Chapter 21
Nang matapos ang unang klase namin, I was about to go out for our breaktime nang bigla akong lapitan ulit ni Eva.
Nasa labas na si Leion, naghihintay pero dahil pinigilan ni Eva, hindi ko agad napuntahan.
I sighed.
"About sa project, ngayon na natin pag-usapan." She said, slightly raising her brow and I noticed the way she looks at me.
Medyo malalim at nag-aanalisa.
"Kakain muna ako, Eva." I told her.
She frowned and she looks like she wants to say something pero tumango lang at hinayaan ako.
Nakita kong nakatingin sa akin si Iñigo, nakangisi kaya inirapan ko s'ya. Nang ialis ko nga lang ang tingin ko sa kan'ya at tumama ang mga mata ko sa isa sa mga kaibigan ni Eva, agad akong nanlamig dahil madilim ang tingin sa akin ng kaibigan n'yang 'yon.
I cleared my throat and silently went out of our room.
Naabutan ko si Leion, nakatayo na sa labas at nag-aabang sa akin.
Nang magtama ang mga mata naming dalawa, I immediately gave him a smile.
Ang dilim talaga laging tumingin ni Leion. But I realized that I like it. Kapag gan'yan ang tingin n'ya sa akin, I know that he's getting pissed with me pero nananatili naman kahit gano'n. Naiinis s'ya sa lahat ng pang-aasar ko, at kahit na ine-expect ko na na magwo-walk out s'ya sa akin, he still stays.
We went to the cafeteria to eat. I was talking animatedly about the movies I like to watch nang mapatigil ako dahil may lumapit na isang lalaki. Agad akong nagtaka. Don't tell me, isa na naman 'to sa basketball players?
Una si Abe Frontera, sunod si Eli Dasilva, ngayon ay ito naman?
Pero hindi naman mukhang basketball player ito. Maliit kasi at medyo payat. Hindi tulad nina Eli at Abe, maging si Leion, na may magandang built.
"Hi." He greeted pero nakatingin s'ya sa akin, mukhang ayaw lingunin si Leion dahil kinakabahan.
Tiningnan ko si Leion at nakita kong nakatingin na s'ya sa lalaki, seryoso ang tingin. Hindi ko mapigilang matawa. I mean, he looks like a lion looking at his prey! At ang lalaking lumapit naman sa amin, mukhang dagang takot na takot sa leon. I suddenly remembered a scene from a cartoon. 'Yung may leong may hawak na daga.
"I'm from the school paper." Utal na sabi ng estudyante.
Maliit ang height ko at lumagpas lang nang kaunti sa limang talampakan. Ang lalaking ito, mukhang mas matangkad lang sa akin nang kaunti.
Don't tell me, pinagseselosan din ito ni Leion?
"P-Puwede ko ba kayong ma-interview?" Utal ulit na tanong ng lalaki at sumulyap kay Leion. He flinched when his eyes met Leion's.
I chuckled. Napalingon sa akin ang lalaki at mukhang problemado.
Ito siguro 'yung sinasabi ni Frida. I wonder kung itong lalaking ito rin ang nagsulat ng article tungkol kay Eli at sa break-up n'ya kay Cyra Lim.
BINABASA MO ANG
Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)
ChickLitHeartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a stranger to Nicodaine Aceves, the fun, bubbly, and loud student of the Arts and Design track. Walang...
