CHAPTER 10: MALAMIG NA BALDOSA

39 0 0
                                    

CHAPTER 10

Eight Years Ago, Central Mindanao University (August 2007)

Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya si Jhon Michael na nakatapis lang ng tuwalya na ibinalabal nito sa beywang nito. May hinahalungkat ito sa locker na nakatalaga para dito sa loob ng locker room ng mga atleta ng Universidad. Pinagmasdan pa muna niya ito mula ulo hanggang paa. Hindi niya maikaka-ila na gwapo ito sa taas nitong 5’11 na akmang-akma sa sports na sinalihan nito, ang pagbabasketball.

Palagi itong tinataguriang Most Valuable Player kapag may laro itong sinasalihan. Kaya naman isa na itong Team Captain ngayon ng Wild Beast team ng kanilang paaralan. Sa kasalukuyan ay nag-eensayo ang team nito para sa nalalapit na Intramurals na gaganapin na sa susunod na linggo. May gaganapin kasing Friendship Game ang skul nila kung saan inanyayahan ang iba pang skwelahan para labanan ang Wild Beast nila.

Walang ingay siyang lumapit sa likod nito. Napansin niyang bahagya lang nakasuksok ang pagkakatapis nito ng tuwalya sa beywang nito. Nagsalita siya sa likod nito, “Hai JM may dala ako sayo, luto ni mommy!” Napaantanda ito sa gulat at biglang lumingon sa kanya. Pero hindi sinasadya na malaglag ang ibinalabal nitong tuwalya sa beywang nito. Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.

Nakanganga siya ng pagmasdan ang kahubaran nito. Hindi niya akalain na ganoon kaganda ang pangangatawan ng nobyo niya. Namula ang pisngi niya sa pagkapahiya. Ibinaling niya sa ibang direksyon ang mukha niya upang itago ang pamumula niyon.

Binulyawan siya nito, “Ano ka ba Dhana, wag ka ngang pumasok dito ng basta-basta. Baka may makakita sa iyo at aakalain nilang may relasyon tayo!” Binalingan niya ito, at tinanong ng may hinanakit ang boses. “Hindi nga ba JM? Bakit mo ba ako ikinakahiya? Pangit ba’ko huh? Naisip ko tuloy kung totoo nga ba talaga kitang boyfiriend o hindi?” Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang mga braso niya.

Wala pa rin ito ni isa mang saplot sa katawan. Kung may makakakita sa kanila na nasa ganoong ayos baka akakalain niyon na may ginagawa silang kababalaghan. Kita pa rin niya ang kahubaran nito at ang kahandaan ng pinagmamalaki nito. Parang balewala lang iyon dito samantalang siya ay parang aatakihin na sa puso sa matinding pagkabog ng kanyang dibdib.

“Hindi naman sa ganun, ayaw ko lang mapuna nila. Alam mo namang ayokong pinag-uusapan ako diba? At tsaka baka malaman pa ng mga J-Maniacs ang tungkol dito ay baka pagkaguluhan ka nila at kuyugin. Ayaw ko namang mapahamak ang mahal ko.” Tukoy nito sa Fans Club nito na tanging mga babaeng maharot ang mga myembro. Kinuha nito sa kamay niya ang papaer bag na hawak niya at hinalikan siya nito sa pisngi.

Ito pa lang ang pangalawang beses na nahalikan siya nito, at purong pisngi lang nito ipinatatama. Hindi naman sa nagrereklamo na siya, pero gusto niya sanang higit pa roon ang mangyari sa kanila. Espesyal ito sa kanya dahil ito ang kauna-unahang lalaki na pinayagan niyang pumasok sa kanyang buhay. First year college palang siya sa kursong HRM at ito naman ay fourth year na sa Fine Arts.

Napalunok siya ng pasadahan ng tingin ang kahubdan nito at tumigil iyon sa gitna ng katawan nito. Tumawa rin naman ito, waring naisip nito ang mahalay niyang pagpapantasya rito. Hinawakan nito iyon ng may pagmamalaki, “Matitikman mo rin ito Dhana. Sa tamang panahon.” Nag-init na naman ang pisngi niya waring nasukol ang malanding pag-iisip niya.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon