilan ngang parang bagong gawa lang. May chandelier, old paintings, aparador, silya, lamiang gawa sa mag pambihirang kahoy, mga kubyertos, salamin at iba pang mga gamit pambahay.

Naagaw ang pansin niya sa lampara na korteng rosas na pula ang kulay. Sabi ng matanda, panahon pa raw ‘yun ng mga Espanyol na nanirahan isa’t kalahating siglo na ang nakakaraan. Nahukay ng isang pamilya sa Norte at ibininta sa kanila dahil walang kapamilya ang nagka-interis sa mga sinaunag mga gamit baka raw magdala lang iyon ng malas sa bahay. Habang hawak niya ang lampara at mabusising pinasadahan ng tingin, ay bigla nalang naglaho ang matanda pagbaling niya dito.

Tangan-tangan ang sinaunang lampara na hinanap niya ang matanda. Pero hindi na niya ito nakita pa. Bagkus ang kanyang asawa ang natanaw niya. Humihitit ito ng sigarilyo habang nagte-text doon pa rin sa pwesto nito kanina. Nakita ito ng sales lady at pinuna ito na bawal ang yosi sa loob ng tindahan kaya kita niya ng lumabas ito. Bumaling ang sales lady sa kanya at nagtanong. “Maam? Ano pong hinahanap nila? Kukunin niyo po ba?” Tanong nito sa tangan niyang lampara. “Ahh ohh ohh! Magkano nga ito?” Tanong nalang niya sabay abot dito sa lampara. “Two thousand seven hundred fifty po maam. Tika lang ibabalot ko muna ito ng karton upang di mabasag ang salamin.” Sagot nito habang ina-abot ang bayad niya.

“Miss, may comfortroom ba kayo rito?” Tumango ang sales lady at tinuro ang isang pinto sa unahan. “Meron ma’am, lumabas ka lang sa pintong yan sabay kumaliwa ka sa pasilyo. At iyon na ang CR namin dito.” “Okey thanx hah!” Nagsimula na nga siyang maglakad palabas ng pinto.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon