Chapter 28
Iñigo was disappointed with my decision. Alam kong 'yon ang nararamdaman n'ya pero hindi na lang n'ya sinasabi dahil iniintindi n'ya ang kalagayan ko.
Madalas ang pagpunta ko sa ospital. Sinubukan ko ring ayusin ang negosyo ni Papa but it seems like it was already crumbling down. May mga utang pa si Mama.
Examinations came.
I did well.
I hope.
I was busy finding a part-time job kaya hindi ako nakakapag-aral nang maayos. I got one just near our house. Fast-food chain iyon at tumatanggap ng senior high school student.
Hindi ko nakikita si Leion dahil kung hindi ko s'ya sasadyain at hindi n'ya ako sasadyain, hindi talaga kami magkikita lalo pa't abala na s'ya sa practices ng basketball team.
It was hell for me after the examinations because suddenly, Eva told our teacher in Filipino that I did not help with finishing the project. She erased my name on it and made me look like a freeloader.
Iñigo was mad at her. But she was serious about dropping me. When I checked the project... iba na ang plot. Iba na ang mga linya. Wala nga akong ginawa ro'n ni isang salita.
I got confused. How the hell did that even happen?
Of course, I tried to talk it out with my teacher. I felt so ashamed of myself but I knew I needed to talk to him so I could pass the subject. Core subject ang Filipino. I can't just ignore it.
Sir Bartolome was sorry for me. He was kind and understanding. Sinabi n'ya sa aking naniniwala s'ya sa sinabi ko but he encouraged me to do a separate project so that I could have a grade. I was thankful but I can't help but feel really tired.
Ni hindi ko na magawang magalit kay Eva. Kahit na galit na galit si Iñigo, ako pa ang umawat at sinubukan ko pang ipagtanggol si Eva.
Baka kasi nagalit talaga s'ya sa akin at hindi na alam kung paano ako kakausapin para sa project. Kaya baka gumawa na lang s'ya ng mas maayos. Kaya baka tinanggal n'ya ako.
I don't want to dwell in it. Anger is a burden. It feels heavy. Sa bigat ng nararamdaman kong pag-aalala para kay Mama, idadagdag ko pa ba ang galit ko para kay Eva?
Hindi ko nga lang alam kung saan ko pa isisiksik ang project.
During my break times, I write. During class hours, I try to sneak and do some commissions. At pagkatapos ng mga klase, I go to my part-time job.
Sinubukan akong tulungan ni Iñigo sa project at ipinagpatuloy ang paggawa ng commissions. Ang laki ng itinulong n'ya sa akin at inaamin kong napapagaan n'ya ang lahat ng bigat na nararamdaman ko. Natapos namin ang project at naipasa naman on time. I was very grateful of him. But every time that I'll go dramatic with him, he'll just curse me and tell me that I owe him. Pero kapag sinusubukan ko namang i-treat s'ya, laging may paraan para tumanggi.
Kumalat din ang tungkol sa kalagayan ni Mama kalaunan dahil idinadahilan ko na kapag kailangan kong pumunta sa ospital. Hindi kasi ako maka-attend sa mga events dahil madalas na naisasakto sa schedule ni Mama sa ospital.
Tuwing may group works, I try so hard to contribute, but I can feel that they were going easy on me. They were being considerate. Hindi nila ibinibigay ang mabibigat sa akin. Halata ko 'yon lalo na sa mga tingin nila.
I felt small.
But I was thankful because I knew I needed it.
Aanhin ko pa ang pride ko?
BINABASA MO ANG
Perfect Heartbreaker (Heartbreakers Series #2)
ChickLitHeartbreakers Series #2: Leion Eleazar Zendejas Despite being popular because of his academic standing and good looks, Leion Eleazar Zendejas was a stranger to Nicodaine Aceves, the fun, bubbly, and loud student of the Arts and Design track. Walang...
