CHAPTER 16.1

104 2 0
                                    


NANG magising si Julia ng umagang iyon, ang una niyang napansin ang ang tila pagkalat ng dilim sa kalangitan. It was an unbelievably gloomy day that seemed to be mirroring all the things that are happening around her.

Kagaya nang nakagawian nila, magdadala siya ng gamit ni Mommy Melissa bago siya pumunta sa ospital para siya naman ang magbantay kay Mr. Park habang ito naman ang nagpapahinga.

Ngunit habang nasa biyahe si Julia, ay bigla namang umulan kaya naman kinakailangan niyang huminto para magpatila dahil wala siayng bitbit na payong. May nakita siyang convinence store sa hindi kalayuan sa kinatatayuan niya at kahit na ayaw niya ay hindi niya napigilang pumasok doon kasabay ng pagdagsa ng mga ala-alang bumabalik sa kanya.

Bumuntong hininga si Julia. Oo, kahit na paulit ulit niyang sinasabi sa sarili niya na hindi dapat ang sarili niya ang iniiisp niya ngayon, natatagpuan parin niya ang sarili na nangungulila ata hinahanap hanap si Joon Young.

Si Joon Young na hindi niya alam kung makukumbinsi ba niya sa pamamagitan ng iniwan niyang mga mensahe kay So Mi. She had no ways to contact him besides her friend. Ewan ba niya kung bakit sa tagal nilang magkasama ni Joon Young, hindi man lang niya naisip na kunin ang number nito o kahit anong maaaring magkonekta sa kanilang dalawa. But then again, alam niyang kasalanan niya iyon—she was too blinded then at maging ang mg ganoon katrivial na bagay ay parang hindi na niya nabigyan ng pansin.

As of today, wala pa siyang naririnig mula sa kaibigan kung anong nangyari o nasabi na ba nito kay Joon Young ang nais niyang iparating dito, but she trusts So Mi enough to know that even though she hated him, she'll get the message across.

Wala na sa kanya ang bola. Ang kailangan at maaari na lamang niyang gawin ngayon ay ang mag-hintay: Kung darating ba si Joon Young o hahayaan na lamang nito na matapos ang lahat sa ganito.

Sumilip si Julia sa labas, lalong lumakas ang ulan. Bumili siya ng payong dahil kailangan na niyang umalis. At parang pinaglalaruan siya ng tadhana, kulay dilaw lamang ang payong naroroon. If this is destiny playing tricks with me, it surely isn't funny. Eitherway, binili parin niya ang payong dahil kailangan na niyang umalis at dumiretso na sa ospital.

The rain didn't stop during her ride. Pagdating naman niya sa ospital, nahirapan siyang bumaba sa bus dahil malakas parin ang ulan. Kinakailangan pa kasi niyang lakarin papasok sa entrance niyon dahil malayo layo sa gate ang main entrance. Nasa mas malapit kasi ang emergency room.

Papalapit na siya sa entrance door nang may mapansin siyang isang bulto na nakatayo sa gitna niyon at nagpapabasa sa ulan.

Natigilan sa paglalakad si Julia at pinagmasdan ang taong nakatayo sa di kalayuan. Nakatalikod ito sa kanya kaya ang tanging nakikita lamang niya ang likod nito ngunit pamilyar sa ito sa kanya.

Everything about the guy standing in the middle of the rain is familiar to her.

Hindi siya makapaniwala sa nakikita ngunit alam niyang totoo ito. Nandito si Joon Young. Nakarating sa binata ang mensahe niya. She was sure of that.

An overwhelming feeling of relief slowly envelopes Julia. Ngunit sa kabila ng saya at pagpuno ng pangungulila, naramdaman din niya ang pagbigat ng damdamin niya habang pinagmamasdan ito.

Joon Young was looking at the entrance and slowly took two steps toward it. Ngunit sa pangatlong hakbang nito, sa halip na paabante ay naging paatras iyon. His two steps forward doubled as he walked backwards.

Nakalimutan niya na hindi dahil naririto si Joon Young magiging madali lamang ang magiging paghaharap nito at ng papa nito. Higit kaninoman siya ang nakakaalam kung gaano kasama ang loob nito sa sarili nitong ama. But then again, seeing him here is the first step of forgiveness and reconciliation, right?

Her heart was struggling seeing him like that and she knew what she needed to do. This time, she'll be the one to help him find his way.

A way back home.

Walang pag-aalangan siyang lumapit dito. Huminto siya sa likod ng binata at pinayungan ito. It took him a while to realize that something is shielding him from the rain. At nang marealize nito iyon ay dahan-dahan itong lumingon sa kanya.

Their gazes met and, in an instant, all the feelings she felt for him came back like a whirlwind that is stronger than any storm ever reported. Joon Young looked with the same intensity she knew so well.

Hindi niya kailangang tingnan nang matagal ang mga mata nito para malaman na umiiyak ito ngayon sa kabila ng pagkabasa nito sa ulan. He was crying and it made her feel happy because it meant that he cared. Kailangan pa ba niyang tanungin ang bagay na iyon? The fact that he was here now meant that he cared.

He still cares for his father.

"Welcome home," sabi niya sa binata at nginitian ito sa pagitan ng pag-iyak niya.

Wala itong sinabing iba sa kanya, sa halip ay tumango lamang ito bilang sagot.

Hinawakan niya ang kamay nito. "Let's go to him now."

Dumaan ang pag-aalangan sa mga mata ni Joon Young at hindi man lang nito iyon itinago. Pinisil niya ang kamay nito at tumango. Soon, they were walking towards Mr. Park's room with no words exchanged between them.

But he was holding onto her and she didn't let go. 

JOON YOUNG'S LOVE SONG [COMPLETE]Where stories live. Discover now