Eireen Pov.
Hindi ko alam kung ano pinasok ko ngayon araw. Basta nakikita ko na lang ang sarili ko nakaupo sa passenger seat at pilit na pinapakalma ang sarili. Well, kanina pa naman niya binitawan ang kamay ko pero hindi ko alam kung bakit hindi ako mapakali ngayon.
Meron bumabagabag sa'kin na hindi ko maintindihan o maipaliwanag man lang. Kaya nang tumigil ang sasakyan ni Ivan at tumingin sa gawi ko ay mabilis ko nilipat ang tingin ko sa labas.
"Something bothering you. What is it Eireen?"
"N-nothing." mabilis na sagot ko. Nakita ko sa gilid na mata ko ang pagiling niya sa'kin at pagsilaw ng ngiti niya.
"Relax Eireen. I'm just your boss not a criminal o what so ever. Hindi naman kita kakainin eh." he chuckled.
Sinundan ko siya ng tingin ng umikot siya sa harapan ng sasakyan at pinagbuksan ako ng pinto. Sandali ako natulala sa kanya kaya pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Ano na Eireen? Tutunganga ka lang ba dyan? Sayang ang oras. Gusto pa naman kita kasama." he said and held my hand.
Hinayaan ko nalang siya tutal lutang rin naman ako. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako pero ang pangit naman kung wala ako sa sarili habang nandito si Ivan kasama ko.
Kaya habang hindi pa kami pumapasok ay sinubukan ko huminahon. I took a deep breath and try to smile.
"Thanks God ngumiti ka rin." he said and pinched my cheeks.
Nang pumasok kami ay mabilis kami binati ng receptionist at dinala kami sa isang maayos na table. I look around and saw how the place was fine. Inalalayan ako ni Ivan umupo bago ngumiti sa'kin.
"What do you want?" He asked.
"Whatever your order is fine with me." I said while looking at the window.
Napangalumbaba ako habang iniisip sila nanay at tatay. Hindi ko alam kung ano pumasok sa mga kokote ng mga iyon kung bakit hinayaan nila ako sumama kay Ivan. Maybe because he's my boss and they don't choice but to say yes.
"Are you really okay Eireen?"
Kusa ako nagulat ng hawakan niya ang kamay ko at marahan niya pinisil iyon. " Kung ano man ang nagpapalito sayo. Sana naman kalimutan mo muna cause I wanted to spend my time in our first date."
Gusto ko sana tanggalin ang kamay niya pero humigpit ang pagkakahawak niya. Ngumiti lang ako at tsaka dahan-dahan tumungo. Umangat ang gilid ng labi niya at nakita ko ang saya sa mga mata niya.
Habang hinihintay namin na dumating ang mga pagkain. Someone caught my attention. Tumigil ang isang SUV at may lalaking bumababa mula roon. Mabilis siya umikot papunta sa kabilang pintuan. Hindi na ako nagulat doon ng makita kong may magandang babae bumababa mula roon.
MJ was smiling at her while his hand snaked around her waist. Kumulo ang dugo sa nakita. Nangunot ang noo kong iniwas ang paningin. What is he doing here? Tsaka bakit may kasama pa?
"Can we move to another restaurant?"
Tumigil si Ivan sa pagsasalita at takang tinitigan ako. " Why you don't like this place?"
"A-hmm. H-hindi naman sa ganoon pero may alam kasi akong mas maganda eh."
"Pero nakaorder na tayo ng foods--"
"I-take out na lang natin." singit ko at itatas ko sana ang kamay ko para tumawag ng waiter pero nanlaki ang mata ko ng makitang papunta na sila MJ sa gawi namin.
Nahuli kong seryosong nakatitig sa'kin habang nakaalalay ang kamay niya sa baywang ng kasama niyang babae. Umirap ako sa isip ko at hindi ko pinansin ang tingin niya.
BINABASA MO ANG
Book Two [NPMOB] Naughty Princess Turned Ordinary Girl
Teen FictionMay kahahantungan kaya ang love story nila MJ at Eireen o may bagong papasok sa buhay nila? Ang tanong ? Sila parin kaya sa huli o hindi? Paano kaya nila ipagpapatuloy ang love story nila kung patuloy parin magagalit si Eireen kay Mj? Let's see...
![Book Two [NPMOB] Naughty Princess Turned Ordinary Girl](https://img.wattpad.com/cover/70409406-64-k805531.jpg)