Chapter 10

74 4 0
                                    

Barbara

Paikot ikot ako ngayon sa aking kwarto at hawak hawak ang aking phone. Ano na kaya ang nangyari Kay Maine? Hindi pa din niya ako tinatawagan simula nung kinuha niya ang number ni Jak. Nakailang tawag at text na ako sakanya pero out of reach ang number niya. Nag aalala na ako baka kung ano na nangyari sa babaeng yun. Kung hindi ba naman siya baliw, gusto pa hanapin ang gangster na yun.  Alam ko kahit hindi sabihin sakin ni Maine ay alam ko ang gagawin niya. Hahanapin niya si Alden. Nagulat ako ng tumunog ang phone ko at dali dali kung sinagot na hindi tinitignan kung sino ang tumawag.

'Hello! Maine! Ano nangyari sayo? Bakit di ka nagrereply sa mga messages ko? Tatawag na ba ako ng pulis!

'Hey Lady, pwede ba isara mo muna yang bunganga mo? Nakakarindi!

Ay shit! Bigla ako kinabahan sa boses ng lalaki na tumawag. At saglit na tinignan ang phone para alamin kung sino ang caller. Naninigas ang buo kung katawan ng makita ko kung sino. Si Jak!

'J-jak?

'Bakit mo binigay ang number ko kay Maine!!

Sigaw niya. At parang umurong ang aking dila.

'Aaah eeh..

'Lagot ka sakin! Ako tuloy pinagbuntungan ng galit ni Alden.

'S-sorry na.

Bigla ko narinig ang beep. Binabaan niya ako ng tawag! Bastos to ah! Nagsosorry pa ang tao eh! Kinakabahan ako, baka patayin ako ng Jak na yun! Lord naman kasi sa dinami dami ng makakapartner ko siya pa binigay mo. Huhuhu

Maine

Habang pauwi kami ni Manong kiko ay naiisip ko pa run siya. Nakakainis ang ginawa niya sakin. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng kotse. Biglang nagsalita si Manong kiko.

'Miss Maine?

Napatingin ako sa kanya.

'Tinawagan po ako ng daddy niyo kagabi. Hinahanap niya kayo.

Napapikit ako sa stress na nararanasan ko ngayon. Dahil sayo ito Alden! Bigla ako kinabahan. Naalala ko na nakauwi na pala si Dad galing sa trip niya.

'Aah Manong ano po sinabi niyo?

Ngumiti siya sakin. Na aking ipinagtaka.

'Wag na po kayo mag alala Miss Maine, sinabi ko po sa daddy niyo na safe ka at nakitulog ka lang sa bahay ng kaibigan niyo.

Nakangiti niyang sabi. Nabunutan ako ng tinik sa lalamunan ko. Ngumiti ako kay Manong Kiko. Hulog ng langit talaga Si Manong kiko. Gusto ko pa sana makipagkwentuhan sa kanya pero masakit na masakit talaga ang ulo ko at wala ako sa mood.

'Salamat po Manong.....

Tumango lang siya sakin.

'Walang anuman po Miss Maine...

Pagkarating namin sa bahay at nalang tao. Dumiretso na ako sa aking kwarto para mag hot shower baka sakaling maibsan ang sakit ng ulo ko tsaka nalang ako iinom ng gamot pagkatapos. Nakatayo ako sa tapat ng shower habang umaagos ang maligamgam na tubig mula ulo hanggang sa aking buong katawan. Nakapikit ako, inaalala ang nangyari samin kanina ni Alden. Nag away ba kami? Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nasaktan ako sa salitang huli niyang binanggit bago ako magalit at mag walk out? "When did I sign up to tell you every fucking where I go!" Paulit ulit ang salitang yan sa isip ko. Nakakabwisit na. Tama naman kasi siya. Wala akong karapatan malaman kung nasaan siya o kung saan siya pupunta! Lalo na't hindi naman niya ako kaibigan at hindi GIRLFRIEND! Ayan! capslock yan self para dama mo! Napa buntong hininga nalang ako.

Wanting youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon