HINDI MAUBOS UBOS ang pagku-kwento ni Julia kay So Mi nang dumating ang kanyang kaibigan kani-kanina lamang. Buong detalye niyang ikuwento dito ang tungkol sa lalaking lasing at ang naging engkwentro niya dito kaninang umaga.
"May iba pa ba siyang ginagawa sayo bukod sa pagtulak sayo kanina?" seryosong tanong sa kanya ni So Mi habang kumakain ito.
"Wala naman na. Pero tinulak lang niya ako nung kagatin ko siya at..." tiningnan niya ng mataman ang kaibigan. "Bakit parang hindi ka worried?"
"Worried ako," mabilis nitong kontra. "pero first time ko lang kasing narinig yang kwento mo tungkol sa lalaki sa kabila. Parang hindi ko pa nga siya nakikita simula nung lumipat siya dito."
"Bagong lipat lang ba siya dito?" curiosu naman niyang tanong.
"Oo, parang apat na buwan palang. Tapos lagi lang siyang nasa loob ng apartment niya kaya nakakapanibago iyang narinig kong kwento sayo." Lumapit sa kanya si So Mi. "Gwapo ba?"
"Hoy!" mabilis niyang sita dito. "Muntik ka nang mapagnakawan, tapos muntik na ring may masamang mangyari sa'kin, hindi ba dapat ang tanong mo sa'kin ay kung ayos lang ako?"
"Ayos ka naman eh," depensa nito sa sarili. "Pero, naririnig kong sabi sabi sa ibaba, gwapo daw siya, medyo weird nga lang daw. Michin saram."
Naintindihan niya ang huli nitong sinabi. Michin saram means a crazy person. "Alam mo naman palang medyo—" ipinaikot niya ang isang daliri sa kanyang sentido. "—tapos tinatanong mo pa kung gwapo. Weird ka rin, no?"
Tumawa si So Mi. "Okay, you seem to hate him that much. We can report him to the police if you want to. Did he hurt you?"
Napaisip bigla si Julia. Hindi naman niya natatandang sinaktan siya ng lalaki. Oo itinulak siya nito, pero kung siya ang tatanungin, naging self defense lamang nito iyon dahil sa pagkagat niya dito.
Wait, are you siding with him? Tanong niya sa kanyang sarili.
No, of course! Mabilis na sagot ng isang bahagi ng kanyang isip. Bakit ko kakampihan ang mayabang na lasing na iyon?
Still, hindi niya kinakampihan ang lalaki pero wala rin siyang balak na i-report pa ito sa police. Masyadong maliit na bagay lamang ang lalaki kumapra sa kailangan niyang hingin na tulong sa mga police kaya naman ayaw na niyang sayangin ang pa ang kanyang oras ara lamang ireklamo pa ito.
"No, hayaan mo nalang," aniya. "Wag nalang siyang magpapakita uli sa'kin dahil siguradong—"
"Siguradong titingnan mo na kung gwapo siya?"
"Hoy!" pinalakihan niya ng mata ang kaibigan. "Siguradong kakagatin ko ulit siya!"
So Mi just laughed at her. "Parang gusto kong warning-an ang kapitbahay ko na iwasan ka na."
"Dapat lang!"
GUMULONG sa kanyang kama si Joon Young. Bahagya paring masakit ang kanyang katawan, ngunit wala na siyang masyadong hang over. Gusto niyang i-figure out kung ano at paano siya nagawang hilahin ng babae palabas ng unit nito kagabi, ngunit parang ayaw na rin niyang isipin kung paano nito iyon ginawa. Umaahon lamang kasi ang inis at pagkapahiya na nararamdaman niya kanina.
But heck, that woman was so cold hearted. Biruin mong hinayaan na nga siya nitong matulog sa labas, at sa tabi pa ng basurahan pagkatapos ay walang humpay pa siya nitong pinukpok ng payong kanina.
Bumuntong hininga siya saka inilagay ang kanyang braso sa kanyang mga mata. Ah, he can't even forget how embarrassed he was earlier. Ngunit wala naman siyang choice, hindi ba? He was drunk. Kung sana may kahit na kakaunting "humanity" man lang ang babaeng iyon, hindi siya nito hahayaang matulog sa labas.

YOU ARE READING
JOON YOUNG'S LOVE SONG [COMPLETE]
Fanfiction• "I think, I like you." "You can't Ramen Lady. I told you, I only love myself." "I know, that's why I like you more." Julia is on a self-imposed mission impossible in South Korea-ang gawin ang last wish ng fiancé ng mommy niya: ang hanapin ang e...