Chapter 13
"Ayos na kayo?" Gulat na tanong ni Iñigo.
Pinagtaasan ko s'ya ng kilay at mayabang na nginisian.
"Hanggang ngayon, Iñigo, wala ka pa ring bilib sa akin?" Halakhak ko.
Ngumiwi si Iñigo at napa-iling. Naglakad na kami palabas ng classroom.
"Nico!" Tawag ni Dom kaya napalingon ako.
Kasama na n'ya ulit si Miro na ngayon ay may malaking ngisi para sa akin. Nilingon ko si Iñigo at nakita kong nakataas na naman ang kilay n'ya sa akin. Ngumisi ako at tumingin ulit kina Dom.
"Uuwi ka na?" Dom asked.
"Bakit?" Tanong ko.
"Ah. Commute ka ba ulit?" He smiled shyly. "Hatid na kita. Ayos na ang kotse ko." Aniya.
Narinig ko ang mura ni Iñigo at ang tawa n'ya sa gilid. Napangisi si Dom at tumingin din kay Iñigo.
"Hindi pa ako uuwi eh." I smiled awkwardly.
Bahagyang nawala ang ngiti ni Dom. I smiled at him.
"Ah." Napahawak s'ya sa leeg n'ya. "Sa'n ka? Hintayin kita?"
Narinig ko ang mura ni Iñigo at tinawag n'ya ang atensyon ko kaya iritado ko s'yang nilingon.
"Nics, una na ako." Aniya, natatawa bago nagsimulang maglakad palayo.
Inirapan ko si Iñigo at binalingan ulit si Dom.
"'Wag na. Hindi ako sure kung anong oras ako matatapos eh." I said.
Dom pursed his lips but nodded in agreement anyway. Sinulyapan ko si Miro at tinanguan bago naglakad na palayo sa kanila dala ang bag ko.
Inisip ko kung manliligaw na ba si Dom but I shrugged it off. Hindi pa naman n'ya sinasabi.
I strutted towards the gymnasium. I checked kung nasa parking ba noon ang sasakyan ni Leion and when I saw that it was there, agad akong napangisi at naglakad na papasok ng gym.
Tahimik pa ang gymnasium. Siguro, nagpapalit na ng damit si Leion? I walked towards one of the benches. Naupo na ako at ipinatong na rin ang mga gamit sa tabi.
I brought my phone out, inserted a pair of earphones, and played some lofi hip hop music to calm my nerves and inspire myself to do art. I smiled when I heard the familiar beat. I slightly moved my head to the beat of the music.
Inilabas ko ang watercolor paper ko, portable palette ng watercolor, lapis, at water brush. I started sketching.
Napahinto lang ako nang makita kong naglalakad na si Leion papunta sa akin galing sa locker area ng varsity. He's wearing a black round neck shirt and a pair of plain black jersey shorts.
Nagpatuloy na ako sa pag-sketch. Kahit nang umupo s'ya sa tabi ko at tingnan ang ginagawa ko, hindi ko pa rin s'ya binalingan.
Pero nang nagtagal na ako sa sketch at pinapanood n'ya pa rin ang ginagawa ko, binalingan ko na s'ya.
"Hindi ka maglalaro?" I asked.
Tiningnan ako ni Leion.
I suddenly remembered the gift I bought for my peace offering to him! Agad kong kinuha ang bag ko at inilabas doon ang paper bag ng regalo.
Tiningnan ni Leion ang paper bag at ibinalik n'ya ang tingin sa akin. I smiled at him.
"Peace offering ko." Ngisi ko sa kan'ya.
BINABASA MO ANG
Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)
Chick-LitHeartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a stranger to Nicodaine Aceves, the fun, bubbly, and loud student of the Arts and Design track. Walang...