CHAPTER 17.1

104 4 0
                                    


 FOR SOME reason, Joon Young always thought that he was alone, and that no one has been on his side. Well, iyon ang palagi niyang naiisip mula noong mamatay ang mama niya at at bigla siyang iwan ni Amy para magpakasal sa papa niya.

Sa mga nakalipas na taon, pinaniwalaan niyang siya at siya lamang ang maaring tagapagtanggol ng sarili niya; na kaya niyang mabuhay ng mag-isa nang hindi humihingi ng tulong sa kahit na sino. He always believed that he was alone, hence, he loved himself more than anyone else because he knew no one would ever do that but him.

Kaya naman, nasanay siyang hindi humihingi ng kahit anong klaseng tulong o pabor sa kahit na sino. At ngayon na kinakailangan niya iyon, hindi niya alam kung anong mararamdaman na kusa iyong ibinibigay sa kanya kahit na wala pa siyang sinasabi.

Hindi niya maipaliwanag kung gaano siya nagpapasalamat sa mga kaibigan niya. Lalong lalo na sa sitwasyon na pinagdadanan niya ngayon. All these years, how can he ever think that he was alone, when all along, he had his friends? Yes, friends. I do have friends. Who would've thought?

"Don't worry about anything in here," sabi ni Ju Hyeok sa kanya. "We're pushing through all the recording but we'll wait for you."

"'Wag mo na rin muna isipin ang comeback," sabi naman ni Tae Hyun sa kanya. Nahihinuha niyang nasa loob ng recording studio ang mga ito ngayon habang nakaloud speaker ang cellphone kaya naririnig ng mga ito ang sinasabi niya. "You're much important than that. Anyway, the fans will understand. They'll always do, lalo pa para sa paborito naming producer."

"But I'm your only producer," he pointed out.

"Jeongdam," ani naman ni Jong Min. "Kaya nga hihintayin ka namin. Hindi pwedeng mag-comeback nang hindi tayo kumpleto."

First thing this morning, tumawag ang mga ito para kumustahin siya. Kahapon matapos siyang hayaan na magpahinga ni Julia ay hindi niya namalayan na nakatulog pala siya ng tuloy tuloy. He guessed that he might be exhausted for the things that happened yesterday that it took a complete toll on his body. Nagising nalang siya ngayong umaga dahil sa pagring ng telepono niya.

Sinabi niya sa mga kaibigan niya na hindi niya alam kung kailan pa siya makakauwi dahil mas gusto niyang manatili muna sa bansa...sa tabi ng papa niya. Akala niya noong una, pagtatawanan siya ng mga ito, ngunit sa halip ay heto ang sinagot ng mga kaibigan niya sa kanya.

"Gumawo... jinjja gumawoyo." sabi niya bilang pagpapasalamat na umani naman ng kakaibang palakpak mula sa kabilang linya. Unconsciously, he smiled too. Alam kasi ng mga ito na hindi siya ang tipo na mahilig magsabi ng thank you, pero heto siya ngayon.

"Anyway, how's Si Yoon?" naalala niyang tanong sa mga ito. "is he there? Is the bruise—" natigilan siya sa naisip. He punched Si Yoon without thinking yesterday. Kung makikita ni CEO Kim na mayroong pasa ang pinaka-visual na miyembro ng banda, siguradong hindi nito sila titigilan para malaman kung sino ang gumawa niyon.

"He's not here," ani Defconn, ang manager nila na naroon din pala.

"Nasaan siya?"

"Sinundan niya iyong babaeng sumuntok sayo kahapon."

"What?" gulat na sabi niya. "What is he trying to do?"

"Kiss the girl," sabi ni Ju Hyeok. "Wag mo nang isipin si Si Yoon. You know how he is. Just focus on your dad. Let us know how we can help in any way."

"Ne, kamsahamnida."

Matapos niyang kausapin ang mga kaibigan ay lumabas na siya ng kwarto. Unang rumihistro sa kanya ay ang kung anumang niluluto at kasunod niyon ay ang pagkalansing ng kung ano na para bang mayroong nahulog.

JOON YOUNG'S LOVE SONG [COMPLETE]Where stories live. Discover now