CHAPTER 4.2

108 3 0
                                    


DAHIL SA PAYONG, nakabalik si Julia sa apartment kahit na malakas ang ulan. Bahagya pa siyang nagdalawang isip kung kakatok ba siya sa pinto ng kapitbahay nila ni So Mi para ibalik ang payong na iniwan nito sa kanya, ngunit sa huli ay nagdesisyon siyang hindi nalang.

Unang una kasi, hindi naman siya sigurado kung ito nga ba ang nag-iwan sa kanya ng payong. Hindi naman kasi niya nakita ang mukha nito. Pero kung tama nga ang "hinala" niyang ang lalaki nga ang nag-iwan niyon, wala siyang nakikitang dahilan para gawin nito iyon. Not unless, nakokonsensiya na ito sa ginawa nito sa kanya.

Pero sa palagay niya ay imposibleng makonsensiya ang lalaki dahil ang humingi nga ng tawad sa ginawa nito, hindi nito nagawa noon itong payong pa kaya ngayon?

Itinabi ni Julia ang ang payong at saka nagsimulang mag-ayos ng gamit niya. It was another tiring day, yet, still, she still isn't close to finding anything about Joon Young.

May mumunting boses na ngayon ay kumukudlit sa isip niya, hindi kaya mali ang desisyon niya? Parang may isang malaking bagay na nakadagan sa dibdib niya. Alam niya, at determinado siya sa ginagawa niya, pero sa kabila niyon, hindi niya mapigilan ang self doubt. She wanted to do well, but still, there was a nagging feeling inside of her.

Masyado pang maaga para sumuko ka, kontra naman ng isang bahagi ng kanyang utak. Two days palang, Julia. Naupo sa sofa si Julia saka bumuntong hininga. Tama, dalawang araw palang naman. Masyado pang maaga at normal lamang naman siguro na hindi siya agad agad makakahanp ng lead hindi ba? After all, pumunta siya doon ng walang solidong plano, at hindi rin naman niya inaasahan na magiging madali ang takbo ng lahat para sa misyon na pinili niyang agwin.

Tinitigan ni Julia nag litrato ni Joon Young at mahinang kinausap ito. "You know, sobrang swerte mo na mayroon ka pang tao na pwede mong tawagin na "papa." Kaya sana, bago mahuli ang lahat, magpakita ka na kung nasaang sulok ka man ng Korea. Kailangan mo nang umuwi."

Kumpara kahapon, mas maayos na ang pakiramdam ni Julia ngayon dahil hindi siya gaanong pagod—physically. Pero mentally, parang hindi parin nauubos ang mga dapat niyang isipin. She was mentally listing on her mind the things that she'll need to know when they get to Gangwon—ang probinsya kung nasaan ang Hongcheon. Hongcheon is the place where she is hoping to find a tiny lead dahil doon kinuha ang litratong hawak niya.

Nasa kalaliman ng pag-iisipin ng kanyang next move si Julia nang makarinig siya ng tunog ng gitara na sinasabayan ng pagkanta. Hindi niya gaanong marinig ang kanta dahil mahina lamang iyon.

Ilang segundo ang pinalipas ni Julia at hinayaan lamang niya ang sarili niyang makinig kahit na hindi naman niya naiintindihan iyon. Bukod kasi sa salitang Koreano lamang iyon, mahina rin ang pagkanta at parang paulit ulit. It was as if the singer is still trying to compose the song.

Namalayan na lamang ni Julia na lumalapit siya sa maliit na balkonahe na nagsisilbing sampayan nila ni So Mi. Doon niya naririnig na nanggagaling ang tunog ng kumakanta. Kaya naman para mas marinig pa niya iyon ay lumapit siya.

Noon niya napagtanto na lalaki pala ang kumakanta. The voice was rough, yet the way he was singing was soft. Alam niyang sobrnag cliché kung sasabihin niyang parang humahaplos sa damdamin ang paraan ng pagkanta ng lalaki, ngunit iyon talaga ang pakiramdam niya ngayon.

Tuloy, mas lalo siyang na-curious. Gusto niyang makita ang mukha ng lalaking kumakanta at tumutugtog ng gitara. Kaya naman dahan-dahan siyang sumilip sa balkonahe—punong puno iyon ng pag-ingat dahil ayaw niyang gumawa ng anumang ingay na maaring magdistract dito.

Ang unang nakita ni Julia ay ang gitara na kahit na madilim ay parang nagliliwanag dahil sa mumunting ilaw na nagmumula sa mga katabi nilang building. The guitar refelected the lights around it that it looked like it was shinning.

JOON YOUNG'S LOVE SONG [COMPLETE]Where stories live. Discover now