CHAPTER 11.2

95 2 0
                                    


"THIS IS a pojangmacha," sabi ni Andrew kay Julia nang pumasok sila sa isang maliit na tent sa tabi ng daan. Muli, buong araw lamang silang magkasama ni Andrew at nag-usap ng kung ano-ano. He even taught her a few Korean words pagkatapos ay pagtatawanan siya nito dahil hindi niya iyon mabigkas ng tama.

At the back of her mind, gustong makonsensiya at ma-guilty ni Julia dahil pakiramdam niya, nane-neglect niya ang dapat ay paghahanap niya kay Park Joon Young. Ngunit kinokonsola niya ang sarili na ginagawa at gagawin pa rin niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya para lamang mahanap ito. She just wanted to enjoy what she has right now—the moment with Andrew.

"You can eat local street foods here while drinking soju," anito sa kanya saka siya iginaya paupo sa isa sa mga stalls doon. "Do you want to try eating something?"

"Gusto kong ma-try ang soju," aniya. "Ganito yung mga napapanuod ko sa K-Drama eh."

Andrew chuckled but obliged. Nagsalin si Andrew sa baso niya at sinabi nitong tikman niya iyon. "Just feel free to stop when you don't feel like you don't like it," anito.

Gusto niyang sabihin na kahit na hindi niya gusto ang lasa niyon ay hindi siya hihinto. She can be hard headed, but when she knew what she likes, she doesn't just stop. Instead, she does what she can for it. Kaya naman ininom niya ang soju—one shot, sabi nga ng mga karakter sa K-Drama.

Naramdaman niya ang pagdaan ng init kasabay ng paghilab ng tiyan niya dahil sa ininom niya. Tuloy pakiramdam niya nalukot ang mukha niya. Nang tingnan niya si Andrew, nakatingin lamang ito sa kanya habang pinagtatawanan siya. "Gusto mo pa?"

"Oo," sabi niya. "Isa pa." Muli, sinalinan siya nito sa baso at ininom niya iyon. At dahil expected na niya ang after effects ng soju, mas nakayanan na niya iyon ngayon. "Ngayon parang naiintindihan ko na kung bakit gusto ninyo ang soju," aniya kay Andrew. "masarap naman pala kahit na alcoholic drink siya."

"But isn't alcohol bad for your health?"

"Isn't smoking bad too?" balik niya sa binata. "Pero ginagawa mo parin—at iniinom mo parin kasi—"

"because it feels good," Andrew answered for her. "Point taken. But stop drinking first. Kumain ka muna." Itinulak nito sa kanya ang isang bowl ng tteokbokki—isa sa mga kilala niyang pagkain.

Maya-maya ay kinuha niya ang bote ng soju at sinalinan ang baso ni Andrew. "Truth or dare," aniya.

"wae?"

"Ginagawa nila ito sa mga K-drama," aniya sa binata ngunit ang totoo, gusto lamang niyang magkaroon ng excuse para magtanong dito—na mukhang nabasa naman nito sa kanya.

"You don't dare someone who is used to drinking, Ramen Lady." Kinuha nito ang baso at ininom iyon. "You're making interviews a habit. Don't you think so?"

Nagkibit balikat siya saka muling kinuha ang soju. "Gusto kitang makilala," sabi niya. Hindi niya alam kung saan galing ang lakas ng loob niya sa sinabi. But she wanted to blame the soju for it.

"Hindi ko alam kung gugustuhin mo pa ako kapag makilala mo ako, Julia."

Napalunok siya. Narinig niyang tinawag siya ni Andrew sa tunay niyang pangalan. Julia. She wanted to him to hear him say her name again and again. "You're my soju, Andrew."

He looked at her intently. Alam nilang dalawa ang ibig sabihin niyon, at ang pagsasabi niya dito ng ganon ay parang pagtaya sa kanyang sarili.

He turned away from her and drank again. "Anong gusto mong malaman?" maya-maya ay sabi nito sa kanya.

Nagkagat labi siya. Courageously, she asked. "Anong kwento mo?"

"Ako?"

Tumango siya. "why are you here in Korea aside from doing music? Where are you from or why are you alone and—"

"I live for myself, I told you." Anito sa kanya. "Iyon ang rason kung bakit nandito ako sa Korea, at kung bakit ako mag-isa. Because I know better than to trust people. I prefer to be alone than to be betrayed."

"Who betrayed you, Andrew?"

It took him a while before he can answer. Uminom itong muli ng soju bago tumingin sa kanya ng diresto. "My own father."

Tiningnan niya ang binata at hinding hindi niya magagawang kalimutan ang sakit na nanakikita niya ngayon sa mga mata nito. He was so hurt that it effortlessly come across to her.

"After my mother died, he moved on too easily," pagpapatuloy ni Andrew. "at alam mo ba kung bakit? Dahil sa isang babae na hindi ko kailan man inakala." He let out a bitter laugh. "My own father married my own girlfriend... his son's girlfriend for fuck's sake."

Napasinghap siya sa narinig at wala siyang maapuhap na anumang sabihin. Kung kaninang umaga, ang masasayang ala-ala ng binata ang pinaguusapan nila, ngayon, nakikita at naririnig niya ang ibang kwento ng buhay nito. Parang 360 degrees ang naging pagbaliktad ng mundo ni Andrew sa mga kwento nito. Nakita niyang unti-unting umalog ang balikat ng binata saka ito yumuko.

"Hindi ko inisip na gagawin iyon. He betrayed not only me, but Mama and that's the biggest mistake he had ever done. Hindi lamang niya kinuha ang babaeng pinakamamahal ko, kung hindi sinira din niya ang puso ko. He broke me into pieces I never knew was possible for a human can do." Andrew's voiced cracked as he looked at her. His eyes were filled with tears and Julia couldn't help but cry too. "Kaya kahit anong gawin niya, hinding hindi ko siya mapapatawad."

Gusto niyang tanggalin ang mga luhang iyon sa mata ni Andrew. Gusto niyang tanggalin ang sakit na nararamdaman nito. Gusto niyang gawin ang lahat para hindi lamang nito maramdaman ang nararamdaman nito ngayon.

Yes, she is willing to do these things for him.

She is more than willing to put her heart on the line for him, even. Kahit na sobrang nasasaktan siya sa naririnig niya ngayon. There was once a girl who broke his heart so bad and until today, he still shed tears about it.

"Hinding hindi ko siya mapapatawad kahit na may sakit pa siya o nakaratay na siya dahil higit pa sa sakit na iyon ang sakit na ipinadama niya sa akin at—"

Pinutol niya ang mga sinasabi ni Andrew sa pamamagitan ng kanyang daliri. "Shh," she said. "You'll be okay," aniya sa binata. "I promise you will be okay soon, Andrew. I'll wait for you to be okay."

"What if I don't?" Yumuko ito. "I don't think you'll be there by then, Julia."

"Try me."

"Paano kung malaman mo kung sino talaga ako?" anito sa kanya. "Will you still be there? Will you still wait for me?"

"Yakseok," she said with conviction. "I will be there." And without any hesitations, she stood up and crossed the gap between them. She kissed him as if sealing the promise she just made.

I will be there Andrew, I promise. I'll do everything to be there for you.

Kung paano niya gagawin ang pangakong binitawan niya, hindi niya alam. Ang tanging gusto lamang niyang gawin ay isakatuparan iyon. Komplikado man kung iisipin dahil matapos ang kanyang paghahanap kay Joon Young ay kailangan na niyang bumalik sa Pilipinas.

But she'll make it work. She was so sure of that. She'll find a way.

For Andrew.

And for the love she's feeling for him right now.

JOON YOUNG'S LOVE SONG [COMPLETE]Where stories live. Discover now