CHAPTER 15.1

92 2 0
                                    


JOON YOUNG lost count of how many cigarettes he has smoked for today. And to make things worse, he also didn't know how much alcohol he has consumed over the past hour. Ang tanging alam lamang niya ay lumagpas siya sa kanyang limitasyon dahil damang dama niya ang hapdi ng kanyang sikmura, sakit ng kanyang ulo at ang tila pagpuno ng usok sa kanyang dibdib.

Except for those, he was feeling numb all over... almost. Hindi pala manhid ang buong katawan dahil ang utak niya, kahit na lasing na lasing na siya ay gumagana pa naman. Thank whoever God there is, dahil nagawa niyang makauwi sa apartment niya nang walang anumang aberya. He didn't drive, but he had the presence of mind of go up the right floor and locate his own apartment.

But all he has is presence of mind. Dahil nang makita niya ang pamilyar na pinto sa tabi ng apartment niya, ay doon siya tumayo sa halip na sa sariling pinto. He stood there not knowing what to do. He was feeling like a fool because standing there made him hope that the door would open and every single pain consuming his being right now will go away just by the sight of one person.

Ngunit buong gabing hindi bumukas ang pinto.

Alam niya dahil buong gabi rin siyang nanatili sa tapat niyon, naghihintay at umaasa.

Alam niya, hindi niya dapat ginagawa ang bagay na ito. Alam niyang kinokontra niya ang sariling mga salita, but heck. He can only say so much, but he cannot act against it. Dahil muli, parang ginawang napakahirap na bagay ni Julia ang kontrolin niya ang sarili niyang emosyon.

Mula sa kanyang pagkakaupo sa corridor ay nag-angat ng tingin si Joon Young. Nakita niya mula sa veranda ang unti-unting pagsilip ng araw. He smiled bitterly to himself. Buong magdamag siyang naghintay sa labas ng unit ni Julia, gayong nasa kabila lamang naman ang bahay niya at maaari siyang matulog sa kumportable niyang kama.

Tumayo na siya at nagpasyang tigilan na ang ginagawa niyang ito dahil alam niyang wala naman itong kabuluhan. Ngunit bago pa man siya makarating sa kanyang pinto ay narinig niya ang pagtawag ng kung sino sa pangalan niya.

Immediately, his heart perked up the way his hopes started to get high. Ngunit mabilis ding kumalma ang sistema niya nang makita niyang hindi ang taong inaasahan niya ang tumawag sa kanya.

"Park Joon Young-ssi?" ani ng kaibigan ni Julia. Hindi niya maalala kung anong pangalan nito. "jeoreul gieokhada?"

Tinatanong nito kung naalala ba niya ito at tumango siya bilang sagot.

"Hinahap mo ba si Julia?" Tiningnan niya ang babae. Itatanngi sana niya ang totong pakay niya pero muli itong nagsalita. "Wala na siya dito. Bumalik na siya sa Pilipinas."

His heart throbbed with what he heard. "K-kailan pa?"

"The other day," sabi ng babae saka lumapit sa kanya. "Matapos niyang malaman kung sino ka ba talaga." Bago pa siya makapagreact sa sinabi nito ay hinawakan ng babae ang kwelyo niya. "Hindi ko alam kung bakit at ano ang pakay mo kay Julia ngayon matapos mo siyang saktan at lokohin. Kung ako lamang ang masusunod, hindi ko gagawin ang huling bilin niya sa'kin pero kaibigan ko parin siya at siya pa rin ang masusunod."

She let him go and rummaged on her bag. Maya-maya ay marahas nitong inilagay sa kamay nya ang isang pirasong papel. "Kung pupuntahan mo siya, wag kang magkakamaling saktan siya ulit dahil hindi mo alam kung gaano kahirap ang pinagdaanan niya. Ang taong sobrang nagmahal ay sobra sobra din kung masaktan. Sana alam mo kung gaano mo nasaktan si Julia sa ginawa mo."

A little while later he was left alone in the same place he was standing. Tiningnan niya ang ibinigay na papel ng kaibigan ni Julia.

Agad niyang nakilala ang sulat kamay ni Julia. Lumunok siya at tinitigan iyon ng maigi. He opened the letter. Alam kong galit ka sa kanya, pero sana, umuwi ka at makita siya. Kahit sandali lang.

JOON YOUNG'S LOVE SONG [COMPLETE]Where stories live. Discover now