Chapter 6
Mahina akong napamura dahilan para mapatingin sa akin si Iñigo.
"Minumura mo ba 'ko?" Tanong ni Iñigo.
Agad akong nag-iwas ng tingin kay Leion at parang gusto ko biglang magtago. Bakit ako magtatago?! Sino ba s'ya?! Leion Zendejas lang 'yan!
Kaya naman buong oras ng pagkain namin ni Iñigo ay hindi ako makapag-isip nang maayos. I kept glancing at Leion's way. Wala naman s'yang ginagawa masyado roon. Nakatutok lang sa laptop na kaharap at walang pakielam sa paligid. Sa tabi n'ya ay isang platito ng isang slice ng cake na hindi pa nababawasan at isang malaking mug ng tingin ko ay kape.
Napalingon si Iñigo sa tinitingnan ko kanina pa at agad s'yang napangiwi nang makita roon si Leion.
"You're still stalking him?" Tanong n'ya.
Pinanlakihan ko ng mga mata si Iñigo at pinagpatuloy ang pagkain.
"Anong stalking? Nagkataon lang na dito rin s'ya kumain 'no!" Irap ko.
May pagdududa akong pinagmasdan ni Iñigo bago nagpatuloy sa pagkain. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang mga oras na ginugol namin ni Iñigo sa restaurant na iyon. Kung normal na araw ay baka nagtagal kami. But I was too preoccupied na nang mag-aya na agad akong umuwi ay pumayag din si Iñigo.
"Oo. Ang boring mo ngayon eh." Irap ni Iñigo at inirapan ko lang s'ya.
Nang umalis ako, nandoon pa rin si Leion, ginagawa ang kung anoman sa kan'yang laptop.
The next day, I was so positive na hindi ko makikita si Leion sa araw na iyon. Kahit na magpunta s'ya sa hagdanan malapit sa amin, kaya ko s'yang iwasan kung sa kabilang hagdan ako bababa.
Tama nga ako. Sa dalawang break na lumipas ay wala akong Leion na nakita. I was positive the whole day.
Nang mag-uwian ay binalak ko na magpunta sa gymnasium pero sabi ni Iñigo ay wala raw palang practice ng basketball ngayon.
"Pupunta pa rin ako. I want to paint the background."
Sumang-ayon lang si Iñigo. Hindi na n'ya ako nasamahan dahil kailangan na n'yang umuwi dahil pupunta raw ang kan'yang lolo at lola sa kanila.
So, I went to the gym. Pagdating ko roon, tulad ng sinabi ni Iñigo ay wala ngang naglalaro. Wala akong kiskis ng sapatos na naririnig at kahit talbog ng bola.
That's why when I entered, I sat at the center of the polished wooden floor of the basketball court. I brought my things out. I stared at the whole court and let the silence envelope me.
Hindi bukas ang mga ilaw ng gymnasium, ang tanging nagbibigay liwanag ay ang liwanag ng araw sa labas ng gymnasium na sumisilip sa mga bintana, creating spotlight-like rays.
I started dipping my brush in colors. Rinig ko ang bawat paglapat ng brush sa magaspang na papel. Ito na naman. I could clearly hear the silence of the basketball court, the faint sound of the screeches of rubershoes on the polished wooden floor, and the faint dribbles coming from my memory.
Naantala lang ang ginagawa ko nang may marinig akong yabag sa aking likod. I immediately turned around. Gulat kong pinagmasdan si Leion na nakatayo sa hindi kalayuan, suot na ang jersey at handang maglaro. His hair is in his usual sexy man bun. He was holding a ball.
BINABASA MO ANG
Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)
ChickLitHeartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a stranger to Nicodaine Aceves, the fun, bubbly, and loud student of the Arts and Design track. Walang...
