Chapter 12

42.1K 1.5K 307
                                        

Chapter 12

Ilang ulit na bumalik si Leion sa klase namin. Madalas, ang teachers ang sadya. Minsan, nauutusan din. Kaya madalas ko rin s'yang makita sa hallways namin.

He had been the talk of the whole campus. Mas dumami ang nagkaro'n ng interes sa kan'ya at nabalitaan kong halos lahat ng babae ng track namin, goal na gawing subject si Leion para sa project.

I can't believe it! S'ya na ang subject ng halos lahat!

"A lot of you asked me about Leion Zendejas." Sabi ng teacher namin para sa project na gagawin. Inililibot n'ya ang tingin sa klase. She doesn't seem pleased with her news. "At naka-usap ko rin si Mr. Zendejas tungkol dito."

Napabuga ako ng hangin at napapikit.

"Ayaw n'yang maging subject ng mga painting n'yo. If anything, he will only allow one student." Mariin na sabi ni Ma'am De Jesus bago dinugtungan ang sinasabi. "Kaya isa lang dapat ang magpapasa sa akin ng gawa na si Leion Zendejas ang subject at dapat, sabihin n'ya mismo sa akin na pinapayagan n'ya ang estudyanteng 'yon. Are we clear?"

Marami ang nadismaya roon. Napalunok ako. Leion agreed on being my subject already. I wonder if our agreement still stands? O baka pumayag na s'ya kay Eva?

"Nakuha mo na ang approval ni Leion, 'di ba?" Lingon sa akin ni Iñigo.

Problemado ko s'yang tiningnan at napamura ako.

"Hindi ko alam, Iñigo. He seems upset with me!" Problemado kong sabi. "At nakita kong kausap n'ya si Eva no'ng nakaraan. Pa'no kung pumayag na s'ya kay Eva?" Bulong ko para hindi marinig ng mga kaklase.

Natawa si Iñigo at parang aliw na aliw talaga s'ya na problemado ako.

"Stupid! Talk to him! You've been avoiding him for the past few days!" Tawa ni Iñigo.

Napanguso ako. Alright. Alam ko naman. Hindi ko lang maiwasang matakot.

I cursed when someone knocked on our door.

Nasanay na akong kabahan kapag may kumakatok sa room dahil pakiramdam ko ay si Leion 'yon. Sinasadya n'ya na bang laging nandito sa wing namin?! Kaunti na lang, iisipin ko na gano'n nga!

Hindi si Leion ang kumatok sa room namin na ikinahinga ko naman nang maluwag. Isa sa mg teachers 'yon at may iniabot na kung ano kay Ma'am De Jesus.

"Kausapin mo na si Leion. Ayaw mo bang matapos mo ang project mo o ano?" Ngisi ni Iñigo.

"Alam ko!" Singhal ko kay Iñigo. "Kailangan ko lang ng timing."

Nagtaas ng kilay si Iñigo.

"Subukan mo mamaya sa gymnasium. Wala ang varsity, may practice game sa ibang school." Ngisi ni Iñigo. "Baka nando'n si Leion."

Napangiwi ako sa kaba. Mas napangisi si Iñigo dahil alam n'yang kinakabahan ako.

"Ms. Aceves."

Gulat akong napatingin kay Ma'am De Jesus na nakatingin pa sa class record n'ya. Inangat n'ya ang tingin n'ya at hinintay na tumayo ang tinawag n'ya.

I stood up and looked at her. Tiningnan ako ni Ma'am De Jesus sa likod ng mga salamin n'ya.

"Pakidala ito sa ABM Adviser." Sabay lahad n'ya ng folder.

Agad akong napangiwi at narinig ko ang tawa ni Iñigo sa likod ko, parang demonyo.

"Must be hard; being the first student in the class record." Tawa ni Iñigo.

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon