CHAPTER 8.1

102 4 0
                                    


PAGKATAPOS kumain ay buong hapon na inikot ni Julia at Andrew ang distrito kung nasaan sila at nagtanong tanong sa mga naroroon kung mayroong mga nakakakilala kay Park Joon Young o kay Mr. Park mismo. They even went to the nearest police station as well, but just like what happened in Seoul, they were told to just go back for updates.

Hindi rin nakatulong sa pagpapalakas ng loob niya na bawat pagtatanungan nilang mga residente—mapabata o matanda, ay hindi pamilyar ang pangalan o mukha ng litratong ipinakikita nila.

Bumuntong hininga siya. "Bakit ba walang nakakilala kay Park Joon Young dito?"

"It's a common name. Plus, people wouldn't be able to know someone who is old now."

Isang buntong hininga pa. "Maybe we should go home now."

Pailalim siyang tiningnan ni Andrew. "Suko ka na ba?"

Umiling siya, "hindi," sagot niya sa binata ngunit parang mas sa sarili niya iyon sinasabi. "Pero alam kong sapat na muna ng araw na ito para sa paghahanap. Isa pa, okay na ang isang araw na abala ko sayo. Kung babalik ako dito bukas, alam ko na kung paano so—"

"So, hindi mo na ako isasama?"

Tumango siya. "Hindi naman pwedeng araw-araw ka ring pupunta dito para hanapin si Joon Young d i'ba?"

"But you can't speak Korean."

"I can communicate just fine," aniya. "Tsaka, sa nakita ko ngayon, willing naman tumulong ang locals kaya pakiramdam ko hindi ako mahihirapan sa—"

"But I still feel apologetic towards you and—" Kasabay ng pagkunot ng noo niya ay ang biglang pagsapo ni Andrew sa noo nito. Inaantay niyang dugtungan nito ang sasabihin nito ngunit hindi na nito iyon ginawa. Sa halip ang sinabi nito ay, "fine. Let's head back to Seoul."

Naglalakad sila pagbalik sa bus station nang biglang magsalita si Joon Young. "Why?"

"Ha?"

"Why do you need to find him?" Seryosong tanong ni Andrew sa kanya.

"Kailangan ko siyang makita para sa isang taong importante sa akin," aniya. Hindi ito nagsalita o nagkumento kaya naman itinuloy niya ang kanyang sinasabi. It was the first time he had asked her that question. Hindi ito nagtanong noong una, pero willing naman siyang sagutin iyon—siguro naman ay dapat naman talaga nitong malaman iyon bilang kasama niya ito ngayon sa paghihirap sa paghahanap, hindi ba?

"I owe that person a lot and I think that the only thing that I can do give back the favor is to find Park Joon Young and bring him back home to Manila."

"Home? How can you be sure that Manila is his home if he is here in Korea?"

Saglit siyang napaisip sa sinabi ni Andrew dahil alam niyang may punto ito. Ngunit mabilis din niyang kinontra iyon. "Home is where the family is. So, dahil nasa Manila ang papa ni Joon Young, I assume Manila is home."

Bumukas sara ang bibig ni Andrew na tila ba may nais pa itong sabihin sa kanya, ngunit sa pangalawang pagkakataon, mas pinili nitong wag magsalita na lamang. Soon thereafter, they arrived at the bus station. Balak sana nilang puntahan muna ang lost and found para magreport sa nawawala niyang phone pero ganoon na lamang ang gulat ni Julia nang makitang halos walang tao roon. Tiningnan niya si Andrew at nakita niyang ganoon din ang pagtataka sa mukha nito.

Nilapitan nila ang ticketing booth. May nakapa-iskil na memo doon, ngunit dahil nakasulat iyon sa salitang Koreano, walang naintindihan si Julia. She looked at Andrew and waited for him to tell her what the memo is about.

JOON YOUNG'S LOVE SONG [COMPLETE]Where stories live. Discover now