Chapter 1

229 7 0
                                    


Maine

Maine!!

Pabulyaw na sigaw ni Andrea, ang aking stepsister medyo mas matanda siya sakin ng isang taon. Si Andrea ay anak ni Tita Mariz (Mommy ni Andrea) sa kanyang unang asawa. Namatay ang ama ni Andrea dahil sa aksidente pero di kalaunan ay nagkakilala si daddy at tita Mariz sa isang business trip at nagkagustuhan at di nagtagal ay kinasal sila ni daddy. Naalala ko pa nun ng tanungin ako ni daddy kung gusto ko daw ba ng bagong mommy. Alam ko sa sarili ko na ayoko, na okay lang sakin kahit dalawa lang kami ni daddy basta magkasama kami, para sakin sapat na un para mapunan ang pangungulila ko kay mama. Pero nakikita ko sa mga mata ni daddy na masaya siya kay tita mariz at sino ba naman ako para tumutol sa kaligayahan ni dad. Namatay si mama dahil sa sakit na breast cancer nung nasa high school pa lang ako. Naalala ko pa ang last word ni mama sakin bago siya umalis 'Maine anak, tandaan mo mahal na mahal kita.Lagi mo isipin ang laging maging mabuti sa kapwa wag na wag mo hahayaan na lamunin ka ng hate na nararamdaman mo.Kahit na ano pang sakit ang ibigay sayo ng mundong to, always remember may dahilan si god para mangyare ang mga bagay na mangyayare'. I nod. 'Yes mama, promise ko po yan sayo'. Sambit ko habang tumutulo ang mga luha sa mga mata ko.

Hi! I'm Maine Mendoza. 19 years old. I'm taking up, Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management.
Tatay ko ang pinakasikat na businessman sa pilipinas na si Ted Mendoza. May ari kami ng isang pinakasikat na gasoline station dito sa pilipinas. Kung susumain ko ay napakadaming negosyo ni daddy. Mapa hotels at restaurants ay meron din siya. Investor din siya sa mga malalaking company. Kaya kahit saan siya magpunta ay kilala siya. Para na nga siyang artista. Lagi siyang laman ng balita. Dahil sa husay niya sa larangan ng business, lahat ay humahanga sa kanya.

Nabalik ang isip ko sa reyalidad ng tumunog ang phone ko. Dali dali kung sinagot ang tawag.

'What the heck are you doing?! Bakit ang tagal mo bumaba! Im gonna be late at school!

Si Andrea. Napasambit ako ng Holy sh*t! First day pala namin ngayon sa college. Napatingin ako sa clock at 7:30 am na. Naka enroll kami ni Andrea sa sikat na university. Kung saan kaibigan ni daddy ang may ari ng university na ito.

I quickly freshen up at sinuot ang black pants at white shirt and a pair of sneakers. Quickly grab may bag and run downstairs. Sa school na lang ako mag breakfast. Paglabas ko ng pinto nag aantay na si Andrea sa loob ng kotse pati driver namin na si Mang kiko. Agad akong sumakay ng kotse.

'Kapag late ka ulit next time, iiwan talaga kita!

She crossed her arms. At nakasimangot

'Sorry....

I glanced at her. Nakatingin lang siya sa may bintana ng kotse. Hindi talaga kami magkasundo ni Andrea. Since tumira sila ni Tita mariz sa bahay, wala na siyang ginawa kundi tarayan ako at simangutan. Pero iniintindi ko nalang siya baka malay natin balang araw magbago siya at magkasundo kami. Pero wala na yatang chance para magkasundo kami dahil hanggang magcollege ako ganun pa din trato niya sakin. I sighed. I grab my bag at kinuha ko ang earphones at nakinig nalang ng music. After 30 mins tumigil ang kotse at pagtingin ko sa labas ay nasa school na pala kami.I get down the car first and then Andrea. Tumingin siya sakin ng matalim bago naglakad papuntang entrance ng University.

'Andrea?

Tawag ko sakanya. Lumingon siya sakin.

'What??

'San ako pwede magtanong kung nasan ang class room ko? I smiled at her.

'You know what? I dont care. Wag ako tanungin mo sa mga ganyan. Tsaka pwede ba wag mo ako kausapin pag andito tayo sa school!

Wanting youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon