Chapter 8
"Just be yourself." Ngisi ko kay Leion.
Seryoso lang s'yang nakatingin sa akin at bahagyang nakataas ang isang kilay.
"Just be yourself." Ulit ko.
"I heard you."
"Go." Ngisi ko.
"You'll leave me alone?" Taas n'ya ng kilay.
"I won't. Nandito lang ako sa paligid. Ikaw, go do your thing." Sabay libot ko ng tingin sa mga shelves.
Hindi ako madalas sa library. Nagpupunta lang ako rito tuwing library period namin. Maganda rin pala rito. No wonder dito tumatambay ang mga kaklase ko para matulog. Malamig at tahimik kaya paniguradong mahimbing ang magiging idlip. Baka mapadalas na rin ako rito.
Sobrang dalas kaya ni Leion dito?
Sinunod naman ako ni Leion. He went to get the books he needs. Hindi ko alam kung ano pa ang babasahin n'ya sa mga 'to but when he went to the business section, naintindihan ko na. Akala ko naman, novels ang babasahin n'ya.
Napa-iling ako. I brought out my phone and tried to follow Leion.
Ang nerd n'ya talaga. Guwapong nerd! Pero parang hindi naman bagay sa kan'ya ang salitang nerd. Gorgeous genius?
"Nico."
Nagulat ako nang may humawak sa braso ko at tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako kung sino 'yon at nakita ko si Dom at Miro, magkasama na naman.
Parang kambal ang dalawang 'to. Hindi magkamukha pero lagi namang magkasama. Parehas pa na old school ang pangalan. Gemiro at Dominador.
"Oh." Gulat kong sabi. "Bakit nandito kayo? Mag-aaral?" I asked, duda dahil hindi naman mahilig mag-aral ang dalawang 'to.
Lumingon si Miro kay Dom at s'ya ang sumagot.
"May inutos si Ma'am Riza kay Dom. Sinamahan ko lang." Ngisi ni Miro. "Ikaw ba? Ba't ka napadpad dito?" He chuckled, halatang nang-iinsulto na hindi ako bagay sa library.
Agad kong minura si Miro at natawa. Hindi rin kasi normal sa akin na nandito sa library dahil wala naman akong interes na pumasok sa top.
Speaking of top, nasaan na nga ba ang Top 1 ng Torrero University? Hinanap ko si Leion pero hindi ko na s'ya makita. Where did he go?
"'Yung sa project natin." I told Miro.
Nagulat s'ya. "'Yung art project?"
Tumango ako. "Nandito 'yung subject ko, eh."
Tumango si Miro at ngumisi, mukhang interesadong malaman kung sino o ano ang subject ko.
"Really? Nandito ba si Eli? Balita ko, ang Heartbreakers ang subject mo, ah?" Ngisi ni Miro.
Ang tsismoso talaga ni Iñigo! S'ya lang naman ang nakakaalam ng mga ideya ko para sa project. Sabi ko na nga ba't sasabutahihin n'ya ako.
"Ah, iniba ko na." Tawa ko.
"Sino na?" Biglang tanong ni Dom at tiningnan ko s'ya.
BINABASA MO ANG
Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)
ChickLitHeartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a stranger to Nicodaine Aceves, the fun, bubbly, and loud student of the Arts and Design track. Walang...
