Chapter 30

43.5K 1.2K 443
                                        

Add me on Facebook! I've posted the link on my profile. :) God bless you and I hope you're having a great day!

--

Chapter 30

"Nics." Tawag ni Dom sa akin at napalingon ako sa kan'ya. "Why? Did something happen?" Takang tanong n'ya dahil sa paghinto ko.

Kumuyom ang panga ko at pakiramdam ko, mahihirapan akong gumalaw.

"Ah, wala." I smiled and continued walking.

My heart was already fluttering. I can't believe it. Hanggang ngayon, I still feel this for him.  

Isinuklay ko ang kamay ko sa humaba ko nang buhok. Hindi na pixie 'yon at hindi ko na napagupitan pa sa mga lumipas na taon. Maybe because I was busy o baka dahil din gusto kong baguhin ang nakasanayang buhok.

"Where do you want to go?" Nakangiting tanong ni Dom sa akin pinagmamasdan ang buhok ko. 

Si Miro, nang una akong nakita, nagulat s'ya na ibang-iba na raw ang hitsura ko. Mas feminine at mas mahinhing tingnan kung hindi magsasalita. Si Dom, mukhang hindi nagulat dahil sabi n'ya ay nakikita n'ya naman sa social media ang pictures ko.

Nilingon ko si Dom at napatawa. 

"Kanina ka pa rito. Ayaw mo pa bang umuwi?" Natatawang tanong ko kay Dom.

Umiling si Dom at matamis na ngiti.

"Nandito ka pa." Tawa n'ya.

Kumunot ang noo ko at tumawa.

"Hindi mo ako madadala d'yan, Dom." Iling ko. "Parehas kayo ni Iñigo. Matuto kang umiba." Halakhak ko.

Kumunot ang noo ni Dom pero halatang natatawa pa rin. 

"Paano ba ang gusto mong panliligaw?"

Umiling ako at tumawa.

"'Wag mo nang ituloy. You'll just get hurt." Sabi ko, nakangiti at parang nagbibiro pero seryoso sa sinabi ko.

I honestly think that I won't be able to like someone... as much as I liked Leion before. Marami na rin namang sumubok. At first, I thought that I ignored all of them because I don't have time for it. Pero ngayon... I realized that I ignored all the potential... love life... because I still think about him.

I couldn't enter a new relationship because, despite our break up, I felt like I was still committed to him.

Napangisi ako. Lakas ni Mr. Top 1. How many years has it been? Almost three years? Pero s'ya pa rin.

"Si Leion pa rin?" Ngiting tanong ni Dom pero halatang hindi umabot sa mga mata n'ya ang ngiti n'ya.

Napanis ang ngiti ko. I looked at him and I stopped walking. Tumigil sa paglalakad si Dom at tiningnan ako nang diretso sa mga mata. 

Parang nakaramdam ako ng sakit. My memories of Leion suddenly flashed before my eyes. I honestly miss him. Iyong mga pang-aasar ko sa kan'ya at pangungulit. Ang lahat ng iritasyon n'ya para sa akin. I even miss painting him at night. 

Unang pagkakataon para sa akin... na mahulog nang ganito kalalim para sa isang tao. Na kahit sinubukan ko namang unahin ang sarili ko at kalagayan ko sa mga nakaraang taon, kapag naaalala ko s'ya, nasasaktan pa rin ako. It hurts because I long for him. 

Pero kung iisipin ko ang mga lumipas na taon at mga napagdaanan ko, I'm glad that I wasn't with him during those times. I was a mess. My life was a mess. 

"Sorry." I sighed.

Tumango si Dom at mukhang hindi na s'ya nagulat. It was like he expected it.

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon