Ilang buwan na din ang lumipas simula ng mawala na si Daddy pero bakit hindi ko parin matanggap lahat ng katotohanan na nalaman ko sa pagkatao ko? Bakit hindi nalang ako ang tunay na anak nila Mommy at Daddy?
Napangiti nalang ako ng mapakla.. Kaya pala.. Kaya pala ganun nalang ang trato sa'kin ni Mommy? Pero sa lahat ng magiging tunay nilang anak bakit yung lalaki pang minahal ko sa buong buhay ko? Ganun ba talaga ka-saklap ang buhay ko o sadyang malas lang ako?
"Daddy naman eh, bakit kasi iniwan nyo ako ng puno ng katanungan? Bakit bigla-bigla nalang kayo nawawala ,eh hindi nyo pa nasasagot lahat ng gusto kong itanong sa'yo"
Napakagat ako ng labi dahil gusto kong pigilan ang bawat paghikbi ko.. Dali-dali ko pinunasan ang mga luhang kanina pa tulo ng tulo..
"Jane? "
Natigilan ako sa pagiyak at nakaramdam ako ng galit ng marinig ko ang boses na iyon..
"Tara na umuwi na tayo? "sambit niya.. Hindi ko maiwasan mainis dahil sa pinapakita niyang pag-alala sa'kin.. Kaylan pa siya nag-alala sa'kin. Napatawa ako ng mapakla..
"Ano ba paki-alam mo? Tsaka bakit ba nandito ka huh? "
Pinili kong maging matigas sa harapan niya. Tumayo na ako at pinunasan ang huling luhang pumutak sa pisngi ko.. Ayoko na.. Ayoko na maging mahina dahil lang sa taong mahal ko!..
Naglakad ako patungo sakanya.. Wala akong pinakitang kahit anong emosyon sakanya.. "Eto tandaan mo Michael Jerome Davis or should I say Sueng dahil IKAW naman tunay nilang anak at hindi ako.. Hindi ka magiging masaya kahit anong gawin mo.. " sambit ko.. Nginitian ko siya ng mapakla bago ako umalis sa harapan niya.. Habang paalis ako sa lugar na ito nakaramdam ako ng kurot mula sa puso ko..
Siguro nga MJ hindi tayo para sa isa't-isa dahil sa ngayon hindi na pagmamahal ang nararamdaman ko sa'yo kundi matinding galit kaya I'm sorry dahil...
Hindi ako deserve sa pagmamahal mo..
********
Pasensya na guys sa prologue niya hahaha.. Part two po ito ng NPMOB..
Sana magustuhan nyo kaya.. Enjoy.....
BINABASA MO ANG
Book Two [NPMOB] Naughty Princess Turned Ordinary Girl
Teen FictionMay kahahantungan kaya ang love story nila MJ at Eireen o may bagong papasok sa buhay nila? Ang tanong ? Sila parin kaya sa huli o hindi? Paano kaya nila ipagpapatuloy ang love story nila kung patuloy parin magagalit si Eireen kay Mj? Let's see...