Chapter 4

49.5K 1.5K 397
                                        

Chapter 4

Humihikab akong pumasok ng unang klase namin kinabukasan. Nahanap agad ng mga mata ni Iñigo ang mga mata ko at nakita kong mukhang papansinin n'ya na naman ang pagiging late ko.

This nagger.

Tamad kong ibinaba ang bag ko sa upuan ko at bumuntong hininga, inaasahan na ang pagsisimula ng pagsasalita n'ya.

"Pasalamat ka, late si Sir Arman." Iling n'ya.

Sir Arman Lorenzo is our teacher for our Research subject. Strict ito kaya ayaw namin na nale-late sa klase n'ya.

"I slept late." Hikab ko.

Agad akong tinanong ni Iñigo ng detalye tungkol sa nangyari sa amin ni Gerald. Habang nagkukuwentuhan naman kami, nakita ko sa 'di kalayuan si Rozel na mukhang napapasulyap sa amin ni Iñigo.

Nakahilig ako sa puwesto ni Iñigo. Nang mapansin ko na medyo malapit pala ako sa kaibigan ay medyo lumayo ako dahil nakikita ko ang tingin ni Rozel.

I can't hinder my bestfriend's potential love life!

"Kanina pa nakatingin si Rozel." Bigla kong singit sa topic namin ni Iñigo kaya natahimik s'ya.

Nakita kong pinigilan n'yang lumingon sa puwesto ni Rozel at umigting lang ang panga. He looked stoic. Nakakatawa kasi maamo ang mukha n'ya pero matapang ang ekspresyon.

"Hindi 'yan." Sabi n'ya.

Ang maarteng ito! Pakipot!

Umayos s'ya ng upo at nagpanggap na nagbubuklat-buklat ng libro namin sa Research na ni minsan ay hindi ko nakitang ginalaw n'ya kahit na palaging nilalabas.

Magsasalita pa sana ako pero bumukas na agad ang pinto ng classroom at pumasok si Sir Arman Lorenzo.

Kahit na boring ang subject na ito, nakikinig ang lahat dahil sa takot kay Sir Arman. T'saka magaling naman s'yang magturo, sad'yang mababa lang magbigay ng grade kaya ayaw ng maraming estudyante. Ang pinakamataas na ibinibigay n'ya sa klase namin ay 90. Kahit na iyong pinakamatalinong kaklase namin na mataas ang nakuha sa exam at quizzes ay nasa ganoon lang din ang grade.

His exams are impossible too. He gives fill-in-the-blank problems without gelling us kung ano ang dapat kabisaduhin sa coverage ng exam. How could we possibly memorize the whole 3 modules word-by-word right?

The problem with them is that they always say that they don't want the students to just memorize everything, telling them that they should be able to apply what they learn not to only memorize it, pero kapag exam or quizzess na, puro fill in the blanks naman at enumeration. Don't-just-memorize, huh?

Sa kalagitnaan ng pagdi-discuss ni Sir Arman tungkol sa isa sa mga parts ng Chapter 1 ng research paper ay huminto s'ya at nagbigay ng example.

"Last year, the best research paper came from the ABM strand kung saan naging isa ako sa mga panelists." Aniya. "The study was really flawless and the panels were not able to come up with any question dahil sobrang ganda ng paper nila. The grammar. Format. Everything is almost perfect. So, if you like to ask someone for tips, find Leion Zendejas from ABM."

Agad na naging alerto ang atensiyon ko sa pakikinig. Nakita kong may mga babae akong kaklase na bahagyang napahagikgik kaya napalingon nang bahagya si Sir Arman sa kanila, hindi na nga lang pinansin dahil mukhang pati ito ay sanay sa reaksiyon ng mga babaeng estudyante kapag napag-uusapan si Leion.

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon