Chapter 21: Together

207 9 4
                                    

Eireen Pov.

Love is sucks. Love makes people crazy and blind too. Love makes you stupid and numb. Ginagawa kang desperada para ipaglaban ang isang taong hindi para sa'yo. Nagpapaka-martyr kahit sobra sobra na ang sakit na dinadanas. Nagpapakabobo para lang mahalin ng taong mahal niya. Lumalaban kahit sa una pa lang talong-talo na. Wala ng pag-asa.

I hate it when I'm a victim too. Eto ako nakaupo sa passenger seat at sumama sa kanya. Baliw na siguro at pumayag ako sa offer niya. But can you blame me if I really love this man? Kahit anong pilit ko sa sarili ko na tigilan ko na at sabihin sa kanya layuan ako. Eto parin ako sumama at lalaban kasama siya.

Gusto kong maging masaya. Gustong-gusto at kahit sana ngayon lang. Hayaan ako ng tadhana maging masaya.

Tumingin ako sa gawi niya at nang mapansin niya nakatingin ako ay bumaling siya sa'kin. Ginawaran ko siya ng isang sang-ayon na ngiti. Ngumiti siya pabalik at kinuha ang kamay ko sa hita. Hinawakan niya ng mahigit iyon na para bang mawawala ako.

" S-saan tayo pupunta?" tanong ko.

Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang pagkabahala pero mabilis rin nawala iyon. "  Sa malayo... Malayo sa syudad. Malayo kila Mommy. Basta kasama kita." sagot niya.

Dumaan ang saya sa dibdib ko pero nang maalala ko sila Inay ay nataranta ako bigla.

" Sila Inay!"

" Don't worry may inutos ako na pagkakatiwalan para ihatid sila Inay sa Cebu but before we go there. Let's marry first."

Bagsak na. I smiled sweetly at him. Panaka-naka ang tingin niya sa'kin at sa kalsada. Dinala niya ang aking kamay sa labi at masuyong hinalikan iyon.

" I love you and like what I did before. I will do everything for you. For our family Jane." he said that makes me shut my mouth.

Hindi ako umimik bagkus ay tumungo ako at sumang-ayon sa sinabi niya. But my heart melted so much that I wanted to answer him. So, I did.

" I love you too."  I answered.

He stiffened but he manage himself to do not shout. Umangat ang sulok ng labi niya at ilang beses hinalikan ang likod ng palad ko. Malalim na ang gabi pero heto kami patuloy naglalakbay. Palayo sa mga taong pinagkakait ang kaligayan sa aming dalawa. Mabilis na tumingin ako sa taas at humiling.

Lord, gabayan mo kaming dalawa. Please, don't let us ruin again. I love him so much.

Napapikit ako dahil gusto kong magdasal na magdasal pero hindi ko akalain sa pagpikit ko ay makakatulog ako. Sa pagmulat ko ng mata ay maliwanag na at mukhang sisikat na ang araw. Hindi na din umaandar ang kotseng sinasakyan namin. Katulad ko ay nakatulog na rin si Mj kaya napaayos ako ng upo at piniling pagmasdan siya.

Alam kong hindi siya nakatulog ng maayos dahil bakas sa mukha niya ng pagod at stress. Kinagat ko ang labi ko na alam kong ako ang isa sa mga dahilan yun. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya. Tinanggal ko ang ilang hibla ng buhok niya na tumatakip sa mukha at pinagmasdan siya ng maiigi. Maingat ko hinaplos ang mga pisngi niya at ginawaran siya ng isang maiingat na halik sa labi. 

Sumilay ang ngiti sa labi ko ng hulihin niya ang kamay ko tsaka nagmulat ng mata. Sumibol ang kaba sa dibdib ko ng ngumiti siya sa'kin at sinakop ang natitirang distansya sa aming dalawa.

Lumapat ang labi niya sa'kin at di ko sinasadyang napangiti ako. Tinugon ko ang halik niya. Tumigil lang kami ng maghabol kami ng hininga.

" Good morning sweety."

Uminit ang pisngi ko. " G-good morning."

Ramdam ko ang titig niya sa'kin habang nakapikit ako. Nang iminulat ko ang mata ko ay nahuli ko ang saya sa mga mata niya. Alam kong ganun din ang nakikita niya sa'kin kaya hinaplos ko ang mga pisngi niya.

Book Two [NPMOB] Naughty Princess Turned Ordinary Girl Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon