CHAPTER 15: PURGATORYO

26 1 0
                                    

CHAPTER 15

ESPRA’S MINI FOREST 9:20 AM (JUNE 5, 2015)

Naglalakad si Leon sa lupain ng mga Espra. Hindi na naman siya natulog sa bahay ng kanyang asawa kagabi. Inis siya sa kanyang asawang si Daphne. Palagi nalang kasi sila nitong nag-aaway. Iginigiit nito na may tinatago siyang kalaguyo at dahil sa inis niya kasi buking na siya ay paminsan-minsan nalang siya kung matulog sa bahay nilang mag-asawa.

Katiwala sila sa pamilya De Talla. Lahat ng trabaho ay ginagawa nilang mag-asawa sa loob ng malaking bahay. Dalawa nalang silang naninilbihan sa  malaking bahay dahil nag-migrate na sa Canada ang mga orihinal na amo nila. Ang anak nalang ng mga itong si Barbie at ang nobyo nito ang madalas na nanduon sa bahay. Kaya pinaalis na ang iba, at tinira nalang silang mag-asawa.

Hindi ibang tao ang turing sa kanila ng dalagang amo. Kung kaya wala siyang problema sa kanyang mga bisyo, mataas ang oras niyang maghanap ng aliw sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Ginagamit niya ang angkin niyang kagwapohan para humanap ng  mabibiktima, sukdulang magalit ang asawa niya. Wala siyang pakialam duon, basta magawa lang niya ang kinahihiligan niya, ang pambababae.

 Masyado na rin kasi itong lusyang sa paningin niya. Wala na itong amor sa kama. Hindi na siya masaya sa mga ginagawa nila kaya sa nakalipas na buwan ay puspusan ang paghahanap niya ng kapalit dito. Ngunit isang araw ay nakilala niya si Christy, magaling pa sa tinamaan ng tupak ang angkin nitong talent pagdating sa pagpapaligaya sa kanya. Isa itong dirty dancer sa Abenoja’s ClubHouse kada martes at bernis ng gabi ito sumasayaw.

Samakatuwid ay duon nga siya natulog kagabi, kaya naman puyat na puyat siya sa pinaggagawa nila. Kaya ang resulta ay sa lupain siya ng mga Espra dumaan para hindi siya paghihinalaan ng mga tao kung sa kalsada siya dumaan. Paglabas ng kakahuyan ay ang likod na bakuran na ng mga De Talla. Kaya safe siyang dumaan duon na hindi mapapansin ng mga amo niya na parating wala sa bahay. Mas nagiging bahay pa nga nila ang bahay nito dahil parating may lakad ang dalagang may-ari pati na rin ang nobyo nitong duon na halos nanunuluyan.

Napag-alaman niya sa mga kababayan niya na may bangkay na nakita na nakabitin sa malaking puno ng baliti. Pero ng tignan niya iyon ay wala na ito duon. Maaring kinuha na ito ng punerarya kaninang umaga. Nakita pa niya ang baging na ipinantali marahil sa leeg nito at ang mga patak ng dugo sa mga tuyong dahon sa paanan niya. Anim na bangkay lahat ang nakita ng mga pulisya. Isa sa malapit sa sapa at apat na sunog na sunog ang katawan sa naganap na malaking sunog kagabi.

 Hindi inaasahan ng lahat na ang kasiyahan ay mauuwi sa malagim na trahedya. Batay sa mga makakati ang bibig ay pinatay raw lahat iyon at sinadyang sunugin ang Cassa. Hindi pa alam ng awtoridad kung sino ang may motibo sa ginawang pagmamasaker sa mga biktima. Sa dami ba naman ng kakumpetensiya sa negosyo ng mga Espra, malamang isa sa mga iyon ay may kagagawan.

Iniwan na niya ang pinangyarihan ng pagbitay sa babae at nagsimula ng maglakad papunta sa direksyon ng bahay ng mga De Talla. Hindi na niya na saksihan ang malaking pagliyab kagabi dahil ibang apoy ang pinagtuunan niya ng pansin. Apoy sa naglalagablab nilang katawan ng kasiping niya. Nangangalahati palang siya sa paglalakad ng may mapansin siyang babae na nakabulagta sa lupa.

Nakatalikod ito sa direksyon niya at nakaharap ito sa lupa. Puro putik ang damit nito at pantalon na suot. Bahagyang nakalilis ang pantalon nitong suot kaya kita niyang wala itong suot na panloob at bumabakat sa manipis nitong damit ang maputi at kutis porselana nitong balat. Wala itong malay, hinawakan niya ang leeg nito upang mapulsuhan. Pumipintig pa iyon, kaya buhay pa ito.

ANG BULONG NI DHANATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon