Chapter 2 Care with Love

959 25 0
                                    

Eireen Pov.

Napangiti nalang ako ng mapakla pagkatapos ko punasan ang mga tuyo kong luha.

Grabe, ilang oras na ba ako dito?   Siguro maghapon na ako dito but who care's?  Wala naman nagmamahal sa'kin..

Maya-maya lang nagulat ako ng bigla bumuhos ang malakas na ulan.. "Great?  Bakit nakisabay ka pa ulan sa pagiging emotera ko? "

Napabuntong hininga nalang ako  habang pinagmamasdan ang buong paligid na unti-unti na nababasa ng ulan.. Napangiti nalang ako ng maalala ko si Dad.  Naalala ko nung bata pa lang ako palagi ko kalaro si Dad tuwing naulan...pero nawala ang  ngiti ko sa akin labi ng maalala ko yung araw na mawala si Daddy..

Napatingala ako sa kalangitan at naramdaman ko mainit na likido na tumulo sa pisngi ko..  Habang tumatagal nahihilo na ako..  Mga ilang minuto din ako nakatingala sa kalangitan bago ko naisipan ipikit ang aking mata...

Lord alam ko po may plano kayo para sa'kin lalong-lalo na sa problema kong ito.. Pero sana maranasan ko maging masaya at maranasan ko rin na may tunay talaga nagmamahal sa'kin..

Maya-maya lang hindi ko maiwasan magtaka ng wala na akong maramdaman na pumapatak na ulan sa mukha ko..  Kaya unti-unti ko minulat ang aking mata pero nakaramdam ulit ako ng pagkahilo kasabay ng pagsakit ng ulo ko.. Kaya wala ako masyadong makita kundi imahe ng isang lalaki.. 

"S-sino ka? "

Pagkasabi ko ang katagang iyon hindi ko namalayan na nakahiga na pala ako, siguro dahil sa nararamdaman ko pagkahilo pero bago ako mawalan ng malay may narinig akong boses ng lalaki pero alam ko sa sarili ko  kung kaninong boses yun..

"Jane... Gising..  Gumising ka.. "


*********

Kumunot ang noo ko nang maramdaman ko malambot na ang hinihigaan ko..  Unting-unti ko minulat ang aking mata.. Sinubukan ko bumangon pero hindi pa ako nakakabangon ng nakaramdam ako ng pagkirot ng ulo ko..

"Gosh ano ba nangyari? "tanong ko sa sarili ko. Kinapa ko ang sarili at napakagat ako ng labi ko ng mapagtanto ko na may sakit ako pero ang tanong sino ba ang nagdala sa'kin dito? Bakit hindi ko maalala?

Bigla pumasok sa isip ko ang boses ng lalaking iyon.. Alam ko hindi ako nagkakamali, ang bosea na iyon ay kay..

"Gising ka na pala..  Kamusta pakiramdam mo?  Okey ka na ba? "

Napairap nalang ako ng biglang pumasok si Mj at sunod-sunod nagtanong sa'kin.  "Ano okey ka na ba? "tanong niya kasabay ang paghipo ng noo at leeg ko. Hindi ko tuloy maiwasan makaramdam ng konting saya sa dahil nagaalala siya sa'kin..

"Okey lang ako kay pwede ba huwag ka maging OA d'yan.. " sambit ko sakanya.  Napansin kong napahugot siya ng malalim na paghinga kasabay ng pagaliwalas ng mukha niya..

"uhmm.. Oo nga pala pinagluto nga pala kita ng lugaw,kaya teka lang ah?"

Tumungo nalang ako bilang sagot. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang maramdaman ko pagkalabas niya sa kwarto ko. Mahirap man aminin pero masaya ako dahil nakasama ko na ulit siya sa ganitong sitwasyon pero hindi ko parin maalis sa isip ko na galit ako sakanya..

Napatigil ako sa pag-iisip ng pumasok ulit siya sa kwarto ko.."Pasensya na kung natagalan ako ng 1 minute."sambit niya. Hindi ako nakasagot ng itapat niya sa harapan ko yung kutsyara'ng hinihipan niya ..

"Say ahhh.."

"Seriously?"sambit ko. Napatungo siya bilang sagot sagot sa'kin kaya hindi ko napigilan mapanganga. Nagmumukha akong bata dahil sa ginagawa niya eh?

Book Two [NPMOB] Naughty Princess Turned Ordinary Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon