DÉJÀ VU, iyon ang pakiramdam ni Joon Young ngayon habang paulit ulit niyang pinaalalahanan ang sarili niya kung bakit siya nandito at kung ano ang rason niya sa likod ng mga ginagawa niya. Hindi niya dapat alisin sa isip niya ang tunay na pakay—iyon ay gantihan ang kanyang papa sa pamamagitan ni Julia.
Kaya nga ilang ulit na kinastigo ni Joon Young ang sarili kagabi. He almost opened up to Julia and talked about himself—na wala naman sa kanyang plano. She made it look so easy for him to just give in and open up to her at he shouldn't let that happen.
So, it would be very best if you do not forget what you are here for, Joon Young, paalala niya sa kanyang sarili... for the umpteenth time.
"Saktong-sakto na naman 'to sayo!"
Joon Young looked at Julia and the long sleeve top she was handing to him. Itinapat nito iyon sa katawan niya na tila ba sinusukat iyon sa kanya.
Maaga silang gumising nang umagang iyon dahil kinakailangan nilang pumunta sa traditional market hindi kalayuan sa bahay na kanilang tinutuluyan.
Actually, bahay iyon ng isang ahjumma na kilala niya mula pa noong maliit siya. She was the one who sells yogurt from door to door, and his son was the same age as him. Ito ang ilan lamang sa mga tao sa Hongcheon na talagang nakakakilala sa kanya kaya naman ayaw sana niyang puntahan ito hangga't maari. But then again, last night, he had no other choice.
But then, the ahjumma who was always on his side agreed to help him—patitirahin siya nito sa bahay nito at itatago nito kung sino talaga siya.
At ngayong umaga naman, ipagpapatuloy nila ni Julia ang paghahanap nila sa kanya, pero pareho silang walang anumang damit. Kaya naman isinuhestiyon niya dito na mamili sila sa traditional market kung saan mura ang mga bilihin at maraming mga used clothes.
"I don't wear pink," mabilis niyang kontra sa babae saka kinuha ang hawak nito. He wrapped the cloth around her shoulders and pulled her close. "This one looks better on you, not on me."
Narinig niyang humigit ng malalim na hiniga si Julia ngunit hindi naman siya nito itinulak palayo. He felt the corners of his lips curl up into a smile but it was also instantly gone when he felt the familiar ache in his chest. Marahan niyang pinakawalan si Julia. "Are you done? Let's go para mahanap na natin si Park Joon Young."
Binitiwan ni Julia ang hawak na damit. "Right," anito at nauna nang maglakad sa kanya. Tiningnan niya ang dalaga mula sa likod. Binitiwan naman na niya ito, pero bakit parang ang sakit sakit parin ng dibdib niya?
Ah, jjajeungna, aniya sa sarili. Hindi dapat sakit ng dibdib niya ang iniintindi niya ngayon kundi ang kanyang pakay. With that in mind, he immediately followed Julia and held her hand as they walk.
Nakita niyang nagulat si Julia sa ginawa niya at tumingin ito sa kanya ngunit hindi niya ito nilingon. Sa halip, pinagsalikop niya ang kanilang mga daliri na muling ikinagulat hindi lamang ng dalaga kundi maging siya. Doing such felt so natural that he didn't seemed to think twice. Pero pinalala niya sa sarili niya na parte lamang iyon ng kanyang plano. Everything is part of the plan.
Yet, holding her like this felt okay with him. And okay is starting to be not okay because this isn't part of the plan.
YOU ARE READING
JOON YOUNG'S LOVE SONG [COMPLETE]
Fanfiction• "I think, I like you." "You can't Ramen Lady. I told you, I only love myself." "I know, that's why I like you more." Julia is on a self-imposed mission impossible in South Korea-ang gawin ang last wish ng fiancé ng mommy niya: ang hanapin ang e...