Chapter 9: Thankful

723 23 0
                                    


Eireen Pov.

"Eireen may assignment ka na?"

Napasulyap ako kay Claire. Oo si Claire. Nasa school kasi ako at kailangan ko pumasok sa tatlong subjects ko bago ako pumasok sa work ko later.

"Oo bakit?"tanong ko sakanya. Bigla lumiwanag ang mukha niya ng malaman niyang may assignment ako. Tignan mo 'toh? Masyadong obvious na walang assignment para sa physics.

"Uhmm... Pwedeng pakopya?"tanong niya. Napailing nalang ako. Hanggang ngayon wala parin siya pinag-bago... Ugali niya noon, ugali niya parin ngayon. Haisst..

"Tsk..."sambit ko. Dali-dali ko kinuha ang notebook ko at binigay sakanya. Kinuha niya rin agad at dali-dali kinopya. Napangiti nalang ako sa wala sa oras..

Masaya ako dahil hindi nag-bago ang turing niya sa'kin after 3 years ago. Kahit alam niya na anak mahirap lamang ako ay binalewala lamang niya iyon dahil sabi daw niya kahit pulubi daw ako ay ako parin ang bestfriend niya masungit, pasaway, maganda(syempre maganda naman talaga ako...)at higit sa lahat malaprinsesa  but this time I'm different because..

Sanay na ako kumikilos sa sarili ko na, kaya ko na gumawa ng mga bagay-bagay na hindi ko nagagawa noon at higit sa lahat kaya ako ng mag-sacrifice para lang sa mga magulang ko at lalo na sa dalawa kong kapatid. I'm happy to being what I am now.

"Eireen, are you okey?"

"Huh?"bulalas ko. Napatingin ako kay Claire na nakakunot ang noo at mukhang nagtataka kaya hindi ko din maiwasan magtaka. Problema nito?

"Bakit? May mali ba d'yan sa assignment ko?"

"Wala naman pero sayo... Oo may mali sa mga ngiti mo.. Teka lang. May something ba na hindi ko alam?"

"Something? Hellow.. Wala nuh.!"tanggi ko. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sakanyang labi na para bang may binabalak. "Wala nga ba? Oo tinatago mo lang?"aniya. Nagulat ako ng ilapit niya ang mukha niya sa'kin kaya napaatras ako.

"A-ano bang ginagawa mo Claire?"nagtatakang tanong ko sakanya. ''Hmmm.. Tinitignan ka kung nagsisinungaling ka ba o hindi."sambit niya. Napairap nalang ako at inilayo ang mukha niya sa'kin.

"Ano ka ba Claire! Wala akong tinatago kung nagtataka kung bakit ako nakangiti dahil masaya lang ako kasi kaibigan parin ang turing mo sa'kin.."

Napayuko ako ng sabihin ko iyon pero nagulat ako ng hampasin niya ako sa braso. Tinignan ko siya ng masama at napahimas ako sa braso ko. Ang brutal niya talaga kahit kailan!

"How many times do have I tell you na you are still my BESTFRIEND at wala nag-bago dun! Kaya IKAW huwag ka ano-ano. Understand?"

"Pfft. Yes Mommy.."natatawang sambit ko. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya at nag-crossed arm pa.. "Tsk.. Funny! Ha-ha-ha--"

"BABE!"

Napalingon kaming dalawa ni Claire dahil sa boses na iyon. Syempre lilingon ba kami kung hindi naman kilala ang boses na iyon?

''Babe goodmorning! Alam mo ba   miss na miss na kita kahit kakakita lang natin kahapon..."pa-cute na sambit ni Ian na boyfriend ng magaling kong kaibigan. Tsk..

"Oww... So sweet.."malambing na sambit ni Claire. Napairap nalang ako ng magyakapan silang dalawa sa harapan ko. Hmm.. Sige maglandian pa kayo sa harapan ko! Cheessy!

"Nasusuka ako sainyong dalawa! Umalis na nga kayo!"inis na sambit ko. Napatigil naman sila sa pagyayakapan at tinignan ako ng masama. Mga ugali nila, parehas-parehas! Talagang bagay na bagay sila sa isa't-isa!

"Huwag niyo ako tignan ng ganyan na para bang may nagawa akong kasalanan!"sambit ko. Napasinghap ako ng sabay nila akong irapan at sinabing..

"BITTER/BITTER!"

Hindi ko maiwasan matawa ng sobra. Hindi na nakakapagtaka kung sila talaga ang magkakatuluyan sa bandang-huli..

Kakatapos lang ng tatlong subject ko ay dali-dali ako nagtungo sa Magi Café.. Around 1 to 8 pm ang ship ko ngayon kaya gagabihin ako ng uwi.. Pagkapasok ko sa café naabutan ko si Bea na nag-aayos ng table.....

''Oh, Eireen nandyan ka na pala. Alam ko kagagaling mo lang sa class mo kaya binilhan na din kita ng lunch mo.."

"Huh? Dapat hindi ka na nag-abala pa busog pa---"

"Tumigil ka nga Eireen! Maaga pa naman kaya may time ka pa kumain. Huwag ka mag-alala ako muna bahala dito kaya  kumain ka na.."sambit ni Bea. Napailing nalang ako. Kapag talaga sa ganitong bagay napaseryoso niya.

"Okey.. Salamat.."sambit ko. Nginitian ko siya ng mapasulyap siya gawi ko at agad din niya sinuklian. Kaya wala ako nagawa kundi ang pumunta sa locker ko upang makapagpalit muna ako bago ako kumain..

Hindi nagtagal natapos rin ako kaya dali-dali ako lumabas at nagsimula magtrabaho..

"Eireen order ng nasa table no. 2"sambit ni Bea sa'kin dahil siya ang nasa kusina at ako naman ang taga server or waitress. Hindi ko nga alam kung bakit ito ang binigay na pwesto sa'kin ni Boss Ivan pero wala naman ako magaw dahil siya ang boss.

Sa unang trabaho ko dito medyo nahihirapan ako at hindi ako sanay sa mga ganitong bagay pero kinaya ko. Habang tumatagal ako dito marami ako natutunan na bagay-bagay at unti-unti ko nabibihasa ang katawan ko sa pagtratrabaho.

"Ma'am here's your order.."magalang na sambit ko bago ako bumalis sa counter dahil marami pa ako i-seserve na order.

Buong mag-hapon ganuon lang ako ang trabaho ko at hindi ko maiwasan makaramdam ng pagod pero worth it naman.

Sobrang bilis oras at eto ako ngayon nag-aayos ng gamit ko para makauwi ako ng maaga at maabutan ko pa sila Inay na gasing. "Eireen pinapasabi pala ni Boss Ivan maiwan ka muna may sasabihin lang daw.."sambit ni Bea ng pagkapasok niya staff room.

Kumunot naman ang noo ko at hindi ko naman maiwasan magtaka.." Tungkol saan daw?"tanong ko. Nagkibit-balikat lang si Bea.

Hmmm.. Ano naman kaya sasabihin ni Boss? Nakakapagtaka naman yata?

"Sige.. Una na ako.. Kita nalang tayo bukas.."sabi ni Bea bago nagtungo sa pintuan. "Sige mag-iingat ka at salamat kanina."

"Wala yun.. Maliit na bagay.."

"Sira ka talaga.."natatawang sambit ko. Tinaas niya lang ang kanyang kanang kamay bilang sagot at napailing..

Maya-maya lumabas na ako staff room at hinintay si Boss pero hindi din nagtagal ay lumabas din ng office niya..

"Let's go.."

"Poh?"nagtatakang sambit ko. Napatigil naman siya at tinitigan ako. Hindi ko tuloy maiwasan ng kabahan dahil sa titig na binibigay niya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya napayuko nalang ako..

"Let's have a dinner together.."matabang na sambit niya at nagulat nalang ako ng hawakan niya ako sa kamay at hinila papuntang parking lot.

Gosh, anong  nangyayari?

Book Two [NPMOB] Naughty Princess Turned Ordinary Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon