Chapter 7
He knows my name!
Iyon ang nasa isip ko habang kumakain kami. Hindi ko s'ya kayang daldalin tulad ng kanina. Tahimik kaming kumakain pero panay ang sulyap ko sa kan'ya.
Hindi ko s'ya type! Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?
Leion is slightly tan, iba sa mga tipo kong mga mestiso. His aura is manly and dominant. Hindi tulad ng mga natitipuhan ko na mga mukhang anghel at hindi kayang makapanakit. Bagay pa ng pangalan n'ya sa kan'ya dahil mukha talaga s'yang hari na nasa harapan ko.
Nang matapos ako sa pagkain ay hindi ko napigilang mapatitig sa kan'ya. I watched how he gracefully chew his food, how he blinked, and how he slowly took a glance at me.
I am flustered but I kept staring. I even slanted my head and watched his other features. Nakuha ko pang pumangalumbaba.
"What are you doing?" He asked.
Tumigil s'ya sa pagkain at pinagmasdan din ako.
"Wala. I'm just observing your features."
I looked at his lips at pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin sa mga mata n'ya.
When I realized that he was looking at me seriously, agad akong namula pero parang gusto kong mapangisi.
Tiyak na pipingutin ako ni Iñigo dahil sa ginagawa ko. Conservative pa naman 'yon madalas.
"And?" He asked.
Umatras ako at sumandal sa upuan ko. I pursed my lips before I tried to compose myself and speak again.
I shrugged. Napa-awang ang mga bibig ko para magsalita pero walang lumabas na kahit ano. I struttered a bit and then I faked a cough.
"Okay lang."
The hell!!!
I saw how the corner of his lips rose. Agad na nalaglag ang panga ko sa kaguwapuhan n'ya. He continued eating, hindi na dinugtungan ang usapan namin.
I pouted.
When he was finished eating, ipinakuha n'ya kaagad ang bill. Naghanda na akong magbayad pero agad s'yang naglagay ng pera sa ibinigay ng waiter na lalagyanan. Tiningnan n'ya lang ako at hindi na pinansin ang pagkuha ko ng pera.
"I'll pay for mine." I said.
Tiningnan n'ya ako at agad akong namula ulit pero hindi ko ininda.
"I already paid yours." Aniya.
"Libre mo?" Nagtaas ako ng kilay.
Pinagtaasan n'ya rin ako ng kilay at unti-unting sumilay ang ngisi n'ya. I bit my lip and rolled my eyes at him.
Bakit ba ang guwapo ng nilalang na ito?
"Ihahatid kita." Aniya nang makalabas na kami sa kainan.
"Kahit mag-commute na lang ako. Nakakahiya naman kung ihahatid mo pa ako." I laughed.
Tiningnan n'ya lang ako kaya natahimik ako. I pouted and glanced at his car.
He opened the front seat for me.
"You don't need to, really..." Bulong-bulong ko habang pumapasok na sa loob ng sasakyan n'ya.
I sighed when I finally got inside. Tiningnan ko s'ya at nanatili ang tingin n'ya sa akin, hindi pa sinasarado ang pinto.
"I insist." He said.
Umirap ako. "Okay."
Hinatid nga n'ya ako pauwi. Itinuro ko sa kan'ya kung saan ang bahay ko at tahimik lang n'yang sinundan ang mga direksyong binigay ko.
BINABASA MO ANG
Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)
Romanzi rosa / ChickLitHeartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a stranger to Nicodaine Aceves, the fun, bubbly, and loud student of the Arts and Design track. Walang...
