Chapter 32

43.2K 1.2K 365
                                        

Chapter 32

"Nico!" Kunot-noong tingin sa akin ng isa sa mga kaklase ko nang madaling-madali akong lumabas ng klase.

Nagtataka kong tiningnan ang kaklase ko.

"Bakit?" I asked.

"Sa'n ka pupunta?" Tanong n'ya.

"Sa lib." Tipid kong sagot.

"Aral na aral, ah?" Tawa n'ya. 

Natawa ako at hindi na sumagot pa. Agad akong lumabas ng klase at naglakad papunta sa library. I finally got a hold of Leion's schedule a few weeks ago. Kinabukasan, after noong organization party ay naibigay na sa akin ni Rozel ang schedule nila.

For the past weeks, I've been really trying to follow his whereabouts. Sinisigurado ko na makikita n'ya ako. The first step is to make the brute notice my every presence. Ang ilap at ang sungit kasi! Tuwing break time, I realized that he still goes to the library to read uninteresting stuff. 

Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon? Of course, saan mo ba mahahanap si Leion Eleazar Zendejas kundi sa library!

Nang marating ko ang harapan ng library, I stopped and cleared my throat. Isinuklay ko ang mga daliri ko sa buhok ko at huminga nang malalim. Medyo kinakabahan ako. 

It's funny, honestly, how I get nervous now. Before, when I first tried to stalk Leion, wala akong kahit anong pag-aalinlangan. I don't care if anyone thinks that I do inappropriate things. Now that I grew and is now more mature than before, pakiramdam ko ay sasabog ang mukha ko sa hiya at sa kaba.

It's alright, Nico. Wala namang nakakakilala sa'yo sa loob eh. Si Leion lang.

Sana. 

Pero bago pa man ako makapasok ay agad akong natigilan nang may dumaan mula sa likod ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang maamoy ko ang pamilyar na pabango ni Leion. He glanced at me and coldly diverted his eyes elsewhere. Nahigit ko yata ang paghinga ko at tumigil ang tibok ng puso ko. 

When Leion went straight to the tables, agad akong napangiti at sumunod. Kalma, Nicodaine. 

I cleared my throat and went to the business section and tried to find a book about Oblicon. Next sem pa namin subject 'yon pero dahil alam kong nakuha na ito ni Leion noong first year, alam kong puwede namin itong pag-usapan.

Hindi ko pa naman naaaral 'yon, but who cares!

Agad akong dumiretso sa kung nasaan si Leion. Hindi pa naman puno ang mga upuan sa library but I went to the table where Leion is. Hindi n'ya ako sinulyapan, mukhang walang pakialam sa paligid n'ya dahil sa isinusulat sa yellow pad.

Tumikhim ako at pasimpleng tinanaw ang papel n'ya. Hindi ko naintindihan ang sinusulat n'ya kaya naupo na lang ako nang tuluyan sa harapan n'ya. That's when Leion looked at me.

My heart jolted. Napakurap ako at agad na huminga nang malalim para kalmahin ang sarili ko.

Memories from the past flashed before my eyes once again. This is how we spend our break times before. He'd pull me to the library and let me sketch him or take pictures of him. Hindi s'ya nagagalit sa mga pagkuha ko ng litrato at hindi tuluyang napipikon kahit na walang kuwenta ang mga sinasabi ko.

He'll look at me seriously before at tititigan ako nang mabuti na para bang may ino-obserbahan s'ya sa mukha ko. I didn't care about it then. But remembering it now makes me long for it. Ngayon kasi, hindi tatagal ng tatlong segundo ang tingin n'ya kung hindi ko s'ya kakausapin.

He looks more mature now. Wala nang takas na mga buhok na minsanang bumabagsak sa gilid ng mukha n'ya. Wala nang bahagyang humaharang sa magandang hubog ng panga. He looks more polished than before. Bagay ang malinis na hair cut, but I can't deny that I miss his long hair and his man bun. 

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon