Chapter 22

40.4K 1.3K 120
                                        

Chapter 22

"Pagod ka sa practice." I told Leion nang ihatid na n'ya ako sa bahay. "Once you get home, matulog ka na. May practice ka na bukas ng umaga."

Napatawa ako. I sound like a mother but who cares? I like that I get to tell him that.

Tumango si Leion at bumuntong-hininga.

"Hindi kita masusundo bukas." He said.

He looks like he doesn't like the idea. Sayang din. I felt slightly sad. Gusto ko pa naman sa tuwing s'ya ang sumusundo sa akin.

But I'm happier that he became part of the varsity team. Mas gusto ko 'yon kaysa gawin s'yang driver ko papunta sa Torrero University.

Tumango ako.

"Okay lang 'yun!" I chuckled. "I can go to school all by myself. Dadalawin kita bago mag-klase."

Napataas ang kilay ni Leion sa sinabi ko at halatang-halata na ayaw akong paniwalaan.

Napatawa ako.

Oo, lagi akong late. Pero kaya ko namang gumising nang maaga kung gusto ko. Gusto kong kasama si Leion. I realized that when I watched him play yesterday. I like that I can see him achieve new things. I like that I get to experience the changes in his life first hand.

Hindi 'yung nababasa ko lang sa diyaryo. Hindi 'yung naririnig ko lang sa usap-usapan ng ibang tao.

Gusto ko 'yung pakiramdam na ganito... na ako 'yung nasa tabi n'ya.

"Kapag ako, maagang nagising bukas, may utang kang date sa akin, ha?" I chuckled.

"Alright." He said confidently.

Napa-iling ako.

"Masama 'yan. Hindi ka naniniwala sa kakayahan ng girlfriend mo." I told him.

Leion stared at me, hindi dinugtungan pa ang sinabi ko. I smiled at him and he stared back.

"Thank you." He almost whispered.

Napangiti ako nang mas malawak. Kinagat ko ang labi ko at pabirong itinulak ang balikat n'ya. Leion smirked when he didn't budge.

"Ang suwerte mo sa'kin! Nare-realize mo na ba?" Biro ko at tumawa.

Tumango si Leion at kinuha ang kamay ko. Natahimik ako at ngiti na lang ang namutawi sa mga labi.

"I like you." He said and I felt its intensity.

Parang may dumagan sa puso ko. But it doesn't hurt. Parang gusto ko nga ang pakiramdam. Parang gusto ko laging maramdaman.

I like him too. No'ng una, mababaw lang. Pero habang tumatagal, nare-realize ko na nagugustuhan ko na s'ya nang sobra.

Have I felt this before? No. Sa kan'ya lang.

Gustong-gusto ko si Leion... may posibilidad kayang mas lumalim pa ang nararamdaman ko?

Ganito rin kaya ang nararamdaman n'ya? Sana... kasi parang ang sarap-sarap mahalin ni Leion.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang may hinahabol pero mabibigat ang bawat yabag. I like how it feels. I feel... alive. Like I've entered a world I haven't seen before. I feel amazed by how majestic and wonderful it was.

I want to keep it. I want to keep it so bad. Iyong pakiramdam. Ang hitsura n'ya habang sinasabi n'ya na gusto n'ya ako.

"Like lang hindi love?" Biro ko at nagtaas pa ng kilay.

I smiled, trying to hide all of my thoughts about how much I like him now.

Hindi ka naman mahirap mahalin, Li. Para kang magnet na hinahatak akong mahulog sa'yo.

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon