CHAPTER 3.1

105 4 0
                                    


JOON YOUNG woke up with a very terrible headache and... shit, his whole-body aches as well. Idinilat niya ang kanyang mga mata at muli, parang gusto niyang mapamura nang makita kung nasaan siya.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa sahig na katabi ang mga... basurahan.

Wait, what? Basurahan?

God! What the heck happened to him last night?

Hindi na niya matandaan kung ano nga ba eksakto, pero alam niyang nakauwi siya at binuksan pa niya ang pinto ng apartment niya. He barely remembers everything but... there was someone.

Sinapo niya ang kanyang ulo saka hinagod ang kanyang buhok. He's feeling a very terrible headache because of hang over, but he knew that there was someone inside his apartment. Kahit na lasing siya, matalas pa rin ang kanyang memorya.

Bahagya lamang niya nakita nag mukha ng kung sino mang iyon, ngunit hindi pu-pwedeng may tao sa apartment niya! Kaya naman kahit na masakit ang kanyang katawan, bumagon siya at kinalabog ang pinto para buksan iyon.

He tried to punch his password lock, but it didn't work! Kaya naman mas nilakasan niya ang pagkatok sa pinto, para mabulabog ang kung sinomang nasa loob ngayon ng apartment niya.

Parang napakatagal nang ginawa niya paghihintay nang sa wakas ay bumukas iyon at nakita niya ang isang maliit na babaeng nakatitig sa kanya. Parang wala pa ito sa sarili dahil halatang kagigising lamang, ngunit nang makita siya nito para itong biglang natauhan at mabilis siyang pinukpok ng payong na hindi niya namalayang hawak pala nito.

Mabilis niyang itinaas ang kanyang braso para salagin ang ginagawa nitong pagpalo sa kanya, habang pinananatili niyang bukas ang pinto. Of course, kahit na masakit ang ulo niya at may hang over siya, the woman was no match for him.

Nang makuha niya ang timing ay inagaw niya mula sa babae ang payong at hinarap ito. Halatang nagulat ito na wala na itong anumang panlaban sa kanya, ngunit pilit parin nitong isinasara ang pinto.

"Yah, naga!" aniya dito. Ibig niyong sabihin ay lumabas na ito. Hindi niya kilala ang babae at wala talaga siyang maapuhap na memorya kung bakit ito naroroon sa bahay niya.

Ngunit parang hindi madaling sumuko ang babae. Sa halip ay kinagat pa siya nito! Napasigaw siya sa sakit kaya kahit na ayaw niya, kinakailangan niyang itulak ang babae.

"Akala mo ba uurungan kita, lalaking lasing?!" sikmat nito sa kanya na ikinagulat niya. Noon niya lubos na natitigan ang babae at napagtantong hindi ito Koreano. Pilipino ang babae na nasa harap niya ngayon at kahit ayaw niya, bigla siyang nahiwagaan kung bakit ito naririto sa apartment niya. Why the heck would he even bring home a woman, much more a Filipina?

He wondered if she was also the one who put him beside the trash can outside. Sa nakikita niyang panlalaban nito ngayon sa kanya parang hindi malayong ang babae nga iyon. Kung tama ang hinala niya, sinisigurado niyang malilintikan ito sa kanya.

Ngunit hindi iyon ang oras para doon dahil kailangan na niyang paalisin ang babae sa bahay niya. She can't allow any woman to come inside his house. Kaya naman gamit ang lahat ng kanyang makakaya, ay itinulak niya palabas ang babae at isinara ang pinto.

At last! He was inside the house. Inignora niya ang malakas na sigaw ng babae sa labas at paulit ulit nitong pagkatok sa pinto. Ni-lock niya iyon at dumiretso na siya sa loob para lamang muli mapaatras.

Shit.

He looked around the place and recognized... nothing. Walang kahit ano sa lugar na iyon ang nakikilala niya at wala rin sa mga gamit na naroon ang alam niyang pag-aari niya. Ibig sabihin, hindi ito ang apartment niya!

Joon Young swallowed hard when he heard the door lock open. He was panicking internally, but he wouldn't let anyone see it, especially this woman right here who put up a very big fight.

"So? Will you get out now?" Dinig na dinig niya ang pagkakampante ng babae mula sa likuran niya.

He turned around and looked at her. She was smiling triumpanthly as if she won a championship. Nainis si Joon Young sa ngiti nito, ngunit hindi nya hahayaan ang sarili na magpaapekto.

He coolly walked past over her and got out of the apartment. Tiningnan niya ang numero nito na nakasabit sa ibabaw ng pinto and silently cursed.

Sumunod pa ang babae sa kanya sa labas na animo'y ay ginagwardiyahan pa rin nito ang pinto. He clenched his teeth and turned his back on her.

"Hey!" isang malakas na paghaklit sa braso ni Joon Youngang biglang nagpalingon sa kanya. The woman was holding onto him. "Won't you even say sorry?"

Sorry? I'm already embarrassed as it is, why would I say that? Aniya sa kanyang isip. Pero walang anumang salita ang lumabas sa kanya. Kaya naman, matapos itong titigan nang malamig at piksiin ang kamay nitong nakahawak sa kanya, walang lingon likod siyang naglakad papunta sa apartment niya...na nasa kabilang pinto lamang.

Pagpasok niya, ay isinara agad niya ang pinto at iniuntog ang kanyang ulo doon dahil sa lubos na pagkapahiyang nararamdaman ngayon.

"Meowww." Naramdaman ni Joon Young ang pagpaikot ng buntot ng kanyang pusa na si Dokkebi.

He sat down and pick her up. "Right, baby. I had a bad morning. I just wish she doesn't call the police for what I've done."

JOON YOUNG'S LOVE SONG [COMPLETE]Where stories live. Discover now