CHAPTER 17: MALAGKIT NA LATIK

62 1 0
                                    

CHAPTER 17

Somewhere far from the Poblacion (June 6, 2015)

Napapaisip si Jezza habang hinalo-halo ang malagkit na latik sa kaldero na inilagay sa kalan. Ito ang gagawing sarsa para sa biko na nilalantakan na ngayon ni CYRUS sa sala. Ikaapat na gabi na niyang kasama si Cyrus pero hindi pa rin siya sanay sa presensya nito. Parang nahihiya na kinikilig siya rito na hindi niya mawari. Pansamantala silang nanunuluyan sa gitna ng bukirin na pagmamay-ari ng lolo at lola niya na namayapa na.

May katiwala silang nag-aalaga sa malawak nilang pananim na inaangkat sa lungsod, si mang Gardelio iyon. Wala ito sa mga oras na iyon dahil bumisita ito sa pamilya nito sa bayan. Nagtatago sila sa kadahilanang Wanted sila sa bayan ng Aurora. Nakalathala sa Aurora News Today (ANT), ang nangungunang news paper company ng bayan.

Sinabi sa balita na si Cyrus ang pumatay kay doctora Ybanez at  dahil hindi na rin siya nagpakita ay  damay na rin siya. Base sa espikulasyon ng mga eksperto ay siya ang nagpatakas sa pasyente. Kanina pang umaga inilabas ang balita. Medyo delayed na kung iisipin pero pinag-aaralan daw mabuti ng pulisya ang mga anggolo ng pagpaslang sa kawawang doktora. Dahil hindi na nga ito nakita sa Mental Hospital ay naghinala ng husto ang mga awtoridad na ito ang pumatay sa biktima.

Gusto man niyang magsisi pero huli na. Nadawit na siya sa gulo. Sumama na siya rito ng kusa. Nagpatangay na siya sa taksil niyang damdamin dito. Iniwan niya lahat para rito. Isinakripisyo niya ang magandanag trabaho at ang magandang buhay niya para lang tulungan ang taong hindi niya alam kung susuklian din ba siya. Nalaman niyang namatay sa isang aksidenti ang asawa nito kamakailan lang.

 Iwan ba niya pero nagpasalamat pa siya sa pangyayayri. Pakiramdam kasi niya ay may puruhan na maging kanya ito ng buo. Na wala na itong iniisip na iba kundi siya lang. Na masasanay rin itong kapiling siya. Na hindi na ito babalik pa sa pamilya nito. Na sana ay maging Wanted na nga lang sila habang buhay para hindi ito makalapit sa iniwanan nito. Nagiging sakim ang isang tao pagdating sa pag-ibig.

Nakatunghay lang siya sa niluluto niya ng biglang makaramdam ng pangungulila. Namimiss na niya ang mga kapatid niya. Ang ate niya na ubod ng negga, puro kaartihan at palaging mareklamo. Ang kapatid niyang pasaway at sobra sa kakulitan. Ang mga kapatid niya na tangi niyang pamilya. Nasaan na kaya ang mga ito. Hinahanap na kaya siya ng mga ito. Simula ng tumakas sila sa Mental Hospital ay hindi na niya alam kung saan niya nailapag ang cellphone niya. Kaya ay hindi na siya nakakakonekta sa mga ito.

 Napansin niyang may tumutulo sa hawakan ng kawali. Idinampi niya ang mga daliri sa pisngi niya at noon lang  niya napagtanto na umiiyak na pala siya. Kaya dali-dali niyang pinahid iyon ng laylayan ng apron na suot niya. Ng makontento sa  paghahalo ay inihaon na niya ito  sa kalan. Ibinuhos sa babasaging mangkok at binitbit habang umuusok pa iyon.

Sa halimuyak niyon ay biglang nanumbalik ang dati niyang sigla. Tiyak na magugustuhan ni Cyrus ang luto niyang sarsa. Baka sa pamamagitan ng masasarap niyang luto rito ay makakalimutan na nito ang lahat ng mga alalahin na iniwan nito sa bayan.

Naglalakad na si Jezza sa kawayang sahig ng malaking kubo. Parang nangangalumata siyang naglalakad habang ang mga mata ay nakapako sa maskulado nitong hubad-baro na katawan. Hindi pala nito kinain ang biko na inilapag niya rito kanina waring hinihintay ang pagdating niya. At sa kahihintay nito ay inabot na ito ng pagkabagot at matinding init. Kaya naman ay nagpapaypay ito habang hubad ang pang-itaas nitong katawan.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon