CHAPTER 14.2

90 3 0
                                    

MAKALIPAS ANG halos dalawang linggo mula nang umalis si Julia papuntang South Korea ay naririto na muli siya sa Pilipinas. Ngunit hindi kagaya ng pag-alis niya, ngayon ay baon baon niya ang hindi mapaliwag na sakit sa kanyang dibdib dahil sa mga nangyari.

After his confrontation the other day with Joon Young, Julia realized that there is no more reason for her to stay longer in Korea. Nagawa na niya ang misyon niya—ang hanapin si Park Joon Young ngunit kahit na gustuhin man niyang isama ito pauwi sa Pilipinas, alam niya kung gaano iyon impossible.

Joon Young never wanted to comeback home the way he never wanted to be associated with his father again. Siya, higit kanino man ang nakakaalam kung gaano nasaktan si Joon Young sa ginawa ng papa nito na maaring naging dahilan kung bakit gusto nitong gantihan si Mr. Park. Kaya naman kahit na ayaw niya, nauunawaan niya ang binata at kung bakit ayaw nitong umuwi sa bansa.

Julia stopped her thoughts. Paulit ulit na niyang sinabi sa sarili kung gaano siya kagalit kay Joon Young matapos ang kumprontasyon nilang dalawa, ngunit heto, sa huli nasa binata parin ang simpatya niya.

. But, who can blame her? In the short time she had known Joon Young, he made her believe in love that was beyond her comprehension. And even if everything turned out to be a lie, Julia wanted to believe that its still love, in its craziest form.

She is crazy in love, there was no doubt to it.

At ngayon, kung gaano siya kabilis mahulog para sa binata ay katumbas niyon ang hirap na kailangan niyang kaharapin para makalimutan ang pagmamahal na iyon. And she knew that of course. Kaya naman kahit na gusto niyang sisihin ang sarili, hindi niya magawa.

Paglabas ng NAIA ay hindi nagsayang ng oras si Julia at dumiretso siya sa ospital kung saan nakaconfine si Mr Park. Gusto na niyang makita si mommy Melissa. Kahit na araw araw niyang nakakausap ang mommy niya, wala itong ideya sa nangyari sa kanya. All she ever told her was that finding Andrew was going well, and if she was lucky, she'd be home soon.

But what mommy Melissa didn't know is that she'd be coming home today. Kaya naman nang makita siya nito sa ospital—kasedohang may bitbit pa itong kung ano-anong gamit ay dumiretso ito sa kanya at niyakap siya.

Ito iyong tipo ng yakap na parang magic na papawiin ang lahat lahat ng sakit na nararamdaman mo at mararamdaman mong nakauwi ka na. And in Mommy Melissa's arms, Julia was home. Kaya naman kahit na ayaw niya ay hindi niya napigilan na humagulgol nang yakapin siya nito.

It was like surrendering herself to the pain. Sa loob ng nakalipas na mga linggo, pinanindigan niya ang "strong independent woman" promise niya sa kanyang sarili, ngunit ngayon muli ay isa lamang siyang batang babae na nangngailangan ng kalinga.

"Siguro naman ngayon, magsasabi ka na ng totoo sa'kin, Julia?" maya maya ay sabi ni mommy Melissa sa kanya nang bahagya siya nitong inilayo para pagmasdan. "Palagi mong sinasabing okay ka lang habang nandoon ka, pero alam mo bang dinig na dinig ko sa boses mo na hindi?"

Nakagat niyaang pang-ibabang labi niya. Mother's instincts.

"Sinong nagpaiyak sa iyo? Papaluin ko ng walis tingting!" malambing na sabi nito sa kanya na siyang nagpangiti sa kanilang dalawa. Niyalap niyang muli si Mommy Melissa. "Hindi ko naisama si Joon Young pauwi, Ma," aniya. "I'm sorry binigo ko ang pangako ko sa inyo."

"Sshh," alo nito sa kanya. "Joon Young isn't important. Ang mahalaga para sa'kin ngayon ay nandito ka na at sapat na iyon."

Nakahinga siya ng maluwag ngunit dama parin ni Julia nag bigat na kanyang dala dala mula sa korea. How can she ever tell her mother that she was hurt because of the person she was looking for and the very same person who was supposed to be the answer for her mother's happy ending? Paano niya ipaliliwanag dito na nainlove siya sa taong hindi niya maaring mahalin? When did loving someone became so complicated?

JOON YOUNG'S LOVE SONG [COMPLETE]Where stories live. Discover now