Eireen Pov.
Three years ago..
"Eireen, anak mag-iingat ka ah?"
Hindi ko maiwasan mapangiti dahil hanggang ngayon masarap para sa'kin na may mga tao nag-alala sayo at may nagmamahal.
Tatlong taon ng lumipas at marami na nagbago...
"Anak, may problema ba?"tanong ulit sa'kin ni Inay. Umiling ako at ngumiti sakanya. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya ng labis ng pagtataka dahil ngiti lamang ang akin nasasagot ko.
Huminga ako ng malalim at agad ko niyakap ng mahigpit si Inay ng siyang dahilan kung bakit si tumawa.. Hayy.. Masarap parin sa pakiramdam na mahal na mahal ako ng aking Ina.
"Inay hanggang ngayon sobrang saya ko dahil kayo ang Inay ko."malambing na sambit ko. Naramdaman ko ang paghaplos niya na mas lalong nagpagaan ng dibdib ko..
"Ano ka ba anak? Syempre mas maswerte ka dahil dumating ka sa buhay namin ng Itay mo kaya sana huwag mo naman isipin ang mga walang kabuluhan na bagay.."
"Opo Inay alam ko po iyon.."nakangiting sambit ko bago ako kumalas mula sa pagkakayap sakanya.. "Oh, siya pumasok ka na sa trabaho mo baka matanghali ka na..."sambit ni Inay.. Tumango nalang ako bilang sagot bago ako nagpasya umalis na ng bahay..
Sa tatlong taon na lumipas sobrang dami na talaga nagbago lalo na sa pagkatao ko. Pagkatapos kasi ng aksidente na iyon na sadyang hindi ko inaasahan, may isang bagay lang ako napagtanto yun ay....
Mahalaga para sa isang tao ang buhay at sobrang swerte ko dahil binigyan ako ng second life..
Kaya sa pangalawang buhay ko na ito ay hindi ako magkakamali na sayahin ito sa walang kabuluhan na bagay.. Alam ko naman na may mga taong gusto mabuhay ng matagal dahil sa sakit nila.. Kaya eto ako ngayon ini-enjoy ko lang ang bawat oras na lumilipas at maswerte parin ako dahil naka-survive ako sa accident na iyon eh..
..at ang taong nakasagasa sa'kin? Guess what? Siya pa ang naging dahilan kung bakit may trabaho ako ngayon. Actually working student ako.. One year nalang graduate na ako.. At siya din sumagot sa lahat ng gastusin ko sa pag-aaral kahit na sobrang nakakahiya na..
Wala naman ako magagawa kung kusang offer 'di ba? Kahit labag sa kalooban ko noon na tanggapin iyon dahil hindi ako sanay na tumanggap ng tulong ay wala akong magawa kundi tanggapin iyon..
Isa lang naman ang naging dahilan niya eh.. Gusto lang daw niya bumawi dahil siya daw ang makabangga sa'kin.. Ang bait 'diba? Pero nangako ako sa sarili ko na babawi ako sakanya...
"Ma'am nandito na po tayo.."
Bumalik ako sa reyalidad ng sabihin iyon ng taxi driver. Tumingin ako sa bintana at napatungo nalang ako dahil nandito na pala kami. Ang bilis ng oras hindi ko man lang nasabi na sumakay ako ng taxi at nandito kami sa pinagtratrabuhan ko,ano?
"Salamat po,Manong eto po bayad oh?"sambit ko sabay abot ng bayad. Huminga ako ng malalim bago ako bumaba sa taxi..
"Ma'am sukli nyo po.."sambit sa'kin ng driver.. Inabot niya sa'kin ang sukli ko pero hindi ko iyon tinanggap.. "Huwag na manong keep the change nalang po.."nakangiting sambit ko..
"Salamat iha.. Pagpalain ka sana ng diyos.."
"Haha.. Salamat po.."
Tumungo lamang sa'kin ang driver bilang sagot bago niya pinaandar ang kotse niya.. Hindi ko maiwasan mapangiti habang tinitignan ko ang papaalis na sasakyan..
Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag may natutulungan kang ibang tao..
"Hoy... Eireen ano ginagawa mo d'yan?"
"Ayy.. Palaka...!"
Hindi ko napigilan ang aking sarili na magulat.. Napahawak ako sa dibdib ko. Napasulyap ako sa pinaggagalingan ng boses na iyon at hindi ko maiwasan mainis ng makita ko kung sino iyon..
"Pfft...Epic Face! Haha"
Tinignan ko siya ng masama ng makitang pinagtatawanan niya ako pero hindi man lang siya natinag. Tignan mo 'to hindi man lang makuha sa tingin.Napailing nalang ako.
Lakas talaga ang pagkabaliw ng babaeng ito ---__---
''Bahala ka nga d'yan sa buhay mo!"inis na sambit ko bago ako nagsimula naglakad at nilampasan lamang siya.
"Huy.. Eireen niloloko lang naman kita e..."narinig kong sambit niya. Hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakapasok na ako sa café..
"Eireen? Yoohoo? Bati na tayo please? Pretty pleaseee..?"
Napairap nalang ako. Grabe dumadali na naman ang pagkaka-isip bata niya.. "Eireen?... Eireen? Eire---oh hi boss!?"
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi ng magaling kong kaibigan..
"Bea may problema ba dito?"narinig kong sambit niya.. Hindi ko magawang lumingon o humarap dahil nakaramdam ako ng hiya. Gosh.. Paniguradong papagalitan na naman kami nito!
"Ah.. Ehh.. Boss kasi si Eireen hindi ako pinapansin eh.."parang batang sambit niya sa boss namin.. Nakakainis talaga! Umiling nalang ako at humingi ng malalim. Dahan-dahan ako humarap sakanila at ngumiti ako ng pilit.
Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya dahil sa pekeng ngiti ko..
"Uhm... Boss .. H-uwag nyo nalang po pansinin si Bea dahil sadyang wala magawa lang yan sa BUHAY niya!"sambit ko at diniinan ko pa ang pagkakasabi ko ng BUHAY. Sinulyapan ko si Bea at nakita ko itong nakanguso.
Napailing nalang ako sa ginawa niya.. Kulang nalang talaga hugutin ko ang nguso niya para magmukha na siyang pato e...
"Kung ganun naman pala Eireen.. Bakit pa siya pumasok sa café ko kung wala siya magawa sa buhay niya?"
Hindi ko maiwasan matameme sa sinabi niya. Kung sabagay palagi naman siya namimilosopo kaya sanay na ako pero hindi ko parin ako sanay sa pagiging masungit niya! Ibang-iba siya kay Sir Jeff kasi yung tatay niya sobrang bait at siya ang tinutukoy kong nakabangga at tumulong sa'kin..
"I'm sorry po, boss.."paumanhin ko. Tinignan niya lamang ako ng masama tsaka napailing.
"Mag trabaho na kayo.."matabang na sambit niya bago siya nagsimula maglakad at nagtungo sa office niya.
"Ang sungit talaga ni Boss daig pa ang babaeng nireregla.. Ano masasabi mo Eireen?"
"Ewan ko sa'yo.."inis na sambit ko at inirapan siya. Nakita ko ang nguso niya kaya napailing nalang ako. Bakit ba palagi niya yan ginagawa yan? Nakakainsulto talaga minsan..
Sa pangalawang pagkakataon.. Ngumuso ulit siya at hindi pa nakuntento at nag-puppy eyes pa. Napailing ulit ako. Pansin ko lang.. Napapadalas na yata ang pagiling ko ngayon araw na 'to?
"Eireen.. Bati na tayo please?"narinig kong sambit niya. Tinaasan ko lamang siya ng kilay ng siyang dahilan kung bakit pa siya ngumuso..
"Umayos ka nga para kang bata!"inis na sambit ko bago ako napagdesisyonan na umalis sa harapan niya at magtungo sa locket ko para makapagpalit na ako ng uniform ko.
Minsan pumapasok sa isip ko kung bakit ang sungit-sungit ni Boss Ivan? Siguro broken hearted yun? Hmm .. Baka may pinagdadaanan lang kaya ganun yun? Tsk.. Bakit ko ba inaalam?
Hayy makapagtrabaho na nga...
*******
Pasensya na kung ngayon lang nakapag-update buong linggo kasi nagready ako para sa exam namin pero natutuwa ako dahil sa nagmessage sa'kin at kinukulit ako mag-update kaya nagupdate na po ako. So maraming salamat po!
-labyah!
![](https://img.wattpad.com/cover/70409406-288-k805531.jpg)
BINABASA MO ANG
Book Two [NPMOB] Naughty Princess Turned Ordinary Girl
Teen FictionMay kahahantungan kaya ang love story nila MJ at Eireen o may bagong papasok sa buhay nila? Ang tanong ? Sila parin kaya sa huli o hindi? Paano kaya nila ipagpapatuloy ang love story nila kung patuloy parin magagalit si Eireen kay Mj? Let's see...