Chapter 3

51.4K 1.6K 331
                                        

Chapter 3

Galit na galit akong lumabas ng gymnasium. Hindi ko alam kung ano ang problema ng lalaking iyon. Okay, I get it! Kung ayaw n'ya ay maiintindihan ko naman! But he could've just rejected me without being rude!

Kung ako iyon, I would say sorry and tell the person that I'm not comfortable with it. Ma-offend man ay hindi naman ganoon katindi!

Galit na galit akong pumunta sa parking area kung nasaan ang kotse ko. Madali ko rin namang nakita dahil bukod sa wala namang masyadong naka-park sa parking lot na malapit sa gymnasium ay kulay muted pink iyon kaya agaw pansin.

Mabilis din akong umalis doon. I will never approach that guy again. Kung ano ang nakakuha ng interes ko ay hindi ko na maalala! Sinayang ko lang ang oras ko!

Nang mag-red ang stop light ay napabuntong-hininga ako. I should get off some steam. Masyado akong galit at hindi ako makakapag-drawing mamaya nang maayos. Baka imbis na maipakita ko sa mga painting ko ang emosyon ng subject ay maipakita ko lang ang galit ko.

I decided to go to the mall and check some art supplies. Iyon ang madalas kong gawin para pakalmahin ang sarili.

Nang makarating ako sa mall, I received a call from Gerald, the guy from one of my past photoshoots.

"Hey, Nics! Sa'n ka?" He asked from the other line na agad ko namang sinagot.

"Mall lang." I answered. "You?"

"Bahay lang. Kauuwi ko lang galing school. Gusto mong puntahan kita?"

Naisip kong ayos lang din kung samahan ako ni Gerald. I'm alone. T'saka hindi naman kami madalas kung magkita kaya siguro okay na rin ito para magkaro'n naman kami ng araw na magkasama at hindi na lang puro text at tawag.

"Okay!" I said.

Hinanap ko kung nasaan ang bilihan ng art supplies at agad na pumasok.

"I'm where you'll usually find me." I chuckled.

"Art na naman?" He laughed. "Ang dami mo nang gamit, ah?"

"Not enough!" Parang batang sabi ko at parehas kaming napatawa.

"Okay. I'll just get ready."

Nang binaba n'ya na ang tawag ay t'saka ako naghanap ng mga puwedeng bilhin. Nagpunta ako sa mga brushes at paints. I tried to find something I can use.

Nang dumating si Gerald, he saw me choosing between two brands.

"Just buy both." He laughed.

Pinasadahan n'ya ng palad ang wavy n'yang buhok. Gerald has the same aura as Iñigo's. Gentle and kind. Iyon ang una mong maiisip na katangian n'ya kung titingnan mo s'ya. He has fair skin. Mapungay ang nga mata n'ya at kahit 'di ngumingiti ay lumalabas pa rin ang dimple sa magkabilang pisngi. Medyo may kahabaan ang buhok n'ya pero hindi naman sobra.

Like what I said, I am really into guys who look like good boys kaya nakuha agad ni Gerald ang atensiyon ko nang magkita kami sa isa sa nga photoshoots na kinuha ko.

"Sayang kapag binili ko parehas. Hindi ko naman magagamit..." I said.

"Oh, you will." Aniya. "Madalas kang gumagawa ng artworks kaya magagamit mo agad 'yan."

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon