Chapter 1

68.5K 1.7K 656
                                    

Chapter 1

"What are you doing?" Usyoso ni Iñigo.

Ngumuso ako at ipinagpatuloy ang pagguhit sa sketchbook ko. Umupo na si Iñigo sa tabi ko at pinanood ang ginagawa ko.

"Is that... Eli Dasilva?!" Tawa n'ya at mas pinanood pa ang pagguhit ko kay Elliott Nicholi Dasilva, the typical heartbreaker, like what they address him. Ang pinaka-sikat na varsity player ngayon sa Torrero University.

"Huwag kang magulo, Iñigo!" Iritadong hawi ko sa mukha n'yang halos idikit na n'ya sa iginuguhit ko.

Humiyaw ang mga nanonood ngayon ng practice game ng basketball varsity dahil sa pagkakapasok ng tira ni Eli Dasilva sa ring. I stared at his features intently as he plastered a small smile on his lips and as he looked somewhere in the benches. Naroon ang kan'yang best friend slash girlfriend na si Cyra Lim at nanonood.

"Bakit si Eli naman ngayon ang trip mong i-sketch?" Tawa n'ya, parang katawa-tawa na nangahas akong gawing subject si Eli.

Pinanlisikan ko s'ya ng mga mata. "Bakit ba?" Irap ko.

"Ang taray mo." He laughed. "May girlfriend na 'yan." Sabi n'ya na parang dahilan 'yon para tigilan ko na ang mapangahas kong pagpili kay Eli bilang subject ko.

"So?" Kumunot ang noo ko. "Ginawan ko lang ng sketch, crush ko na agad?!" Bulyaw ko sa kan'ya.

Mas lalong napahalakhak si Iñigo. Inirapan ko s'ya at ipinagpatuloy ang ginagawa. "And what the hell? Monggol ang gamit mo?" Aniya na parang kinukutya ang lapis na gamit ko.

"Hindi ko nadala ang mga lapis ko!" Mataray kong sabi. "And I can work this out."

"The confidence, Nics." He chuckled. "Dahil sa schoolpaper kaya s'ya ang napili mo, ano?" Aniya.

Iñigo's right. The school paper featured Eli in their monthly gossip issue at sumikat iyon sa buong campus. I can't think of anyone else to draw so I've decided to make Eli Dasilva my subject. Dahil sikat na sikat s'ya ngayon, he's definitely the perfect choice. Isa pa, the captivating features he has have gotten my interest.

"Why not take a picture from his social media accounts instead?" Tanong ni Iñigo, pinapanood ang laro.

"A live Eli is better." I said. At t'saka bihira lang naman s'ya mag-post sa social media accounts n'ya. Sa tagged photos, karamihan ay grupo iyon. I also tried to find some pictures of him in Cyra's accounts pero kung hindi silang dalawa ang nasa picture, nakatalikod naman si Eli. Masyado ring pribado ang nga accounts nila.

At isa pa, I want to see the smile he always gives when he's with Cyra.

His smile for her is different. It is beautiful and dreamy. Kung hindi dahil sa paraan ng pagngiti at pagtingin n'ya kay Cyra, hindi ako maniniwala na nagseryoso na sa wakas ang pinakamatinik na playboy sa Torrero.

"Kung 'di ko lang alam na may kalandian ka sa mga co-model mo, iisipin ko talagang gusto mo 'yang si Dasilva." Natatawang sabi ni Iñigo.

Ang tinutukoy n'ya ay si Gerald. Nanliligaw iyon sa akin doon sa modelling company na kumuha sa akin. Hindi naman ako full time. Ako ang pumipili ng mga gig na gusto ko. Na-try ko lang ng isang beses dahil inaya ng isang kakilala at medyo nagustuhan ko naman kaya pinatulan ko ang ilang nag-aalok ng gigs. 

Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon