CHAPTER 26: MAUSELEUM

15 0 0
                                    

CHAPTER 26

Mary Sheba Funeral House: Morge (June 05, 2015) 11:30 AM

Bumuka-sara ang bibig ni Carl ng makalabas na siya sa wakas sa morge. Iyon na yata ang pinakanakakatakot na nangyari sa buhay niya. Hindi niya akalain na ganun pala ang pakiramdam na makakita ng multo ng harapan. Para pa nga siyang maiihi kanina eh.

Pinahiran niya ng dalang panyo ang nuo niya na balot na ng malamig na pawis. Napahawak din siya sa dibdib niya dahil sa mabilis na pagkabog niyon na parang luluwa na sa kanyang dibdib. Biglang may mga kamay na dumantay sa balikat niya kaya napaigtad siya sa gulat.

Paglingon niya ay ang nakasimangot na mukha ni Shiela ang namalas niya. "Oy bruha ka, ba't mo'ko iniwan kanina huh? Alam mo bang muntikan na'kong magahasa sa kagagahan mo huh?" Lumunok pa muna siya ng pang-ilang beses bago siya bumuga ng hangin. Saka palang siya nakahinga ng matino.

"Hoy napano ka diyan? Para ka na mang nakakita ng multo." Bigla siyang namutla sa pagbanggit nito sa salitang multo. Mabilis ang paglandas ng mga luha sa magkabila niyang pisngi. "Multo... Multo nga! Nakakita ako ng multo." Biglang nanigas ang katawan ng medyo may kaliitang babae dahil sa sinabi niya.

"Totoo ba yang sinasabi mo Carl? Paano ka nakakita ng multo?" Dinala niya ito sa bakanting upuan na nakita niya sa hardin sa likod ng punerarya. Isiniwalat niya dito ang buong pangyayari. Halos hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. "You mean, pati ang Ate ko ay minumulto ka kanina?" Tumango-tango siya rito.

Nagulantang silang dalawa ng biglang tumunog ang cellphone na nasa bulsa niya. Halos humiwalay ang kaluluwa niya sa katawan niya sa matinding pagkagulat. Ng sagutin niya ang tawag ay saka palang siya nabuhayan ng loob.

Si detective Andrew pala iyon. Sinabi nito sa kanya na may lead na kung sino ang may pakana ng panunununog at pagmamasaker sa anim na tao sa loob ng kanyang Cassa. Pagkatapos ng tawag ay nagpaalam siya sa kapatid ng karibal niya na naging kaibigan na rin niya kalaunan.

May pagmamadali siyang lumisan sa Funeral House sakay ang pink niyang Toy Car patungo sa presento. Makikipagkita siya sa nag-iisang testigo sa karumaldumal na krimen na sinapit ng kanyang kasintahan at sa lima pang may kaugnayan dito.

Espra's Motel (June 8, 2015) 08:10 PM

Isang gabi nalang at ililibing na ang pinakamamahal niyang si Jhon Michael. Masakit sa loob niyang makita itong na sa kabaong. Hindi niya matanggap, sobrang mahal niya ito. Nagbalik ang isip niya sa pagpunta niya sa presinto at makilala ang testigo sa nangyayaring masaker.

Babae ito, medyo may kaitiman ang balat nito. Maganda ang hubog ng katawan nito. Tuwid na tuwid ang mahabang buhok na umabot na sa balikat nito. Maganda na sana ito kaya lang ay may malaking marka ang kaliwang mukha nito. Para iyong nasabuyan ng asido na sa paglipas ng panahon ay naging pangit na marka.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon