Chapter 24
When Mama started to undergo chemotherapy, naging maayos naman ang mga naging commissions ko at pagbebenta ng mga gawa. Iñigo and Leion indeed helped me pero hinayaan ko si Leion na mag-focus sa varsity lalo pa't kailangan na nilang mag-focus sa mga practice.
Like what I expected, the school paper published an article about me and Leion. Nakalagay ako sa blind item. May litrato na kasama ko si Leion at picture pa 'yon mula no'ng party na pinuntahan namin ni Leion na ako rin ang nag-post. Nakalagay din na confirmed ang relasyon namin dahil sa relationship status na ako rin ang may pakana. Naka-blurred ang mukha ko but of course, I knew that everyone knows that it's me. Bihira lang naman ang may buhok na tulad ng sa akin sa Torrero University. I'm probably known because of it.
It was stupid, the article, pero hindi ko na ibinuhos ang atensyon ko ro'n dahil alam ko namang sayang lang sa panahon ang pumatol sa mga bagay na gano'n kababaw.
It's true anyway. I'm with Leion now.
I'm with him now.
Pero nakaka-guilty na habang tumatagal, napapansin ko na mas'yado ko nang ginugugol ang oras ko sa pagtulong kay Mama. I know that I shouldn't be guilty about it. Tinutulungan ko naman ang sarili kong ina. But everytime I see Leion, kapag magkasama kami, pakiramdam ko, hindi ko na nagagawang ibigay sa kan'ya 'yung atensyong dapat sa kan'ya ko ibinibigay.
We're a couple... but I am not as fun as before. I go to his practices, minsan ay hindi nakakapunta dahil kailangang samahan si Mama sa ospital, pero pakiramdam ko, kapag magkasama kami, wala kaming ibang iniisip kundi ang tungkol sa problema.
I hated it.
Kasama ko si Iñigo habang papunta sa sasakyan n'ya. Papunta kasi kami sa St. Agatha University dahil sa commissions. I was busy with my phone, tinatawagan si Leion.
Muntik ko pang makalimutan ang tungkol sa naka-usap ko sa St. Agatha University kung hindi lang ipinaalala ni Iñigo. Hindi agad sumagot si Leion sa tawag ko. He's probably busy with practicing kaya hinayaan ko na muna.
"Baka naglalaro." Iñigo said as he parked in front of the cafe na nasa harap ng SAU.
Tumango ako.
"He'll call later, for sure." I said.
Si Iñigo ang nagdala ng canvas. I was busy contacting the customer habang papasok na kami sa cafe. Nang tuluyan kaming makapasok, agad kaming na-upo sa isa sa mga bakanteng tables.
"I'll order." Sabi ni Iñigo.
Tumango ako at sinabi sa kan'ya ang inuming gusto ko. The customer said that he's already on his way, patapos na rin kasi ang klase n'ya kanina. Malaki ang ibinayad n'ya para sa painting na dala namin ni Iñigo. Maayos ding kausap. I was really thankful that he appreciated my work.
When Leion called, I immediately answered his call.
Humihingal si Leion sa kabilang linya, halatang galing sa isa sa mga drills na ipinagagawa ng coach nila. Hindi ko kasi nasabi sa kan'ya kanina na hindi ako makakapunta sa practice n'ya ngayong araw dahil nalimutan ko ang tungkol sa customer ngayon.
"Hi." Bati ko at nakaramdam agad ng guilt.
"Where are you?" He asked.
"Hindi kita masasamahan, Li." I said and I closed my eyes.
Nag-iisip ako ng puwedeng pangbiro para sana pagaanin lang ang usapan pero wala akong maisip. All I can think about is my guilt.
That I should be there with him, watching him play so I could still spend time with him kahit na naglalaro s'ya at nanonood lang naman ako.
BINABASA MO ANG
Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)
ChickLitHeartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a stranger to Nicodaine Aceves, the fun, bubbly, and loud student of the Arts and Design track. Walang...
