Chapter 5

34.6K 1.2K 276
                                    

Chapter 5

I watched Leion's back as he wrote on the white board. His handwriting is strong, all caps, and are very aligned. Lalaking-lalaki. Why is his handwriting handsome too?

Napanguso ako at nagsimula nang buklatin ang libro para may mapagkaabalahan.

Wala ba s'yang klase? It's the first subject.

"Leion!" Tawag ng isa kong kaklaseng lalaki na mukhang kakilala ni Leion.

Napahinto si Leion sa pagsusulat at nilingon ang kaklase ko. Napahinto rin ang ibang mga kaklase ko dahil sa pakikipag-usap ng kaklaseng lalaki sa kan'ya.

"Don't you have class?" Palakaibigang tanong nito.

"I have. Tinapos ko lang agad ang mga dapat naming gawin. Wala na akong gagawin kaya nautusan ako." He said politely.

Ha! Plastik. He's rude!!! Bakit s'ya nagpapanggap na maayos na tao r'yan? Sabagay, he's in front of a crowd. Baka nahiya o ayaw mahusgahan.

"Why not choose other students?" Bulong-bulong ko dahil sa iritasyon.

I just can't help but get pissed whenever I remember how rude he is towards me.

"Baka paborito ni Cruz." Tukoy ni Iñigo sa prof namin.

I smirked. Oo nga pala. The teachers have their favorites. Hindi na kataka-taka. Leion is smart and maybe reliable. Hindi siguro s'ya rude sa mga teacher n'ya.

Natapos na si Leion kaya naupo s'ya sa teacher's chair at mukhang magbabantay pa pala.

The activity required a whole sheet of paper. Ubos na ang akin at kay Iñigo kaya tumayo ako para manghingi sa kaklase kong mayroon.

I saw how Leion frowned at me when I stood up. May iba rin namang nakatayo. Medyo umingay ang klase dahil naghihingian na ng mga papel.

I saw Dom holding a thick pad of yellow paper kaya agad akong lumapit.

"Dom, pahingi. Dalawa." I smiled at him.

Napa-awang ang mga labi ni Dom at ngumiti bago tumango at pumilas ng dalawa para sa akin. Marami tuloy ang lumapit pang mga kaklase para manghingi sa kanya dahil nakita nilang binigyan n'ya ako. Nakita kong siniko s'ya ni Miro bago tumawa.

Nang makakuha na ako ng papel ay napasulyap ulit ako kay Leion at nakita kong seryoso n'ya lang akong pinagmamasdan. Nakaramdam ako ng panlalambot ng mga tuhod pero hindi ko na 'yon pinansin dahil nakatingin pa rin si Leion sa akin.

How embarrassing it would be if he finds out he made my knees weak because of his stares! That guy!!! Hindi ko naman s'ya type! Maybe I'm just shy or something! That's normal.

Agad akong bumalik sa upuan ko at iniabot kay Iñigo ng papel, medyo padarag dahil nagsisimula na naman akong ma-badtrip dahil sa presensya ni Leion sa klase namin.

"Bakit isa lang?" Reklamo n'ya. "Kailangan ko ng scratch."

Asar kong binalingan si Iñigo. Ang arte ng unggoy na 'to!

"Eh 'di sana ikaw ang nanghingi!" Singhal ko sa kan'ya.

Natawa si Iñigo at kinurot ang ilong ko. "Sungit!"

When I saw the questions, agad na parang umiikot ang ulo ko sa hilo sa mga tanong. I'm not smart. I'm just one of the average students. Kaya sa mga panahong ganito ay naaasahan ko si Iñigo.

Kumpara kasi sa akin, mas matalino, masipag, at grade concious si Iñigo kaya sa kan'ya ko inaasa ng ganitong mga bagay. Sa katunayan nga ay pasok s'ya sa top ten ng honors sa buong track namin.

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon