Eireen Pov.Napahinga ako ng maluwag ng marating ko na ang puntod ni Daddy. Ilang araw na akong hindi bumibisita dito.
"Dad kamusta na ? Okey lang ba yan sa langit? Masaya ba yan?pwede bang sumama nalang ako diyan para kahit papaano makasama ko kayo?"
Napatawa nalang ako sa mga pinagsasabi ko. Gosh nababaliw na yata ako kung anu-ano nalang ang mga pinagsasabi ko. Masyado ko lang pinapaasa ang sarili ko. Napagdesisyon ko humiga sa tabi ng puntod ni Daddy tutal natatapatan naman ito ng malaking puno ng akasya kung kaya't hindi masyadong mainit sa pwesto ng puntod ni Daddy.
"Daddy hihiga muna ako dito dahil napagod po ako sa mga nangyayari..."sambit ko. Napatingin ako sa kalangitan at hindi ko maiwasan mapangiti sa tuwing naalala ko ang pagsasama namin ni Dad. "Sa totoo lang Dad I can understand kung bakit ba napakumplikado ng buhay.. Oo mahal ko si MJ pero nanaig parin sa'kin ang galit lalo't na nakipaghiwalay siya sa'kin..."
"Siguro nga mas mabuti pa nakipaghiwalay siya sa'kin ng maaga dahil alam ko naman na ipagtatabuyan ko parin siya tsaka para makasama namin ang mga tunay namin magulang.."
"Baka sadyang hindi kami para sa isa't-isa kaya nangyari ang ganitong bagay.." Sambit ko. Maya-maya nakaramdam ako ng antok kung kaya't unti-unti ko pinikit ang mga mata..
"Sana Dad magpakita ka sa aking panaginip.."
Third person Pov.
Napahugot ng malalim ng hininga si Mj at tila naguguluhan sa mga nangyari pagkatapos nila mag-usap ng kanyang ina. Totoo aalis siya sa bansa at magtungo sa America. Hindi niya alam kung magtatagal ba siya duon o hindi.
''Kuya daan muna tayo sa cemetery .."
Pakiusap niya sa driver nila. Tumungo lamang ang driver kay MJ. Sa ganitong buhay hindi siya sanay na tinuturing na prinsipe dahil sana'y siya na siya mismo ang kumikilos para sa sarili niya..
Hindi niya intensyon na hiwalayan si Eireen sa katunayan nga gusto niya makipag-ayos ngunit wala siya magawa dahil may usapan sila ng kanyang ina..
"Sir nandito na po tayo."sabi ng kanyang Driver.. "Sige manong salamat.. Hintayin nyo nalang ako.."paalala niya sa kanyang driver.
Napabuntong-hininga siya bago niya kinuha ang bulaklak na binili niya kanina. Balak niya bisitahin ang kanyang tunay na ama bago siya umalis. Tumungo siya sa puntod ng kanyang ama pero hindi niya inaasahan na makikita niya ang babaeng mahal na mahal niya.
"Jane?"sambit niya sa sarili niya. Nakita niya itong mahimbing na natutulog kung kaya't hindi niya maiwasan mapangiti dahil sa katunayan niya ngayon lang niya ulit napagmasdan ang dalaga simula ng umalis ito sa kanilang bahay..
Tahimik siyang tumibi sa pwesto ng dalaga at tahimik niya rin ito pinagmasdan. Sa mga oras na iyon hindi niya napigilan ang kanyang sarili na halikan niya sa noo ang dalaga.
Kinabahan siya ng gumalaw ito ngunit nakahinga siya ng maluwag dahil kahit papaaano hindi ito nagising.. Hindi niya naiwasan maging malungkot dahil aalis nga pala siya at malapit na siya magflight.
Dahan-dahan niya hinaplos ang mukha ng dalaga.. "Sana mapatawad mo ako sa mga nagawa ko sa'yo ngayon at sana sa pagkikita ulit natin magawa mo na akong patawarin at makakaasa ka na ikaw lang.. Ikaw lang mamahalin ko kaya sana may mababalikan pa ako Jane.."sambit ni MJ bago niya ulit hinalikan sa noo.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at inilagay sa mga bulsa niya ang kanyang kamay. " Dad maraming salamat.. "Bulong niya sa hangin.. Tinignan niya muli ang dalaga at malungkot na ngumiti dito..
"Paalam Jane.."sambit niya bago siya naglakad palayo.. Palayo sa kinaroroonan ng dalaga..
Eireen Pov..
"Paalam Jane.."
Napamulat ako ng marinig ko ang boses na iyon. Nilibot ko ang paningin ko sa piligid at bahagya na napakunot ang noo ng wala naman tao sa paligid ko.
"Guni-guni ko lang siguro iyon.."bulong ko sa aking sarili dahil napakaimposible naman na boses iyon ni Mj 'di ba at imposibe din na pumunta siya dito. Dahan-dahan ako bumangon. Napasinghap ako ng nagdidilim na ang buong paligid at dali-dali ko inayos ang aking sarili pero may naagaw ng atensyon ko..
May bulaklak.. Nakakapagtaka naman-eh hindi naman ako nagdala ng bulaklak dito.. T-teka hindi kaya pumunta si MJ dito? Tsk.. Erase .. Erase.. Hindi siya pupunta dito dahil wala siyang time para pumunta..
"Baka siguro hindi ko lang napansin na may bulaklak dito..''bulong ko sa sarili ko.. Tama baka hindi ko lang nakita..
Nagmadali akong kumilos dahil talagang dumidilim na.. Baka mamaya may nakasalubong ako na white lady.. Huhu.. Kakatakot.. Ayoko sa lahat ay ang mga multo..
Napahinga ako ng maluwag ng makalabas na ako ng cemetery.. Maglalakad na sana ako ng mapansin ko may batang tumatakbo sa kalsada at tila may hinahabol.. Napalaki ang mata ko ng mapansin ko may paparating na truck sa direksyon ng bata .. Kaya dali-dali ako nagtungo sa direksyon ng bata.
Nang natapatan ko ang bata ay dali-dali ko ito tinulak..
Peeeeppppppp..
Napatingin ako sa kinagagalingan ng ingay na iyon at parang bumagal ang pagtakbo ng oras ko hanggang sa naramdaman ko nalang ang masakit na bagay na humampas sa buong katawan ko..
Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip ko basta ang alam ko ay iniligtas ko ang bata. Sumakit ng bahagya ang ulo ko at kasabay ng paglapit ng tao sa kinaroroonan ko.
May sinasabi siya ngunit wala ako naririnig.. Napangiti ako ng mapakla .. Nakaramdam ako ng pagkahilo at unti-unti nanlalabo ang paningin ko.. Dahan-dahan ko pinikit ang aking mata at wala na akong naalala pa..
Katapusan ko na ba?

BINABASA MO ANG
Book Two [NPMOB] Naughty Princess Turned Ordinary Girl
Roman pour AdolescentsMay kahahantungan kaya ang love story nila MJ at Eireen o may bagong papasok sa buhay nila? Ang tanong ? Sila parin kaya sa huli o hindi? Paano kaya nila ipagpapatuloy ang love story nila kung patuloy parin magagalit si Eireen kay Mj? Let's see...