CHAPTER 24: DAANG BUNGO

16 0 0
                                    

CHAPTER 24

Somewhere far from the Poblacion (June 07, 2015) 08:12 AM

Ng magising si Jezza ay wala na sa tabi niya si Cyrus. Nalalanghap ng ilong niya ang aroma ng nilulutong pagkain. Batid niyang si Cyrus iyon, dahil mamayang gabi pa babalik si Manong Gardelio galing sa pamilya nito. Sabay na rin kasi tong mag-go-grocery para magamit nila sa susunod pang mga araw.

Napangiti siya ng maalala ang naganap sa kanila ng nagdaang gabi. Paulit-paulit siyang inangkin nito hanggang humantong sila sa katre ng may kalakihang bahay kubo. Labis siyang pinaligaya nito. That was her best sex ever.

Pakiramdam niya ay para siyang isang prinsesa na nakahiga sa magarbong kama sa mga oras na iyon. Habang ang kanyang prinsipe ay nagluluto ng almusal nila. Biglang may napansin ang mga mata niya. May aandap-andap na ilaw sa ibabaw ng aparador. Babaliwalain nalang sana niya iyon ng hindi talaga ito tumigil sa kakaandap.

Napuno ng kuryusidad ang buong pagkatao niya kaya nilapitan niya ang direksyon ng aparador upang matingnan kung ano talaga iyon. Itinaas niya ang mga kamay niya at pilit inabot ang may katamtamang taas ng aparador. Nakatuntong sa itaas niyon ang bagay na umiilaw.

Kinapa ng mga kamay niya ang bagay na nandun. Nakahawak siya ng  kuwadradong bagay at duon lang niya napagtanto na cellphone pala iyon. May tumatawag pala kanina at ng damputin na niya ay sakong pinatay ng caller ang tawag.

Nanlaki ang bilugan niyang mga mata ng mapagmasdang maigi ang aparato. Cellphone niya pala iyon, bakit ito nandito sa kwarto? Nawala ito sa mga panahong tumatakas sila ni Cyrus nuon. Nalaman niyang nakasilent mode pala iyon. Hindi niya akalain na itinago pala ni Cyrus ang aparato niya.

Binasa niya ang mga naunang mensahe na nandun. Marami sa mga mensahe ay galing sa sender na nagngangalang Ronil. Nangungumusta ito sa kalagayan nila. Hindi niya akalain na inilihim sa kanya ni Cyrus na may konekson ito sa labas. Umagaw sa atensyon niya ang mensahe na pinadala kahapon ni Ronil.

Naglalaman ito ng masamang balita na halos ikaguho ng pagkatao niya. "Pre patay na ang kapatid ni Jezza na si Catherine. Pinaghihinalaan na si Cris ang pumatay. Nakita ng isang katulong na lumabas ng mansyon ng mga Espra ang kapatid mo. Ikinalulungkot ko ang mga pangyayari pare. Sanay magkaroon ka ng lakas na sabihin ito kay Jezza. Pinasahan na kita ng load. Text mo'ko kung pwede na kitang matawagan."

Parang pinagsakloban ng langit at lupa si Jezza. Hindi niya alam kung ano ang nararapat gawin. Labis na sakit ang humiwa sa puso niya. Bigla ay parang pinukpok ng martilyo ang ulo niya. Napakalaking dagok naman kasi ang nangyari.

Paano napatay ni Cris ang kapaid niya? Hindi niya alam na may alitan ang dalawang babae. Naalala niya na kada taon ay nagdadaos ng Alumni Homecoming ang mga Espra. Pero bakit humantong sa krimen ang pagtitipon na iyon?

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon