Chapter 17
Medyo madilim na nang dumating kami sa cafe. Medyo marami pa ang customers kaya naman nilibot ko ang mga mata ko para sa available seats. Maraming galing pa sa St. Agatha University dahil mga naka-uniporme pa.
I suddenly remembered Gerald. Karamihan din ng mga naka-usap ko ay dito nag-aaral.
Originally ay ayaw ko talaga sa mga malalapit lang. I don't like clingy boys, lalo na ang seloso. They tend to be suffocating. But I realized na hindi ko naman kasi siguro talaga sila nagustuhan kaya gano'n na lang ang opinyon ko tungkol sa kanila.
"I'll order for you." Leion told me. "What do you like?"
Ikaw.
Agad akong napangisi. Ayaw ko naman na magalit s'ya sa akin kaya tumango ako at sinabi sa kan'ya ang gusto ko. I found a table for two. Agad akong naupo at nilingon si Leion na ngayon ay seryosong nakatingin sa menu at nakapila.
I noticed that the girls behind him are giggling. Napa-iling ako at napangisi. Seriously? Hanggang dito?
"Isn't that Leion Zendejas? From Torrero?" I heard from the table across me.
"Oh god. He's tall!" Hagikgik ng isa sa mga babae.
"Not just tall, girl. Guwapo!"
"Take a picture!"
"You're crazy! Paano kung makita?"
"Ikaw ang baliw. Ang layo n'ya, paano n'ya makikita?"
I scoffed and focused on my phone. These girls are unbelievable. Pero malapit na akong masanay na gan'yan ang nagiging reaksyon ng mga babae kapag nasa paligid s'ya. I mean, he's outrageously gorgeous.
"Nakatingin dito..." One of the girls said and I glanced at Leion.
Nakita kong nakatingin na s'ya sa akin, seryoso pa rin ang hitsura. I immediately smiled at him and waved. Leion didn't wave back at umiwas lang ng tingin kaya agad akong napangiwi.
The girls from across the table looked at me like they are irritated. Nag-usap pa sa kung gaano ako kaasang-asa na ako ang tinitingnan ni Leion.
Napa-iling ako.
When Leion finally came back, agad kong tiningnan ang mga babae sa kabilang table at nginisian. Laglag ang panga nila at mukhang hindi makapaniwala habang nakatingin sa amin.
Lumingon si Leion sa table nila at ibinalik ang tingin sa akin, nagtataka.
"What is it?" He asked.
Umiling ako at ngumiti.
"Nothing!" Iling ko at agad na ipinakita ang phone sa kan'ya. "Look. I took a picture of you." Sabay lahad ko ng picture sa harap n'ya.
He looked at it before he looked at me again.
"Are you going to paint all that?" Tanong n'ya.
"'Yung iba, wallpaper ko." Ngisi ko.
Leion just sighed and looked outside the window.
BINABASA MO ANG
Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)
Chick-LitHeartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a stranger to Nicodaine Aceves, the fun, bubbly, and loud student of the Arts and Design track. Walang...
