Chapter 9

70 5 0
                                    

Maine

Iminulat ko ang aking mga mata, blinking a few times. Sobrang sakit ng ulo ko, pakiramdam ko umiikot ang buong paligid. Bumalikwas ako ng higa, napaungol ako dahil nasilaw ang aking mga mata sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana na lalong nagpasakit ng aking ulo. Bumangon ako at tumingin sa paligid, naalala ko na hindi pala ako umuwi kagabi.

Bigla ako nakarinig ng usapan mula sa labas ng kwarto. Mahina lang ang kanilang pag uusap na halos nagbubulungan lang. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto. Maliit lang ang apartment na tinitirahan ni Alden. Kunti lang mga gamit niya. Isang medium size couch, maliit na TV, isang wooden table na may two pairs of chair, tapos maliit na kusina lang. Nagtago ako sa gilid para hindi nila ako mapansin at nakinig sa usapan nila.

'......ginawa mo. What the fuck were you thinking?

Si Alden. Alam kung boses niya yun. Galit ba siya? Sa tono palang ng boses niya malalaman no na.

Sumagot ang kausap niya pero hindi ko naintindihan kung ano ang kanyang sinabi dahil sobrang hina ng boses niya.

'So, anong gusto mo sabihin ko? Salamat dahil pinapunta mo siya dito sa lugar na ito in the middle of the night? For fuck sake, muntik na siya mapahamak! Paano kung wala ako nun!

Sigaw ni Alden.

Galit na galit ang tono ng kanyang boses and it was quite scary. Ako ba pinag uusapan nila? Bakit? Napapitlag ako dahil sa napakalakas na pagbalibag ng pinto. Sinundan ko siya ng tingin. At parang bad mood siya at iiling-iling. Dumiretso siya sa kusina. Nang di niya ako napansin, I cleared my throat.

'Alden?

Gulat siyang napatingin sakin.

'Kanina ka pa ba gising?

I nodded. I lied. Tinignan ko ang niluluto niya habang paupo ako sa may dining area.

'What are you making?

Tanong ko. Hindi ko na tinanong kung sino ang kausap niya kanina. Pero may idea na ako kung sino. Si Jak, sino pa ba? sakanya lang naman ako humingi ng pabor para mahanap siya.

'Scrambled eggs. Kumakain ka ba nito?

I smiled.

'Oo naman noh!

Ngumiti din siya.

'Mabuti naman at yan lang laman ng ref....

Katahimikan..............

'Alden?

'Yeah?

'Thank you, kasi pinatuloy mo ako dito.....

Pinanunuod ko lang siya sa ginagawa niya habang inililipat niya sa Plato ang niluto niyang almusal. He opened the fridge,took out a box of orange juice and poured them into two glasses. Tyaka siya kumuha ng pinggan at inilapag sa table. Napatitig ako sa kanya. Hmm husband material? Pwede na haha. Opps! Ano ba tong iniisip ko? Erase.

'You seemed scared to go home, so it was best for you.

Nabalik ako sa reyalidad. Hindi ko namalayan na nakaupo na pala siya sa harapan ko.

'Bakit ka nagpunta sa lugar na ito Maine?

Nakita ko ang biglang pagdilim ng mga mata niya. Galit na naman ba siya?

'Kung wala ako dun, malamang napahamak ka na.

Patuloy niya. Yumuko ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nakatunganga lang ako sa pagkain ko, pag angat ko ng mukha ko ay nakatingin pa din siya sakin. Iniwasan ko ang kanyang mga titig. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya ang dahilan ng pagpunta ko sa lugar niya. "kasi miss na kita" sabi ko sa sarili ko na hindi ko mabigkas ng personal. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag sinabi ko sa kanya na miss ko siya? Wala din naman ako maisip na reason. Bumuntong hininga ako at sumandal sa upuan...

Wanting youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon