Chapter 11

74 4 0
                                    


Alden

Papasok na sana ako ng classroom ng may ipinapakilala ang professor namin sa klase kaya napatigil ako.

'Hi classmates, I'm Jake Ejercito..

Narinig kung pakilala niya sa klase. Nakita ko si Maine na titig na titig sa lalaki. Maya maya pa nagsalita ulit ang lalaki.

'Hi Maine...

Napatiim bagang ako. Nakangiti pa ang mokong na to kay Maine. Sabay ng bulungan ng mga kaklase namin. Kinuyom ko ang aking mga palad. Dahil bigla na lang akong may naramdamang galit sa dibdib ko. Mas lalo akong nag init ng makita kung palapit siya kay Maine at umupo sa katabing silya niya na bakante. Pumasok na ako at dirediretsong pumunta sa gawi ng mga kaibigan ko. Napansin kung sinundan ako ng tingin ni Maine hanggang sa makaupo ako. Hindi nagsi sink in sa utak ko ang mga sinasabi ng professor habang naglelecture siya dahil yung kumag na katabi ni Maine ay tingin ng tingin sa kanya at hindi ko maiwasang di mapatingin sa gawi nila. Ang sarap tusukin ng mga mata niya. Ngingiti pa siya. Nakita kung may sinabi sa kanya si Maine at napangiti ulit ito.

'Ang sabi nila kababata at ex daw ni Maine yang si Jake..

'Oh talaga? OMG.. sobrang bagay nila...

Narinig kong usapan ng dalawang babae sa likuran ko. Mas lalo akong nainis sa mga sinabi nila at napahampas ako sa desk ng upuan ko at naikuyom ko ang aking kamao na may sugat kahit naramdaman kung sumakit ang ito ay di ko pinansin. Mas nangingibabaw ang inis sa akin.

'Anong ingay yan Mr.Richards?

Tanong ng professor namin. Nang marinig ang kalabog sa gawi ko at napatingin ang lahat sa akin. At nagtataka.

'Sorry sir, napalakas lang ang paglapag ko ng notebook..

Malamig kung sagot. At nagpatuloy na siya sa paglelecture. Isang oras pa ang nakalipas ay natapos na ang lecture. Wala akong naintindihan. Matapos magpa alam ng prof ay dali dali akong tumayo at diretsyong lumabas ng classroom. Nang magsalita si Kris.

'Man San tayo?

Tumigil ako sa paglalakad at humarap ako sa mga kaibigan ko sabay turo sa kanila.

'Wag kayong susunod sakin!

Pagalit kung sabi. Nagsalita pa si Kris pero hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Dahil nag iinit ang aking ulo, gusto ko nalang umalis sa lugar na yun bago pa ako may magawang hindi maganda. Aaminin ko short tempered ako. Gusto ko siya. Oo gusto ko si Maine. Hindi ko alam kung kelan ko ito naramdaman. Sigurado ako na iba ang nararamdaman ko sa kanya. Parang mas lalong lumalalim habang tumatagal.

Bago pa ako makalabas ng classroom ay nakita ko sa gilid ng aking mga mata na lumapit na naman ang lalaking yun kay Maine at hinawakan niya ang mga kamay ni Maine at bigla siyang hinila palabas ng classroom. Gusto ko ng manapak ng tao. Pababa na ako ng hagdan ng may nakabanggaan ako. Hindi ko siya pinansin.

'Hoy! Wag kang tatanga tanga! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!

Binalingan ko siya ng matalim na tingin at lumapit sa kanya. Sabay binigyan ko siya ng isang malakas na suntok sa mukha dahilan para dumugo ang ilong niya at mapaupo sa sahig. Nagulat siya ng makilala niya ako. Kinuwelyuhan ko siya at matalim na tinitigang mata sa mata.

'kilalanin mo kung sino kinakalaban mo.

Banta ko.

'S-sorry....

Sambit niya sabay takbo at takot na takot.

Maine

'Man san tayo?

Wanting youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon