Chapter 27

28.8K 1K 298
                                    

Chapter 27

I wore a monochromatic outfit; Beige cropped shirt na long sleeved na may kapares na beige na slacks din na maganda ang kapit sa binti ko. It's to make me look taller. Sa sapatos, I wore a pair of beige sandals too. Ang bag ko lang ang kulay puti. I wore some accessories to go with the whole outfit.

Mamaya na ang date namin ni Leion. Linggo at balak naming magsimba na muna bago pumunta sa mall.

It was my idea. Hindi kasi ako madalas na magsimba at naisip ko na magandang date para sa'min ni Leion 'yon. I just thought that it'd be romantic.

I'm excited about it. 

We agreed to meet there. He wanted to pick me up but I insisted. Out of the way din kasi. T'saka may balak pa akong daanan para bilhan s'ya ng kahit ano. I just want to give him something because he had been good to me. 

Hindi umaga ang service doon. Hapon pa kaya I knew that I wouldn't be late. Gumawa pa ako ng ilang commissions kaninang umaga.

I was already going down the stairs nang bigla akong natigilan.

Narinig ko ang sigaw ni Mama.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari.

Everything happened fast.

I was in panic. I couldn't calm down because I was done being calm all the time.

I called for an ambulance. Mama was brought to the hospital.

Hindi ko alam kung umiyak ba ako o hindi ko na lang napansin na bumuhos ang mga luha ko.

Ang alam ko na lang, kinakausap na ako ng doktor tungkol sa kalagayan ni Mama. He told me that it's normal. Side effects ng chemotherapy. Then he told me that he has alternative medicines. Papalitan ang ilang gamot. They checked on Mama and told me details I can't comprehend. Hindi ko alam kung okay lang ba talaga si Mama o masama ang kalagayan n'ya.

They told me that Mama might change. Baka maging laging iritable. Sabi nila, intindihin ko na lang kasi mahirap ang mapagdadaanan ni Mama.

She's starting to lose hair too. Pumayag ako no'ng sinabi ng doktor na sa ospital na muna manatili si Mama ng ilang araw. Parte ng chemotherapy. Ang dami kong inasikaso. Hindi ko na nasundan ang halos lahat.

One of the nurses helped me because she noticed that I seem like I have no strength for all of it.

Gabi na nang matapos ang lahat ng gagawin. Naka-upo na ako sa tabi ni Mama na nakahiga sa kama at mukhang pagod sa lahat.

Lately, she's been really weak for everything. Parang nawalan na rin ng buhay.

Iniisip ko nga kung tama pa ba ang desisyon kong pilitin s'yang gawin 'to. Mas masigla s'ya dati. Ngayong nagpapagamot, parang mas lumala lang. Gagaling ba talaga s'ya?

Hinawakan ko ang kamay ni Mama at parang ayaw n'ya ng hinahawakan s'ya kaya inalis ko rin. Napabuntong-hininga ako at namuo ang mga luha sa mga mata ko.

No'ng nawala si Papa, hindi naman naging mabigat sa akin dahil nand'yan naman si Mama. Pero kung si Mama ang mawawala... kaya ko ba? To imagine a house without her, a life without her, could I take it?

Napa-iling ako. I shouldn't think about that!

Nawala lang ang atensyon ko kay Mama nang mag-vibrate ang phone ko dahil sa isang tawag. Agad na nanlaki ang mga mata ko at agad akong napamura.

Leion's name flashed on my phone's screen. 

Halos mangalahati na ang battery ng phone ko dahil sa mga naging tawag n'ya. Ang dami na n'yang missed calls simula kanina. Napasinghap ako at agad na pinulot ang tawag n'ya.

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon